CAVITE – Hindi na naisalba ang buhay ng isang 33-anyos na overseas Filipino worker habang sugatan ang kanyang angkas makaraang salpukin ang sinasakyan nilang motorsiklo ng kasalubong na sasakyan matapos itong mag-overtake sa Gen. Trias City sa lalawigang ito. Isinugod sa GenTri Medical Center ang biktimang si Richard Martinez, binata, ng B-30, L-67, Country Meadow, Brgy. San Francisco, Gen. Trias City ngunit binawian ng buhay makalipas ang ilang minuto. Samantala, inoobserbahan naman ang angkas niyang si Gerald Nonat, 30, binata, security guard at residente sa B-21, L-60, Country Meadow, Brgy.…
Read MoreAuthor: admin
GURO MINALAS SA FACE MASK NG SEKYU
CAVITE – Tinamaan ng bala ang isang 37-anyos na guro nang mahulog ang service firearm na nakalagay sa sling bag ng isang sekyu habang dinadampot ng huli ang face mask sa Bacoor City sa lalawigang ito. Nilalapatan ng lunas sa Imus Medical Center ang biktimang si Angeline Soriano, may-asawa, tubong Batanes, residente ng Block 1, Lot 13, Phase 5, Palermo St., Villa Lessandra, Brgy Salinas 2, Bacoor City, habang kinilala naman ang suspek na si Noel Villanueva Jr., 21, security guard ng Mossad Security Agency at residente ng Bautista St.,…
Read More26-ANYOS, NAKUHAAN NG P61.2-M SHABU SA TAGUIG BUY-BUST
ISANG 26-taong-gulang na lalaki ang nakumpiskahan ng mahigit P61.2 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride o “shabu” at mga gamit sa pagbebenta nito sa isinagawang buy-bust ng dalawang yunit ng pulisya sa lungsod ng Taguig nitong Lunes nang gabi. Ang P61.2 milyong halaga ng siyam na kilo ng shabu ay nakuha sa suspek na nakilalang si Gezel Wesley Oliveros na bantog sa alyas na “Boy,” residente sa Bilang 20 Amihan Street ng Brgy. Ususan. Ayon sa ulat ng Public Affairs Office (PIO) ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nasakote si…
Read MoreEX-COP KRITIKAL SA HINDI PAGHINTO SA CHECKPOINT
KRITIKAL umano ang isang dating pulis makaraang maka-engkuwentro ang mga pulis nang magtangkang takasan ang Quarantine Control Point sa Quezon City kaninang umaga.Natukoy ang mga suspek na ang mag-amang Joselito delos Santos, Sr. at Joselito, Jr., 24-anyos, kapwa residente ng Baesa, Caloocan City. Ayon kay QCPD Chief Police Brigadier General Ronnie Montejo, dating nakatalaga sa kanilang yunit at nasibak sa tungkulin nuong taong 2018 ang nakatatandang delos Santos habang estudyante sa Criminology ang anak nito. Batay sa paunang imrpomasyon ng Quezon City Police District (QCPD), unang pinigil sa checkpoint sa…
Read More78 TESTING CENTERS TARGET NG GOBYERNO
PUNTIRYA ng gobyerno na umabot sa 78 testing centers sa buong bansa sa Mayo 30. Ayon kay BCDA President Vince Dizon na kung maaabot ang nasabing target ay kakayanin na ng pamahalaan na makapagsagawa ng 30 thousand test kada araw. Hanggang kahapon ani Dizon ay nasa 5,000 per day pa lamang ang nagagawang testing. At sa harap ng pagdaragdag ng mga testing center, sinabi ni Dizon na may pakikipag-ugnayan na silang ginagawa sa mga university para sa kakailanganin nilang volunteers. At maging si Executive Secretary Salvador Medialdea aniya ay nanawagan…
Read MoreDSWD umiiwas masisi 7.7M PAMILYA NGANGA PA SA AYUDA
IKINAIRITA sa Kamara ang tila paghuhugas-kamay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mabagal na distribusyon ng Social Amelioration fund sa mga mamamayan na apektado ng enhanced community quarantine. Ayon sa Makabayan bloc sa Kamara, hindi katanggap-tanggap na isisi lamang ng DSWD sa mga Local Government Unit (LGU) at maging sa beneficiaries kung bakit umaabot sa 7.7 milyong pamilya pa ang hindi nakakatanggap ng SAP. Ginawa ng nasabing grupo ang pahayag matapos lumabas sa ika-6 na report ng Malacañang na umaabot pa lamang sa 11.4 milyong pamilya ang…
Read MoreSolon sa pagpalag ng OFWs sa PhilHealth REPASUHIN ANG IRR NG UHC LAW
HINILING ni Senador Risa Hontiveros sa Department of Health (DOH) na rebyuhin ang implementing rules and regulations (IRR) sa pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) sa ilalim ng RA No. 11223. Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na kailangang magsagawa ng panibagong pagsusuri ang DOH sa implementasyon ng UHC matapos pumalag ang overseas Filipino workers (OFWs) sa 3% kaltas sa sahod nila bilang pambayad sa premium contributions. “PhilHealth and DOH should immediately reassess and amend the IRR in close consultation with OFWs,” ayon kay Hontiveros nitong Martes sa harap ng paghihirap…
Read MoreInupuan noong panahon ni Noynoy ABS-CBN OFF AIR MUNA
IPINATITIGIL na ang operasyon ng ABS-CBN network kasunod ng napasong legislative franchise nito noong Lunes, Mayo 4. Nagpalabas kahapon ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) na nag-aatas sa ABS-CBN para maipatigil ang operasyon nito. Sa apat na pahinang order ng NTC na pirmado ng commissioners nito sa pangunguna ni Commissioner Gamaliel Cordoba, pinagpapaliwanag din ang media network sa loob ng 10 araw kung bakit hindi dapat ma-recall ang frequencies na iginawad dito dahil sa kawalan ng kinakailangang prangkisa na hinihingi ng batas. Kung mabibigong maghain ng…
Read MoreMga kukubra ng SAP aid dumagsa QC SABLAY NA NAMAN SA SOCIAL DISTANCING
TILA walang kadala-dala ang mga lokal na opisyal ng Quezon City dahil sa kabila ng mga batikos na inabot ng mga ito kamakailan sa kapalpakan sa pagtupad sa enhanced community quarantine protocols ay hindi pa rin nila ito nagawang iwasan. Base sa eksenang nakunan ng larawan ng Saksi Ngayon news team sa Barangay Commonwealth at Brgy. Culiat nitong Lunes hanggang madaling araw ng Martes, sablay na naman ang local government ng Quezon City sa ilalim ni Mayor Joy Belmonte na ipatupad ang social distancing. Dagsa ang mga residenteng gustong makakuha…
Read More