AMPATUAN POLICE CHIEF, 1 PA PATAY SA AMBUSH

patay

PATAY ang isang opisyal ng Philippine National Police at isang tauhan nito nang tambangan ng armadong kalalakihan habang nagsasagawa ng law enforcement operation na ikinasugat din ng tatlong pulis kahapon ng umaga sa bayan ng Ampatuan sa lalawigan ng Maguindanao. 

Ayon kay Brig. Gen. John Guyguyon, PNP Regional Police Director ng  Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, patay sa ambush si Lt. Reynaldo Samson at kanyang security aide/driver na si Corporal Salipudin Endab, habang naglulunsad ng “one time big time” operation sa Ampatuan.

Sa ulat na ibinahagi ni Guyguyon, magsisilbi sana ng warrant of arrest si Samson at kanyang mga tauhan nang tambangan ng kanilang target sa Barangay Kapinpilan bandang alas-9:40 ng umaga kahapon. 

Nabatid na kasalukuyang umiiral ang gun ban sa buong Maguindanao ayon sa kautusan ng Commission on Election kaugnay sa nakatakdang September 17 plebiscite, nang isagawa ang ambush sa chief of police ng Ampatuan. (JESSE KABEL)

203

Related posts

Leave a Comment