VALENZUELA COVID VACCINATION, KANSELADO DAHIL SA BAGYO

ISINAILALIM na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Signal No. 2 ang Metro Manila na nakasasakop sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) area dahil sa Bagyong Karding.

Bunsod nito, nagdeklara ang Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council ng Red Alert.

Bilang precautionary measure, kinansela ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang lahat ng COVID-19 vaccination activities para sa Setyembre 25.

Sa kaugnay na kaganapan, naglabas ng high tide alert ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas para sa Setyembre 25 sa 1.6 meters sa oras na 10:52 ng madaling araw.

Pinaghahanda at pinag-iingat ang lahat sa inaasahang epekto ng nasabing bagyo. (ALAIN AJERO)

128

Related posts

Leave a Comment