MSMEs HINIKAYAT MAKIISA SA P4-B LOAN PROGRAM

HINIMOK ng Malacañang ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) na apektado ng tensyon sa Gitnang Silangan na mag-avail ng P4-bilyong emergency loan program ng gobyerno.

Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, layunin nitong tulungan ang mga negosyo na makayanan ang tumataas na gastos at kakulangan sa cash flow dulot ng global disruptions.

Sa ilalim ng programa ng DTI at SB Corp., maaaring umutang ang MSMEs ng P30,000 hanggang P20 milyon, na may mababang interes at hanggang limang taong bayaran, kabilang ang one-year grace period.

Tinatayang 7 hanggang 10 araw ang processing ng aplikasyon. Bagama’t tumaas ang MSME lending noong 2025, nananatili itong maliit na bahagi ng kabuuang pautang ng mga bangko.

(CHRISTIAN DALE)

80

Related posts

Leave a Comment