CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite police hinggil sa natagpuang naaagnas na bangkay ng isang lalaki sa ilog sa Carmona City noong Miyerkoles ng hapon.
Wala pang pagkakakilanlan ang bangkay ng isang lalaki na walang saplot sa katawan nang matagpuan.
Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Charles Virtudez ng ng Carmona City Police, dakong alas-5:30 ng hapon nang makatanggap ng tawag ang pulisya hinggil sa natagpuang bangkay ng isang lalaki sa Mountain River, o kilala sa tawag na Ilog na Maliit, sa Brgy. Lantic, Carmona City.
Nang puntahan ang lugar, natagpuan ang naaagnas nang bangkay ng biktima na walang saplot sa katawan.
Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima at posibleng dahilan ng pagkamatay nito.
(SIGFRED ADSUARA)
