BATANGAS – Patay ang isang babae matapos barilin sa ulo ng kanyang live-in partner sa Brgy. Lalayat, sa bayan ng San Jose sa lalawigang ito.
Kinilala ng San Jose Municipal Police Station ang suspek na si Bin Nazzer Aguila y Enriquez, 30, habang ang biktimang ay si Rona May Corañez y Alpires, 33, kapwa residente ng nasabing lugar.
Ayon sa imbestigasyon, alas-4:20 ng umaga noong Agosto 14, 2022 nang mangyari ang insidente matapos na magtalo ang dalawa na nagresulta sa pagbaril ng suspek sa ulo ng biktima gamit ang hindi pa tukoy na kalibre ng baril.
Agad namang isinugod sa pinakamalapit na ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.
Selos ang nakikita ng mga awtoridad bilang motibo sa nangyaring pagpaslang, batay sa pahayag ng mga kaanak ng biktima.
Patuloy pang pinaghahahanap ng mga awtoridad ang suspek sa pagpatay. (NILOU DEL CARMEN)
409 