AMYENDA SA PUBLIC SERVICE ACT HIRIT NG LCSP

NANAWAGAN ang grupong Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa Kongreso na amyendahan ang Public Service Act upang malinaw na kilalanin bilang public transport ang app-based transport services.

Ito ay kasunod ng nadiskubreng hindi tugmang listahan ng mga TNVS at motorcycle drivers sa pamamahagi ng ayuda, na nais imbestigahan ng ilang mambabatas.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, hindi itinuturing na public utility vehicles ang mga sasakyang konektado sa transport network companies (TNCs), bagamat sakop pa rin sila ng regulasyon ng gobyerno.

Gayunman, naniniwala ang LCSP na ang nasabing “exception” ay nagdudulot ng kalituhan sa implementasyon at pananagutan ng mga operator.

Isa pang nakikitang dahilan, ayon sa grupo, ay upang maiwasan ang 60-40 nationality requirement sa ilalim ng Saligang Batas para sa public utilities.

Sa ngayon, nananatili sa pilot testing phase ang operasyon ng motorcycle taxis sa ilalim ng Technical Working Group, kahit taon na ang lumipas mula nang simulan ito.

(JULIET PACOT)

86

Related posts

Leave a Comment