Barya ideposito, huwag itago COIN DEPOSIT MACHINES NG BSP IIKOT SA NCR

MAGDEDEPLOY ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng 25 coin deposit machines sa Kalakhang Maynila at kalapit-lalawigan para i-promote ang “recirculation” sa Pilipinas.

Makakatuwang ng BSP ang retailers sa bansa gaya ng SM Retail Inc., Filinvest Land Inc., at Robinsons Supermarket.

Dahil dito, madedeposito na ng publiko ang kanilang mga barya sa pamamagitan ng machines na unang idedeploy sa Greater Manila Area.

Papayagan ng coin deposit machines (CoDMs) ang mga customer na magdeposito ng mga barya at maibalik sa kanila ang “accumulated value” na kanilang dineposito mula sa partner retail establishments.

Ang mga baryang makokolekta ay ibabalik sa sirkulasyon kapag ang partner retailers ay ginamit ito bilang panukli sa over-the-counter payments, habang ang mga “unfit coins” ay aalisin na ng BSP sa sirkulasyon.

“There is a problem when it comes to recirculating coins: some people hoard or collect them while some people leave them behind altogether, leading to an artificial coin shortage. This defeats their intended purpose as a medium of exchange,” ang pahayag ni Governor Felipe Medalla.

529

Related posts

Leave a Comment