MARAMING naniniwalang opisyal sa Philippine National Police (PNP) na hindi matatanggal sa pagiging direktor ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si Major General Debold Sinas kahit patuloy na namamayagpag ang iba’t ibang ilegal na sugal sa Metro Manila (MM). Ang isyung tanggalan ng mga regional director (RD), kabilang na ang RD ng NCRPO, ay galing mismo kay PNP Chief, General Archie Francisco Gamboa, na nag-utos nitong Pebrero 22 na “isang linggo” ang kanyang ibinigay sa mga heneral upang tuldukan ang jueteng at iba pang uri ng ilegal na sugal…
Read MoreAuthor: admin
TSUPER TODAS SA LASING NA PULIS
TUGUEGARAO City – Patay ang isang tricycle driver makaraan mahagip nang humaharurot na sasakyan ng pulis, iniulat nitong Huwebes ng umaga sa lungsod na ito. Kinilala ang biktimang si Orlando Darilag, 49-anyos, residente ng Brgy. Linao East, ng lungsod. Nadakip naman ang suspek na kinilalang si PSSgt. Lloyd Andrew Agustin, 30-anyos, nakadestino sa Regional Mobile Force Battalion 2, at residente ng Barangay Ugac Sur, ng naturang lungsod. Batay sa report ng Tuguegarao-PNP, nangyari ang insidente sa kalsadang sakop ng Barangay Tanza, ng naturang lungsod. Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, binabaybay…
Read MoreP6.9-M SHABU NASABAT SA LADY COURIER
NAKUMPISKA ang mahigit isang kilo ng umano’y shabu, tinatayang P6.9 milyon ang halaga, sa isang babaeng hinihinalang courier ng ilegal na droga, makaraang ikanta ng tatlong lalaking unang natimbog sa Sta. Cruz, Manila, iniulat ng pulisya kahapon. Unang naaresto sa buy-bust operation sina King Carl Ferrer y Darguan, alyas “Boss”, ng 471 Soler St., Binondo; John Christopher Tayao y Yumol, 32, ng 2021 Yakal St., Sta. Cruz, at Wilson Tan y Pascual, 26, ng 1326 Alvarez St., Sta. Cruz. Ang tatlo ay natimbog sa buy-bust operation sa panulukan ng Ipil St., at…
Read MorePALASYO AYAW MAKISAWSAW SA AWAY SA KAMARA
DEDMA lang ang Malakanyang sa muling pag- init ng girian sa pagitan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, tanging ang nga kongresista lang ang dapat na magresolba ng usapin at sila rin dapat ang magdesisyon sa anumang kasunduang mabubuo. Wala namang nakikitang problema si Panelo at naniniwala siya sa sinabi ni Cayetano na susunod ito sa napagkasunduan habang si Velasco naman ay nagsabing tatalima sa gentleman’s agreement kaugnay sa term sharing. Iginiit ni Panelo na hindi makikialam ang pangulo sa away ng…
Read MoreKAHIT TINANGGAP NI DUTERTE ANG ‘APOLOGY” PAGPAPASARA VS ABS – CBN, TULOY
HINDI inaatras ni Solicitor General Jose Calida ang petisyong quo warranto laban sa ABS – CBN – Corporation at ABS – CBN Convergence sa Korte Suprema. Kahapon, walang inilabas na “opisyal” na pahayag ang tanggapan ni Calida sa media na nagsasabing iniaatras na ng Office of the General (OSG) ang petisyon makaraang tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihinging paumanhin (apology) mula sa ABS – CBN – Corporation, sa pamamagitan ng pangulo at chief excutive officer nito na si Carlo Lopez Katigbak. Nitong Pebrero 24, sa kalagitnaan ng pagdinig ng…
Read MoreINC KOKONTRA SA PRANGKISA NG ABS-CBN?
MAUGONG sa mababang kapulungan ng Kongreso na isa ang Iglesia Ni Cristo (INC) sa mga maghahain ng position paper sa prangkisa sa ABS-CBN. Base sa impormasyon na kumakalat ngayon sa Kamara, inaabangan umano ng mga mambabatas ang ihahaing position paper ng INC sa House committee on legislative franchise. “Through a private lawyer, balita naman they (INC) are planning to file a position paper,” ayon sa impormante na hindi na nagbanggit ng pangalan kapalit ng impormasyong ito. Lumutang ang impormasyon matapos buksan ng nasabing komite na pinamumunuan ni Palawan Rep. Franz…
Read MoreCOUP ATTEMPT SA KONGRESO PAKANA NI VELASCO – CAYETANO
INAMIN kahapon ni House Speaker Alan Peter Cayetano na chairmanship sa ilang committee sa Kamara at budget allocation ang ipinapangako ni Marinduque Rep Lord Allan Velasco sa mga mambabatas sa harap ng usapin ng kudeta laban sa pamumuno ng una. Sinabi ni Cayetano, verified ang report ukol sa tangkang pagpapatalsik sa kanya bilang House Speaker ng kampo ni Velasco na mapapatunayan ng 20 mambabatas na lumapit sa kanya. Magkagayunman, hindi umano niya ito pinepersonal. Nanindigan si Cayetano na bilang bahagi ng coalition bloc ni Pangulong Rodrigo Duterte, kanyang susundin ang napagkasunduan…
Read MoreHINDI KO KAILANGANG MANG-AGAW – VELASCO
Malaki ang kumpiyansa MALAKI ang paniwala ni Marinduque Rep Lord Allan Velasco na siya ang magiging Speaker ng Kamara pagdating ng Oktubre kaya’t hindi niya kailangang agawin pa ito mula kay Speaker Alan Peter Cayetano. Ang pahayag ay ginawa ni Velasco matapos mismong sabihin ni Cayetano na planado ang kudeta sa Kamara at itinuturo ng speaker na nanguna ay ang mambabatas mula sa Marinduque. “I am issuing this statement to once and for all end baseless reports attributed to unnamed sources and sly innuendos being peddled by certain camps with…
Read MoreCAYETANO NA-INSECURE KAY VELASCO
Onsehan sa term-sharing deal NERBIYOS ang naramdaman ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa tangkang pagtanggal sa kanya sa bilang House Speaker ng kampo ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. Ito ang pananaw ni Wilson Fortaleza, tagapagsalita ng Partido Manggagawa (PM), makaraang isiwalaat nitong Pebrero 27 ni Cayetano na 20 kongresista ang nagbunyag sa kanya ng coup attempt na pinangunahn ni Velasco. Nangako raw si Velasco ng ‘malaking pera’ at ‘posisyon’ upang ikasa ang kudeta laban kay Cayetano. Itinanggi naman ni Velasco at mga kaibigan nito sa Kongreso ang akusasyon…
Read More