KUYA ARNIE NG AKSYON, TULONG, SOLUSYON NG MASA, PANG-SPORTS DIN!

Teves Cares: Mula kaliwa: Axl Teves Cong. Arnie “Kuya Arnie” Teves at Kurt Matthew Teves.

Bukod sa kapwa Negrosanon, kinagiliwan ng netizens ng makita ang kinikilalang hari ng Aksyon, Tulong, Solusyon ng bansa si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves o mas kilala ng netizens bilang Kuya Arnie ng ipakita nito ang galing sa Motocross kamakailan.

Lumahok sa isang competition si Cong. “Kuya” Arnie ng Motocross sa Negros para bigyan giliw ang mga manonood at Negrosanon.

Nakita sa nasabing kumpetisyon si Teves na tila teenager na mahusay minamani-obra ang motosiklo na gamit nito.

Sa nakitang tagpo, nagpahayag ang mga manood na tumutugma ang salitang “kalabaw lang ang tumatanda” sa mambabatas.

Si Rep. Teves ay kilala din sa ibang sports tulad ng golf at billiards. Bukod sa tulong nito sa iba’t-ibang competition o tournament na pampalakasan sa bansa.

Ngayong Marso, magkakaroon din ng Softball League sa Cebu City kung saan ipangalan sunod sa pangalan nito ang nasabing liga.

Samantala ang isang motorcycle fun-ride na “Agila Endurance Motorcycle Challenge” na gaganapin sa kamaynilaan na sinuportahan din nito ay gaganapin sa Marso 11.

“Salamat po sa suporta kay Cong. Kuya Arnie sa suporta hindi lang sa ating Fraternal Order of Eagles bilang kasapi bagkus sa Todo Rin na suporta sa pampalakasan sa bansa,” pahayag ni Kuya Bhagwis ng Mandaragit Eagle’s Club at isa organizer ng Endurance fun-ride.

LIPAD AGILA: Makikita sa larawan ang organizers at komite ng magaganap na “Agila Endurance Motorcycle Challenge” 24-hour fun-ride sa March 11.

812

Related posts

Leave a Comment