HINDI pumayag ang Far Eastern University na makaiskor kahit isang set ang University of the East na kanilang tinalo, 25-10, 25-22, 25-23, sa opening day ng UAAP Season 82 men’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena. Nanguna para sa FEU si JJ Javelona na kumamada ng 11 points, kabilang ang four straight kills sa third set. “Ginawa namin lahat ng makakaya namin para makuha yung game,” sabi ng last year’s UAAP highschool MVP. “Konting adjust pa sa team kasi nung third set parang nagkagulo kami tapos nag-compose kami…
Read MoreAuthor: admin
OCONER, NAVY UNA PA RIN SA RONDA 2020
VIGAN CITY – Halos winalis ng Philippine Navy-Standard Insurance ang lahat ng titulo maliban sa isa, tungo sa huling yugto ngayong umaga na magsisilbing “coronation ride” na lamang para kay George Luis Oconer bilang kampeon ng 10th LBC Ronda Pilipinas. Inagaw muna ni Kenneth Solis ng Tarlac Central Luzon ang 179 km Stage 9 na nagsimula sa Pugo, La Union at nagtapos sa Heritage Site ng Vigan City, La Union sa bakbakan ng anim na riders patungo sa finish line sa harap mismo ng Vigan Provincial Capitol sa kabuuang 4…
Read MoreBASILAN, DAVAO O. LUMAPIT SA TITLE DUEL
UMATAKE ang Basilan sa final quarter para talunin ang Bacoor, 77-63, habang tinalo ng Davao Occidental ang Zamboanga, 47-28, Lunes ng gabi sa RMC Petro Gazz Arena sa Davao City at tuluyang lumapit sa title duel ng South Division ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season. Hinayaan ng third-ranked Basilan Steel na dumikit ang second-ranked Bacoor Strikers, 54-53, bago kumamada si Allyan Bulanadi ng triple tungo sa 18-2 salvo na nagbigay sa Steel ng 17-point lead, 3:55 sa laro. Ayon kay Basilan coach Jerson Cabiltes, pinag-aralan nilang mabuti ang Strikers. “I just told…
Read MoreASIAN-OCEANIAN OLYMPIC QUALIFIERS: BAUTISTA UNA SA 7 PINOY NA SASABAK
SIMULA na ngayon ng Asian-Oceanian Olympic Qualifying meet sa Prince Hamzah Hall sa Amman, Jordan kung saan 221 male at female boxers mula sa 35 mga bansa ang maglalaban-laban. Pito lamang ang pambato ng Pilipinas, apat na lalaki sa pangunguna ni World middleweight silver medalist Eumir Felix Marcial, at tatlong babae kabilang si World featherweight gold medalist Nesthy Petecio. Kapwa seeded number 1 sina Petecio at Marcial sa kanilang mga kategorya. Ang iba pang hopefuls ay sina flyweight Carlo Paalam (52kg.), featherweight Ian Clark Bautista (57 kg.), light welterweight James…
Read MoreDISKRIMINASYON SA MGA KATUTUBO
AYON sa batas, ang mga katutubo ay may mga karapatan tulad ng sa ordinaryong mamamayan kaya’t hindi sila dapat minamaliit lalo na kung nauugnay sa ekonomiya at kondisyong panlipunan. Kaya naman, mali ang ginawa ng Victory Liner Bus Inc. na hindi pagpapasakay sa isang pamilya ng Aeta na papauwi ng Pampanga noong parahin ang nasabing sasakyan sa EDSA. Sinabi ni Mikhael Petito, isang concerned citizen, nag-aabang siya ng bus sa EDSA sa gawi ng Pasay nang makita niya ang pamilya ng Aeta na tulad niya ay nag-aabang din ng masasakyan.…
Read MoreESPIONAGE
HINDI ko alam kung saan nanggaling ang impormasyon ni Senador Richard Gordon na ang ilang mga Chinese na nagtratrabaho sa mga POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) ay nagsasagawa ng “espionage” o paniniktik dito sa ating bansa. Sa pagkakaalam ko, lahat naman ng mga bansang may embahada dito sa Pilipinas ay may “political officers” o di kaya ay “trade and economic attaches” na ang pangunahing tungkulin ay mangalap ng impormasyon sa pulitika at ekonomiya na may kinalaman sa interes ng kanilang bansa. Mismong ang Pilipinas ay may mga tinatawag na DAFA o…
Read MoreTEENAGE PREGNANCY SERYOSO NA
ANG kuwento ng mga matatanda, iwas nang iwas ang mga kadalagahan sa mga kalalakihan dahil kapag nahawakan na ang kanilang kamay ay ipapakasal na sila ng kanilang magulang sa ayaw at sa gusto nila. Hindi rin basta-basta magkaroon ng kasintahan noon dahil ang lalaki ay kailangang magpakitang gilas sa pamilya ang nililigawan at pagsisilbihan ang pamilya ng babae sa pamamagitan nang pagsibak ng kahoy, pag-igib at pagdidilig ng mga halaman. Hinaharana din muna ng mga lalaki ang babae dahil doon lang nila nailalabas ang kanilang damdamin sa babaeng sinisinta at…
Read MoreRIZAL REP. NOGRALES NABABAHALA; PAGPASLANG SA MGA ABOGADO KINONDENA
KINONDENA ni Rizal 2nd district Rep. Fidel Nograles ang pagpaslang sa kapwa abogado sa mismong opisina nito sa Talavera, Nueva Ecija. Ang pagpatay kay Atty. Bayani Dalangin ay pang-apatnapu’t walong insidente na laban sa mga miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) simula noong 2016. “Ang kulturang ito ng impunity na nagpapaliit sa halaga ng isang buhay ay dapat nang matigil,” ayon kay Nograles. Kasabay nito, iginiit ng mambabatas na kailangang magsagawa ng imbestigasyon ang Kongreso upang matukoy kung ano ang magagawa ng Executive branch para mawakasan na ang…
Read MorePANAWAGAN NG CBCP SA GOBYERNO KALIWA DAM PROJECT IBASURA
IPINATITIGIL ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang konstruksiyon ng Kaliwa Dam sa Quezon na popondohan ng loans mula sa China. Sinabi ng CBCP sa isang statement noong Pebrero 26 na makapipinsala ang proyekto sa kalikasan at magdudulot lamang ng malaking gastos sa pamahalaan. “The Church is not against development as long as it does not sacrifice the ‘common good’ in the name of progress,” wika ni Bishop Romulo Valles ng Davao. “The ongoing Kaliwa Dam project of the government, in the guise of providing water to Metro…
Read More