BAGYONG EGAY RAMDAM SA 8K BARANGAY

INILAGAY ng Department of National Defense (DND) sa ilalim ng Red Alert Status ang buong pwersa ng Office of Civil Defense (OCD) dahil sa epekto ng Bagyong Egay na palulubhain ng Habagat.

Sa ulat ng OCD kahapon, nasa 8,000 barangay ang maaaring maapektuhan ng dalawang weather system na tatama sa bansa ngayong linggo.

Ayon kay OCD spokesperson Edgar Posadas, nasa 6,748 barangay sa 10 rehiyon ang makararanas ng epekto ng typhoon Egay at Southwest Monsoon o Habagat kabilang ang Ilocos, Cordilleras, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Calabarzon, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, at Eastern Visayas.

Nakatutok din ang ng PAGASA sa Bagyong Egay na posibleng maging isang ganap na Super Typhoon ngayong Martes.

Ayon sa state weather bureau, mabilis na lumakas ang Bagyong Egay habang tinatahak nito ang dagat sakop ng Pilipinas Lunes ng umaga, dahilan para magtaas ito ng storm warning signals sa mas maraming lugar sa Luzon at Visayas.

Huling namataan si Egay sa layong 525 kilometro silangan ng Baler, Aurora, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong 185 kph, ayon sa PAGASA base sa kanilang 11 a.m. weather bulletin kahapon.

Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Catanduanes, sa Central at eastern portion ng Isabela (Palanan), Dinapigue, Santo Tomas, Cabagan, Tumauini, San Pablo, Maconacon, Santa Maria, Quezon, Delfin Albano, Mallig, Quirino, Roxas, Burgos, Ilagan City, Divilacan, San Mariano, Gamu, Naguilian, Benito Soliven, City of Cauayan, Reina Mercedes, Luna, San Manuel, Aurora, Cabatuan, San Guillermo, Echague, Jones, Angadanan, Alicia, San Mateo, San Isidro, San Agustin, at iba pang lugar. (JESSE KABEL RUIZ)

186

Related posts

Leave a Comment