HABANG bakasyon ang NBA league, ilan sa mga manlalaro nito ang sasabak muna sa EuroBasket championship sa susunod na buwan.
Kabilang dito si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks, kasama ang tatlong kapatid ay lalaro para sa Greece national team.
Habang si Nikola Jokic ng Denver Nuggets ay ibabandera ang Serbia.
Lalaro naman para sa France si Rudy Gobert. Habang si Domantas Sabonis ay isusuot ang jersey ng Lithuania.
Bukod sa mga nabanggit, si Goran Dragic ay nakatakda ring lumaro para sa Slovenia. Nauna nang nagkomit si Dallas Mavericks star player Luka Doncic sa team.
Kung matatandaan, si Dragic ay umiskor ng 35 points sa championship game para akayin ang Slovenia sa 2017 EuroBasket championship. Itinuturing siyang ‘legend’ sa kanyang home nation at isa pa rin sa inaasahang magbibigay ng panalo.
Ang Slovenia ay fourth place sa 2020 Olympics. Tinalo sila ng Australia sa bronze medal game.
Sa EuroBasket 2022, nasa Group B ang Slovenia, kasama ang Germany at France, gayundin ang Hungary, Lithuania at Bosnia & Herzegovina.
Sa NBA, si Dragic ay lalaro sa Bulls bilang point guard sa darating na season at sinasabing ‘big boost’ sa Chicago bench.
