POLICE TRAINING INSTRUCTOR NA INAKUSAHAN NG RAPE, NASA RESTRICTIVE CUSTODY NA

NASA restrictive custody na ang isang police training instructor matapos akusahan ng panggagahasa sa isang babaeng trainee sa Baguio City.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), iniutos ni Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang agarang pagdisarma at paglipat sa suspek sa training headquarters sa Laguna habang inihahanda ang kasong kriminal at administratibo.

Naghain ng reklamo ang 23-anyos na police aspirant noong Abril 13, kung saan inilahad na dalawang beses umano siyang minolestiya—noong Enero 20 at Pebrero 8—sa loob ng Cordillera Administrative Region Training Center.

Pinaalalahanan ni Nartatez ang mga pulis, lalo na ang kababaihan, na huwag matakot magsumbong.

“We will act swiftly and fairly,” giit ng PNP chief.

Tiniyak din niya na dadaan sa due process ang kaso at patuloy na binibigyan ng suporta at evaluation ang complainant.

Binigyang-diin pa ng heneral na personal niyang tututukan ang imbestigasyon upang matiyak na walang itinatago at mapapanagot ang sinomang may sala.

(JESSE RUIZ)

92

Related posts

Leave a Comment