MASBATE INUGA NG 2.8 MAGNITUDE QUAKE

NIYUGYOG ng 2.8 magnitude na lindol ang Masbate City nitong Lunes ng madaling araw, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs, naramdaman ang Intensity 3 na lindol sa Silangang bahagi ng Masbate City dakong alas-4:35 ng madaling araw nitong Disyembre 5, 2022.

Ayon sa Phivolcs, ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 007 kilometer.

Wala namang iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa naturang lindol. (PAOLO SANTOS)

233

Related posts

Leave a Comment