Sa mabilis na pagtukoy sa may COVID-19 1 BATALYONG TRACKER IKALAT

ISANG batalyon ng mga sinanay na “tracker” ang magiging susi sa paghinto ng pagkalat ng COVID-19 pandemic sa mga lugar na sumailalim mula sa enhanced community quarantine (ECQ) patungong general community quarantine (GCQ). Ito ang panawagan ni Senador Nancy Binay dahil maaari aniyang tumindi ang pagkalat ng virus sa mga isinailalim na sa GCQ. “Habang tumatagal, numinipis ang hanay ng ating health workers pati na ang ating mga taong inaasahan sa barangay. The first step once ECQ is lifted is to see to it that the LGU is ready and…

Read More

Muling pagputok ng COVID-19 sa GCQ areas, posible POLICE FORCE, CHECKPOINTS DODOBLEHIN

MAGLALAGAY pa ng mas maraming mobile checkpoint ang Joint Task Force COVID Shield bukod sa pagpapaigting ng beat patrols sa mga lugar na inilagay sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) para matiyak na susunod pa rin ang taumbayan sa mga itinakdang alintuntunin para maiwasan ang muling pagkalat ng coronavirus sa kanilang lugar. Ayon kay Police Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, commander ng JTF COVID Shield, ipinag-utos ni Chief PNP General Archie Gamboa na lumikha ng mas mahigpit na security guidelines na susundin ng kapulisan sa GCQ areas at ilalim…

Read More

ANGARA NAGPOSITIBO MULI SA COVID-19

KINUMPIRMA ni Senador Sonny Angara na muli siyang nagpositibo sa COVID-19 makaraan ang panibagong pagsusuri sa kanya bago ang ikalawang donasyon ng kanyang blood plasma. “It has been close to one month since I recovered from COVID-19. But while preparing to donate my blood plasma for a second time, my doctors, after the results of the initial antibody test taken before donating, had me take another swab test, which registered positive,” saad ni Angara. Gayunman, sa paliwanag anya ng kanyang mga doktor, posibleng ito ay ‘remnants’ na lamang ng naunang…

Read More

MABUHAY MGA MANGGAGAWANG FILIPINO!

Badilla Ngayon

KAHAPON, ipinagdiwang ng mga manggagawa sa buong mundo ang “pandaigdigang araw ng mga manggagawa”. Nagsimulang ipagdiwang ang araw ng paggawa sa ibang bansa tulad ng Amerika noong 1882. Napakaraming manggagawa sa Estados Unidos ng Amerika noong Ika-19 na siglo, kumpara sa Pilipinas. Bagama’t hindi kasindami ng mga manggagawa sa ibang bansa, libu-libo na rin ang mga manggagawang Filipino noong huling bahagi ng Ika-19 na siglo. Kaya, noong Mayo 1, 1903 unang ipinagdiwang ng mga manggagawang Filipino ang araw ng paggawa sa Pilipinas. Hindi pagsasaya ang ipinakita ng libu-libong manggagawang Filipino…

Read More

BURUKRASYA

DPA

KAHIT kailan, walang mabuting idinudulot ang matinding burukrasya at pulitika sa isang bansang tulad ng Pilipinas dahil ito ang pangunahing dahilan kung bakit mabagal ang paghahatid ng tulong sa mga tao. Wala akong nakikitang dahilan kung bakit hindi pa nahahatiran ng tulong ang halos 9 na milyong pamilya ng social amelioration kundi ang matinding burukrasya at pulitika. Limang linggo na ang nakakalipas simula nang maging batas ang Republic Act (RA) 11469 o Bayanihan to Heal as One Law, ay kalahati pa lamang sa 18 milyong pamilya na target na tulungan ang nahahatiran…

Read More

SPECIMEN COLLECTION BOOTHS NG DOST IPINAMAMAHAGI NA SA MGA OSPITAL

SINIMULAN na ng Department of Science and Technology (DoST) ang pagpapadala o pag-deploy ng specimen collection booths sa iba’t ibang ospital sa bansa. Ang specimen collection booths ay gawa sa plywood walls, may clear waterproof acrylic window at mayroon ding air conditioning para sa kaginhawahan ng medical personnel na gagamit nito sa mga pasyenteng magpapakuha ng specimen. Mayroon din itong roof-mounted ventilator na may filter, slanted specimen table para mapanatili ang distansiya ng pasyente at ng tester at mayroon ding positive pressure sa loob ng booth para maiwasang mapasok ng…

Read More

LAPIAN NG MGA MANGGAGAWA, KINILALA NG PHIL. ARMY

KINILALA ng pamunuan ng Philippine Army ang naging ambag ng libu-libong manggagawa para isulong ang bansa tungo sa kaunlaran at katatagan ng Pilipinas. Ayon kay Philippine Army chief Ltgen Gilbert Gapay, “Ang Hukbong Katihan ay kaisa ng ating mga manggagawa sa pagpapanatili ng katatagan ng ating bansa sa panahong ito.” Kinilala ni Gapay ang hindi matatawarang kontribusyon ng labor sectors sa ekonomiya na kahalintulad sa pagtupad sa tungkuling pangalagaan ang kapayapaan at kaligtasan ng mamamayan. “As we commemorate Labor Day, we also celebrate 107 years of resilience and productivity of…

Read More

GOBYERNO PINALALATAG NG RECOVERY PLANS SA POST-ECQ

NANAWAGAN ang isang advocacy group sa gobyerno ngayong Araw ng Paggawa na magporma na ng post-ECQ recovery plans. Ang Power for People Coalition (P4P), isang grupo na may adbokasiya para sa clean energy and power consumers, ay nanawagan na bigyan pansin ang bigat na dinadala ng mga manggagawa sa pagharap nila sa panganib sa kanilang kalusugan, kakulangan ng kita at pag-aalala kung paano nila mababayaran ang basic utilities ngayong may COVID-19. Habang ang gobyerno ay sinasabing ibinasura na ang bayarin para sa utilities sa panahon ng ECQ, karamihan sa mga…

Read More

PUBLIKO HUWAG SISIHIN SA PAGKALAT NG COVID-19 – SOLON

WALANG ibang dapat sisihin sa  pagkalat ng COVID-19 kundi ang gobyerno at hindi ang taumbayan. Ito ang sinabi ni Senador Leila De Lima dahil ang kapalpakan aniya ng mga ahensya ng pamahalaan ang ugat ng pagdami ng bilang ng kaso ng COVID-19. “Huwag n’yong gawing punching bag ng frustration n’yo ang taumbayan dahil pumapalpak kayo. Baka nakakalimutan ninyong dinadanas natin ang kalbaryong ito dahil mismo sa inyo. Kayo ang nagpapasok ng Chinese Communist Party (CCP) virus sa atin. Kayo ang hindi kaagad kumilos. Minaliit n’yo ito sa umpisa at tinawanan.…

Read More