FISH VENDOR NA RAPE SUSPECT, NALAMBAT SA CAVITE

NASAKOTE ng mga awtoridad sa lalawigan ng Cavite ang isang most wanted person na may kasong panggagahasa sa Valenzuela City, makaraan ang halos pitong taong pagtatago.

Kinilala ng mga awtoridad ang arestadong suspek na si Francis R. Ofialda, 36, binata, fish vendor, residente sa Barangay Molino 7, Bacoor City, Cavite.

Dinakip ang suspek noong Oktubre 13 sa Barangay Molino 7, Bacoor City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Nancy Rivas-Palmones, ng Regional Trial Court Branch 172, Valenzuela City noong Nobyembre 28, 2016 para sa kasong rape.

Si Ofialda ay nasa kustodiya na ng Valenzuela City Police Station para sa wastong dokumentasyon at disposisyon. (ALAIN AJERO)

244

Related posts

Leave a Comment