AYON sa mga pag-aaral, halos 90 porsyento ng startups ay bumabagsak, natitira lang ang 10 porsyento upang ituloy ang nasimulan. Ang tagumpay ng startups ay nakasalalay sa kanilang abilidad na baguhin at bigyan ng bagong porma ang kanilang mga ideya at palakasin ang operasyon hindi lang sa swerte kundi sa tamang mentoring at akmang network.
Walong startups ang tumanggap ng P500,000 equity-free grant mula sa Makati City matapos ang qualifying pitching competition noong Abril 8 upang alalayan ang kanilang pag-unlad, habang ang founders ay dumalo sa 12-week training program na maghahanda sa kanila na ibahagi sa kwalipikadong investors.
Noong Agosto 9, hinarap ng ilan sa nangungunang investors at innovators sa bansa ang walong kwalipikadong startups sa pagtatapos ng RISE (Resiliency Innovation Sustainability Entrepreneurship) Pitch Night. Ang kaganapan ay ang kanilang final pitch sa investors para sa mga bagong oportunidad sa pamumuhunan.
“For the past 12 weeks, you have undergone rigorous training and mentorship from the industry’s best minds,” sabi ni Makati City Mayor Abigail Binay sa walong startups. Pinuri rin niya ang RISE program sa mga oportunidad na binibigay sa up-and-coming entrepreneurs.
Dagdag ni Binay, “Initiatives like the RISE program are so important, and they provide a platform for entrepreneurs to showcase their talents and turn their game-changing ideas into reality.”
Handog ng investment holding company Ronin Group sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Makati City at University of Makati, ang RISE certification program ay naglalayong makagawa ng sustainable at scalable pipeline. Hangad din ng programa na maging bukas ang inobasyon sa pamamagitan ng pagpapalawak ng startups mula sa lahat ng antas ng lipunan at ihanay sila sa mga qualified investor.
Sinabi ni Ronin, CEO at co-founder Yani de Guzman, na inisyatibo ng RISE makahanap ng creative minds at pagkalooban ang mga ito ng daan sa pinansyal sa pamamagitan ng funding at mentoring.
“We hope to provide them [startups] the P500,000 financial aid when they reach certain milestones to ensure that the grant is helping them create a sustainable business, develop their structures, and form a solid legal foundation for their businesses. We will show and allow them to pitch [their ideas] in front of qualified investors,” saad ni de Guzman sa Pitching Competition qualifying event na ginanap noong Abril 8.
Ayon kay de Guzman, ang Pitch Night ay nagbukas ng pinto sa bagong henerasyon ng innovators, founders, at upang mabatid ang kanilang presensya sa rehiyon at maiugnay sila sa mga potential investor habang pinalalawak ang kanilang network.
Ipinabatid din ni de Guzman sa startups, partikular sa mga nananalig na ang kanilang mga ideya ay may potensyal na magtagumpay, na ang pagpili ng tunay na investor o partners ay isa sa mga higit na kritikal na desisyon sa pananalapi.
“We focused on young innovators and identified some founders already staking the startup ecosystem by storm,” dagdag niya.
Sa pagpili ng walong startups para sa kanilang ideya, potensyal at kakayahan, ang Ronin at partners nito ay nagkaroon ng pagkakataon na subukan ang investor-startup relationship at mga inobasyon nang mabilis sa isang suportadong kapaligiran.
Mabibigyan ng benepisyo ang Makati City mula sa hamon ng RISE na gawin ang lugar bilang pangunahing tech hub ng bansa. “I envision Makati as the new Silicon Valley of the Philippines, a hub for tech startups and a breeding ground for the next big thing,” ani Binay.
Dagdag ni Binay: “It is time you put your hard work to the test and show us what you’ve got. I am confident that each of you has what it takes to succeed. So go out there, seize the opportunity and make us proud.
Ang Pitch Night ay ginanap sa COLLAB Spaces, Sheraton Manila Hotel, mula 6 hanggang 9 ng gabi.
194 