DEAD on arrival sa Sta. Ana Hospital ang isang 17-anyos na binatilyo nang umakyat sa poste ng kuryente, sa panulukan ng Pedro Gil at A. Linao Streets, Paco, Manila nitong Huwebes ng madaling araw.
Base sa ulat ni Police Master Sergeant Michael Villafranca ng Manila Police District- Ermita Police Station 5, bandang alas-2:15 ng madaling araw nang mangyari ang insidente.
Isinugod ang biktima sa nabanggit na pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ni Dr. Avelino Nebrija.
Nabatid sa imbestigasyon, nagkayayaan umanong mangulimbat ng kable ng kuryente ang binatilyo kasama ang kaibigan ngunit dahil basa ng ulan ang poste ay nangisay ito.
Mabilis namang nagresponde ang mga empleyado ng Meralco at ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection upang sagipin ang binatiyo subalit hindi na naisalba sa pagamutan.
(RENE CRISOSTOMO)
201