POC MAY EXTRA BUDGET SA OLYMPIC QUALIFIERS

NAGLAAN ang Philippine Olympic Committee (POC) ng emergency funds para sa posibleng pagbabago sa mga venue ng qualifying events sanhi ng coronavirus disease. Sinabi ni POC deputy secretary general at Ormoc mayor Richard Gomez, may plane tickets na ang mga atletang sasali sa qualifiers sa ibang bansa, pero dahil sa nasabing virus outbreak, may mga adjustment sa venue na paggaganapan ng qualifiers. “The Philippine Olympic Committee is also preparing extra funds together with the PSC (Philippine Sports Commission). Meron tayong naka-allot na funds sa ibang country. ‘Yung iba kasi may…

Read More

10TH RONDA PILIPINAS: OCONER KAKAPIT SA LIDERATO

TARLAC CITY —Marami ang nagduda kung kayang magkampeon sa Ronda Pilipinas ng dating miyembro ng pambansang koponan at batang continental team na Go-for-Gold na si George Oconer. Kabilang ngayon si Oconer sa Standard Insurance-Navy team, na asam mapanatili ang pagkapit sa individual, overall at team classification sa pagbabalik ng 2020 LBC Ronda Pilipinas 10th anniversary race ganap na alas-9 ngayong umaga para sa 111.9km Stage 6 na magsisimula sa kapitolyo at matatapos sa Tarlac Recreation Center. Mula sa ikalawang puwesto ay umakyat si Oconer sa unahan ng general classification sa…

Read More

SAN JUAN VS PALAYAN SA CBA FINALS  

DINISPATSA ng defending champion San Juan ang Binangonan, 86-74, habang pinataob ng Palayan City ang Parañaque, 74-72, sa pares ng sudden death matches upang plantsahin ang titular showdown sa Community Basketball Association Pilipinas Executive Cup sa San Andres Sports Complex sa Malate. Sumakay ang San Juan sa mainit na mga kamay nina Arvin Gamboa at Justine Serrano upang biguin ang Binangonan na makatuntong sa finals sa ikalawang sunod na season sa community-based league na inorganisa ni CBA president Carlo Maceda. Tumapos si Gamboa na mayroong 18 puntos o 9-of-12 sa…

Read More

EquestrianPH tuloy ang laban  

IPAGPAPATULOY ng Equestrian Philippines ang kanilang pagpapaunlad sa sport kahit pa may isa pang national sports association na kinikilala ang Philippine Olympic Committee (POC). Sa katunayan ay hindi tumitigil ang  EquestrianPH sa pagsasanay sa mga riders nila sa katauhan nina international champions Toni Leviste, Joker Arroyo at Colin Syquia. Sinabi ni EquestrianPH president Carissa Coscolluela, maraming kabataan ang mahuhusay na riders na kayang katawanin ang bansa sa hinaharap bagamat nangingibabaw ang politika na siyang sumisira sa nasabing sport. “We established EquestrianPH in 2018 because we want to continue the initiatives…

Read More

MANIPULASYON SA PCL ELECTION

NABAHIRAN ng kontrobersya ang ginaganap na eleksyon ng bagong set of national officers ng Philippine Councilors League (PCL) nang mabuko ng kampo ni Albay municipal councilor Jesciel Richard Salceda ang panloloko umano ng kampo ni Councilor Danilo Dayanghirang ng Davao City. Kuhang-kuha sa video na dalawa sa sample votes na para kay Salcedo ay Dayanghirang ang lumabas sa voting machine. Maliwanag anilang kontrolado ng kasalukuyang opisyal ng PCL ang proseso ng halalan kaya dapat silang mapanagot. 325

Read More

HUMAN SECURITY ACT NILUSAW BAGONG ANTI-TERRORISM LAW APRUB SA SENADO

congress

SA botong 19-2, nilusaw ng Senado ang malabnaw na Human Security Act saka ipinalit ang bagong Anti-Terrorism Law na magbibigay ng karagdagang pangil sa pamahalaan upang labanan ng terorismo. Inaprubahan ng Senado nitong Miyerkoles ang Senate Bill No. 1083 na magbibigay ng karagdagang ngipin sa batas laban sa terorismo kaya’t nalusaw ang Human Security Act of 2007. Kabilang sa bumotong pabor sa panukala sina Senador Sonny Angara, Nancy Binay, Pia Cayetano, Ronald “Bato” dela Rosa, Grace Poe, Imee Marcos, Manuel “Lito” Lapid, Joel Villanueva, Cynthia Villar, Emmanuel “Manny” Pacquiao, Win…

Read More

STATE OF CALAMITY SA CALABARZON

INILABAS kahapon ng Malakanyang ang Proclamation No. 906 na nagdedeklara ng State of Calamity sa CALABARZON o Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon Province dahil sa muling pagpapakita ng aktibidad ng Bulkang Taal. Tinintahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang proklamasyon alinsunod sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa pamamagitan ng deklarasyon, magagamit na ng national government at concerned local government units (LGUs) ang calamity funds sa rescue and relief operations, recovery and rehabilitation sa mga nasalanta ng kalamidad. Bukod dito ay iiral din ang…

Read More

BUHAY IPINAGPALIT SA BAG BABAENG LUMABAN SA SNATCHER, PATAY

CEBU City – Nagbuwis ng buhay ang isang babae habang sugatan ng kaibigan nito matapos makipagtigasan sa mga isnatser na riding in tandem at hindi binitawan ang bag dahilan para makaladkad sa kalsada, iniulat nitong Huwbes ng umaga sa lungsod na ito. Kinilala ang namatay na si Jennifer Vallespin, nasa hustong gulang, habang sugatan ang kaibigan nitong si Anin Manatad Dequita, at kapwa taga Mandaue Cebu. Batay sa report ng Mandaue City Police Station 2, namamasyal ang mga biktima sa mall nang bigla na lamang sumulpot ang mga suspek na…

Read More

P220-K SHABU TIKLO SA BIGTIME TULAK

ARESTADO ang isang hinihinalang bigtime drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Pasay City Police kahapon ng madaling araw sa isang hotel sa nabanggit na lungsod. Ang suspek na kinilalang si Jomark Andres alyas “Jopaks”, walang trabaho, nakalista sa drug watchlist ng pulisya, ay nadakip sa aktong nagbebenta ng ilegal na droga sa poseur buyer sa Room 130 ng Sogo Hotel sa Elwood St., Brgy. 144, Zone 15, Pasay City dakong alas-3:30 madaling araw nitong Huwebes. Ikinasa ng mga operatiba ng SDEU Pasay, sa pangunguna ni P/Cpt.…

Read More