PANGINGIBANG BAYAN NG HEALTH WORKERS NAIS PIGILAN NI PDUTERTE

NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pag-aralan ng Department of Justice (DOJ) ang legalidad kung paano mapipigilan ang mga Filipino healthcare worker sa pag- migrate sa ibang bansa sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Ayon sa Pangulo, bagama’t naiintindihan niya ang pangangailangan ng ibang bansa para tugunan ang kakapusan ng mga doktor at nurse sa panahon ng krisis pangkalusugan ay ayaw naman niyang ma-expose ang mga overseas Filipino worker sa panganib na mahawaan at mamatay sa COVID-19 sa ibang bansa. “Ang problema, sabi ko we’ll have to…

Read More

PASOK SA KAMARA NILIMITAHAN PARA IWAS-COVID  

NILIMITAHAN ng ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso ang mga papapasukin sa Batasan Complex habang may session, bilang bahagi ng anti-coronavirus measure. Ginawa ng Kamara ang nasabing hakbang matapos magpositibo ang may 18 empleyado ng Senado sa COVID-19 kung saan karamihan sa mga biktima ay mga miyembro ng Office of Sgt-at-Arms (OSAA). Hindi lamang ang mga empleyado ng Kamara ang nilimitahan kundi ang mga kagawad ng media dahil tanging ang mga crew ng TV stations ang papayagang pumasok. “Good pm. FYI lang po. Starting tomorrow, napagpasiyahan po ng leadership…

Read More

SKELETAL FORCE NG SENADO, ISASALANG SA COVID SWAB TEST

PLANO ng Senado na isalang sa COVID-19 swab testing o sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test ang skeletal force nito. Sinabi ni Senador Win Gatchalian na nais nilang makipag-ugnayan sa Philippine Red Cross upang pamunuan ang testing. Ipinaliwanag ng senador na inirekomenda ni Senador Richard Gordon ang Red Cross dahil kaya nitong magproseso ng 10,000 tests kada araw. Iginiit ni Gatchalian na mahalagang maisalang sa PCR testing ang kanilang workforce lalo’t magpapatuloy ang kanilang hybrid setup. “Assuming that we will continue with this type of hybrid operation in…

Read More

Laban ng OFWs, ‘di pa tapos UHC LAW, IRR PINABABAGO NG BIG LABOR GROUPS

NANINIWALA ang dalawang malalaking organisasyon ng mga manggagawa sa bansa na hindi pa tapos ang laban ng overseas Filipino workers (OFWs) tungkol sa pagbabayad ng Philippine Health Insurance (PhilHealth) premium. Ito ang tiniyak ng Federation of Free Workers (FFW) at AKO OFW Inc. kahit ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na “boluntaryo” o hindi na obligado ang OFWs na magbayad ng buwanan sa PhilHealth at kahit ipinasuspinde rin ni Health Secretary Francisco Duque ang pagbabayad ng OFWs ng kanyang premium sa PhilHealth. Ayon kay Amalia Campos ng Central Philippine University…

Read More

MGA SENADOR, DISMAYADO SA NTC

DISMAYADO ang mga senador sa inilabas na cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa ABS-CBN. Ayon kina Senador Sonny Angara, Joel Villanueva at Migz Zubiri, mali ang timing ng kautusan ng NTC. Sinabi ni Angara na sa panahon ng COVID-19 pandemic, kailangan ng taumbayan ng mas maraming mapagkukunan ng reliable information kaya’t hindi makatwirang isara ang kumpanya. “People need to be informed by reliable sources this is a time when we need reliable info and we decide to shutdown one of the sources of information,” saad…

Read More

PAGBUBUKAS NG KLASE GAGAWIN SA SETYEMBRE

KUNG si Senate President Vicente Sotto III ang tatanungin ay nais nitong sa buwan na ng Setyembre magsimula ang pagbubukas ng klase sa mga pampubliko at pribadong eskuwelahan. Ayon sa lider ng Senado, base sa Republic Act 7977 o ang “Act to lengthen the school calendar from 200 days to not more than 220 days”, ang pagbubukas ng klase kada taon ay tuwing unang Lunes ng buwan ng Hunyo at hindi lalagpas sa huling araw ng Agosto. “Noting that the June opening is just a month away, there is a…

Read More

IBON: MALIIT NA BUWIS NG POGO, ‘DI MAKAPAGPAPASIGLA SA EKONOMIYA

HINDI malaman ng isang independiyenteng grupo ng mga mananaliksik kung ano ang ginamit na batayan ng administrasyong Duterte nang buksan nito kahit bahagya ang industriya ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) dahil wala pa sa “one fourth” ang porsiyentong inambag nito sa kabuuang buwis nitong 2019. Idiniin ng IBON Foundation na hindi dapat ipinagtanggol at itinuring na bahagi ng sektor ng business process outsourcing (BPO) ang POGO, sapagkat “It does not bring in much government income nor job opportunities for Filipinos.” Ang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty.…

Read More

2 DALAGITA NA-LOCKDOWN SA PILING NG RAPIST NA TIYUHIN  

CAGAYAN de Oro – Arestado ang isang 23-anyos na lalaki makaraang halinhinang halayin ang dalawang menor de edad na pamangkin habang umiiral ang lockdown sa Brgy. Puerto sa lungsod na ito. Ayon sa impormasyon na ibinahagi ni Cagayan de Oro City Police Office spokesperson, P/Maj. Ivan Viñas, nangyari ang panggagahasa sa loob ng bahay ng mga biktima habang ipinatutupad ang general community quarantine sa lungsod. Aminado umano ang suspek na paulit-ulit niyang ginawan ng kahalayan ang mga pamangkin na kapwa menor de edad. Hindi na umano matiis ng mga bata…

Read More

PNP, NBI PINAKIKILOS VS ANOMALYA SA AYUDA

PINAKIKILOS na ngayon ni Interior Sec. Eduardo Año ang mga unit ng Philippine National Police para siyasatin ang mga natatangap na ulat hinggil sa umano’y mga katiwalian sa distribusyon ng relief assistance, cash aid at iba pang tulong pinansyal sa ilalim ng Social Amelioration Program ng gobyerno. Ayon kay Año, bukod sa PNP ay hihilingin din nila sa National Bureau of Investigation (NBI) na gawing prayoridad ang pagsisiyasat sa graft and corruption cases laban sa mga local official kaugnay ng distribusyon ng SAP. “Greedy and corrupt officials should have no…

Read More