Rap battle pinersonal TEENAGER ITINUMBA SA LAMAYAN

SUNOD na paglalamayan ang isang lalaking teenager makaraang barilin ng dalawang suspek sa isang burol dahil umano sa hidwaan sa rap battle noong Huwebes ng madaling-araw sa Caloocan City.

Isang tama ng bala sa dibdib ang tumapos sa buhay ni Jecjec Ramos, 18, binaril at napatay sa Brgy. 153, Bagong Barrio, Caloocan, ng lungsod dakong alas-3:00 ng madaling araw habang mabilis namang nakatakas ang dalawang hindi kilalang mga suspek.

Nabatid na dalawang lalaking nakaitim na t-shirt ang pumunta sa isang lamayan, at sinundan ito ng komosyon nang may lalaking bumulagta sa kalsada.

Napag-alamang umali-aligid muna ang dalawang suspek sa lamayan bago ang pamamaslang.

Hinala ng mga kalugar, away sa rap battle ang ugat ng pagpatay sa biktima. (ALAIN AJERO)

202

Related posts

Leave a Comment