PILIPINAS 3X3, WORLD TOUR MANILA MASTERS KINANSEL

NAGDESISYON ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 at International Basketball Federation (FIBA) na i-postpone ang 2020 President’s Cup. Kanselado na rin ang World Tour Manila Masters dahil pa rin sa coronavirus disease 2019 o COVID-19. “We have decided to move the opening of our first conference to a later date because of the on-going COVID-19 pandemic,” sabi ni Pilipinas 3×3 league owner Ronald Mascariñas. “As Filipinos, the health and safety of our players, officials, staff, and, most importantly, our fans are the most important thing to us,” dagdag niya. Ang anim na…

Read More

Para iwas-coronavirus, NO TO SPITTING IN PUBLIC—PACQUIAO

MANNY PACQUIAO

UPANG maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 o Covid-19, ipinanukala ni eight-division world boxing champion Manny Pacquaio ang pagdura sa kung saan-saan lang. Sinabi ni Pacquiao, ang kanyang Senate Bill No. 1406 o “Anti-Spitting Act of 2020” ay naglalayong pigilan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga naapektuhan ng coronavirus. Sa panukalang batas ng Fighting Senator, ang mga mahuhuling dumudura sa mga pampublikong lugar ay pagmumultahin ng P5,000 hanggang P50,000 at ilan buwang pagkakulong. “Considering the gravity of the situation, there is an urgent need to institute a…

Read More

Public Health Emergency na kaya UAAP HS TIGIL NA

NASA ilalim ng Public Health Emergency (PHE) ang National Capital Region kaya’t minabuti ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na kanselahin na ang high school tournaments nito. Kaugnay ng PHE, nagsimulang ipatupad ang ‘social distancing’ kahapon (Marso 15) at magtatagal hanggang Abril 14, 2020, kung saan ipinagbabawal ang pagtitipon ng mga tao, kasama na rito ang “sporting events and other entertainment activities.” Suspendido rin ang lahat ng antas ng klase hanggang Abril 14, 2020, ayon naman sa Department of Education. Apektado ng suspensyon ng klase ang academic calendar…

Read More

IBF super-flyweight bout: ANCAJAS vs RODRIGUEZ MATUTULOY SA ABRIL

TULOY ang laban ni Jerwin Ancajas sa US sa April 11, kaya’t hindi siya nagpapaawat sa training kahit pa may coronavirus scare. Nakataya ang International Boxing Federation (IBF) super-flyweight title ni Ancajas sa laban niya kontra Jonathan Javier Rodriguez ng Mexico sa Cosmopolitan Resort & Casino sa Las Vegas. “Tuloy daw po ang laban,” ito ang pagtitiyak ng trainer ni Ancajas na si Joven Jimenez. “March 20 kami aalis,” dagdag ni Jimenez. Sinegundahan naman ni MP Promotions president Sean Gibbons ang pahayag ni Jimenez. “All good so far.” Ang naturang…

Read More

GURO PWEDENG MAG-WORK FROM HOME

guro12

HINDI obligado ang mga gurong mag-report pa sa kani-kanilang mga paaralan habang umiiral ang class suspension dahil sa COVID 19. Sinabi ni DEPED Undersecretary Alain Pascua na ginagawa na ngayon ng DEPED ang memorandum tungkol dito habang isasama rin sa ilalabas na memo na hindi kailangang pabalikin ang mga guro para mag-disinfect sa paaralan. Maaari ani Pascua na mag-work from home ang mga teacher pero kung hindi kakayanin na gawin ang isang trabaho online, dito na sila kailangang pumunta ng eskuwelahan. Maaari rin ani Pascua na maobliga ang isang guro…

Read More

GRAB BINATIKOS

BINANATAN ni Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr. ang pamunuan ng Grab Philippines dahil sa hindi umano pakikipagtulungan na ma-trace ang mga naging pasahero ng Grab driver na sinasabing nagpositibo sa novel coronavirus disease. Nabatid na ang Grab driver ay naghatid umano ng mga pasahero papunta at pabalik ng Metro Manila, Angeles City, at Pampanga area dahilan upang makipag-ugnayan ang alkalde sa nasabing ride-hailing app para i-back trace ang mga pasahero nito. “The Grab officials cited protocols and confidentiality. They told me that DOH is the proper agency to…

Read More

LIBRENG SINE SUSPENDIDO RIN

SUSPENDIDO ang libreng panonood ng sine sa Makati City para sa mga senior citizen simula ngayong araw. Ito ay bilang pagtalima ng Makati LGU sa panghihikayat ng Department of the Interior and Local Government na “social distancing”. Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, ang pagsuspinde ng pribilehiyo ng mga senior citizen sa libreng panonood ng sine sa lungsod ay isang hakbang para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Pero mabilis namang nangako ang alkalde na agad itong ibabalik sa sandaling mawala na ang banta ng panganib ng COVID-19. Nilinaw ni…

Read More

PAHIYAS FESTIVAL KANSELADO, RESORTS SARADO

NAGHIGPIT na rin at isinailalim sa temporary self-quarantine ang ilang lugar sa Calabarzon AT Mimaropa dahil sa banta ng COVID-19. Sa bayan ng Lucban, Quezon, kinansela na ang pagdiriwang ng makulay na Pahiyas Festival ngayong taon. Sa Executive Order ni Lucban Mayor Celso Olivier Dator, ipinakakansela muna ang lahat ng malalaking event na gagawin mula Maso 15 hanggang 31. Kabilang ang Buhusan at Pahiyas Festival na mga dinarayo tuwing buwan ng Mayo ay kinansela na rin. Sa Lucena City, hinigpitan na rin ang pagpasok at paglabas ng mga residente at…

Read More

CALAMBA COVID-FREE PA RIN

NEGATIBO pa rin sa COVID-19 ang Calamba City, Laguna, ayon sa ulat kahapon ng Public Order and Safety Office (POSO) at Local Disaster Risk Reduction Management Office (LDRRMO). Ani LDRRMO chief Jeffrey Rodriguez, ito ay dahil sa maagang pagpapatupad ng mandatory screening sa mga establisimyento sa siyudad sa utos ni Calamba City Mayor Justin Marc Chipeco. Ito ay bagama’t may naitala sa lalawigan na 27 Persons Under Investigation (PUI) at 133 Persons Under Monitoring (PUM) ngunit wala pa umanong kumpirmadong mayroon nito. Samantala, kinansela na ang taunang Anilag Festival sa lalawigan…

Read More