KAALAMAN MABABASA NA SA SAKSI NGAYON

PARA sa ating mga kababayan at kaibigan ay masusubaybayan n’yo na ang aking panulat sa SAKSI NGAYON tuwing Martes.

Pinili po natin na ­maging ­titulo ng ating panulat ay ­”KAALAMAN”. Bakit kamo?

Gusto ko pong talakayin dito ang opinyon ko sa araw-araw na pangyayari tulad ng may kinalaman sa pulitika, men in uniform, mga nagtatrabaho sa opisina ng gobyerno o pribado at ­ordinaryong mamamayan.

Maaari din nating talakayin sa aking panulat ang kaunting karanasan ko po sa pagnenegosyo.

Tatanggap din tayo ng serbisyo publiko, magiging tulay rin tayo ng ating mga kababayan para maiparating nila ang kanilang mga hinaing sa mga ­tanggapan ng gobyerno.

Hindi rin tayo ­mangingiming pumuna sa mga ordinaryong empleyado man o opisyal ng gobyerno na lihis ang kanilang paniwala sa tunay na layunin ni Pangulong Ferdinand ­”Bongbong” Marcos, Jr., na tulungan ang sambayanang Pilipino.

Isa tayo sa 31 milyong Pilipino na bumoto kay PBBM para pamunuan niya ang mga Pilipino para sa muling pagbangon ng Inang Bayan.

Tatanggap din tayo ng mga reklamo o suhestiyon at kung kinakailangang isulat natin dito sa aking panulat dahil sa kawalan ng aksyon ng mga nanunungkulan sa hinaing ng taumbayan, ay gagawin natin yan.

Layunin po ng panulat kung ito ay makapagserbisyo sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong.

Ang panata natin, ang gumagawa ng masama ay kondenahin natin para hindi na pamarisan.

‘Yun namang gumagawa ng mabuti ay purihin natin para dumami at gayahin sila ng iba.

Napakapalad ng mga Pili­pino dahil binigyan tayo ng Panginoon ng napakagandang klima ng bansa.

Magtapon ka lang ng buto ng halaman kahit saang lugar sa buong Pilipinas ay kusang tutubo na ito.

Kung ikukumpara sa ibang mga bansa ay hindi tayo hirap kung paano natin palalaguin ang ating mga pananim.

Dito sa Pilipinas, sipag lang ang kailangan wala nang magugutom na mga Pilipino.

Hanggang sa susunod pong Martes, Maraming salamat po! Pagpalain po tayong lahat ng Poong Maykapal.

404

Related posts

Leave a Comment