MPBL Lakan Cup playoffs: 1 PANALO NA LANG SA DAVAO, ZAMBO

NAGTALA ng magkahiwalay na panalo ang Davao Occidental at Zamboanga sa Chooks-to-Go MPBL Lakan Season South division playoffs, Lunes sa at Rizal Memorial Colleges Gym sa Davao City. Mula sa 11-point deficit sa third quarter, nangailangan ang Davao Occ. Tigers ng scoring spurts para ungusan ang Bicol Volcanoes, 77-71. Habang ang Zamboanga Family’s Brand Sardines ay tinalo ng Batangas City Athletics, 78-74. Ang Tigers at Zamboanga ay isang panalo na lang para makausad sa semifinals. Naiwan ang Tigers ng 13 points (34-21) sa second quarter at maging sa huling 6:44…

Read More

PARKS ‘IN’ SA TNT, ‘OUT’ SA GILAS

PINAPIRMA na ng one-year extension contract ng TNT KaTropa si Ray Parks Jr. Dahil dito, isama pa ang pagkuha kay big man Poy Erram, ay kumpleto na ang KaTropa, ayon kay active team consultant Mark Dickel. Ang 26-anyos na si Parks ay may average na 18.8 points, 6.3 rebounds, 3.5 assists at 1.4 steals noong naglalaro pa siya para sa Blackwater Elite. Ngunit mula sa 39 percent shooting ay bumaba ito sa 37. 6% o 12.2 points sa siyam na beses na paglalaro niya sa TNT. Samantala, malabo nang mapasama…

Read More

ERRAM, KATROPA NA

MAHIGIT dalawang linggo bago ang pagsisimula ng 45th PBA, tuloy pa rin ang adjustment na ginagawa ng iba’t ibang koponan bilang paghahanda sa All-Filipino Cup. Pinakabagong kaganapan ay ang pag-trade ng NLEX Road Warriors sa kanilang star center na si Poy Erram at future first-round pick sa TNT. Kasali rin sa  three-team trade ang Blackwater Elite. Sa deal na isinumite na sa PBA office at naghihintay na lang ng approval, ipadadala ng TNT si Marion Magat at first-round pick sa Blackwater kapalit ng future first-rounder. Ang future first-round pick ng…

Read More

FIBA Asia Cup qualifier: PILIPINAS vs INDONESIA, TULOY!

IPINAG-UTOS ng International Basketball Federation (FIBA) sa Indonesia na ituloy ang pagho-host sa opening window ng Asia Cup qualifiers, kabilang na rito ang nakatakdang laro kontra Gilas Pilipinas sa Pebrero 23. Ito ang naging tugon ng FIBA sa kahilingan ng Indonesian Basketball Association (IBA) na i-postpone at i-reschedule ang dalawang qualifying games na iho-host ng naturang bansa, Peb. 20 kontra South Korea at Peb. 23 laban sa Pilipinas, dahil sa pangamba sa worldwide outbreak ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19). Iginiit ni FIBA Executive Director for Asia Hagop Khajirian sa kanyang…

Read More

JOHN LLOYD CRUZ BALIK-PELIKULA NA 

NAGBABALIK na nga si John Lloyd Cruz sa showbiz dahil sinisimulan na nito ang pelikulang ‘Servando Magdamag’ na dinidirek ni Lav Diaz under Black Sheep Productions. Ganundin pala si Ellen Adarna. Nagpaparamdam na rin ito dahil nabalik na ang dating ganda ng katawan at lalong gumanda pa raw ito ngayon. Kinuha kasi siyang endorser ng Kamiseta Skin na pag-aari ng BFF kong si Cris Roque. Sabi nga nila, ang ganda-ganda raw ng aura ngayon ni Ellen at bagay sa kanya itong Kamiseta Skin. Siyempre, Aalagaan naman siya nang husto ng…

Read More

7 ARESTADO SA P2.9-M SHABU SA TAGUIG

ARESTADO ang pitong suspek sa drug buy-bust operation dakong alas-7:30 ng gabi noong Lunes sa Jolo Sulu St., Quiapo Dos, Barangay Maharlika, Taguig City. Kinilala ang mga suspek na sina Saner Guipal, Mohammad Adjaluddin, Butch Oyo, Arapat Samama, Hans Joseph Casiano, Johanna Usman at Rashid Biri. Nakumpiska mula sa mga suspek ang 433.02 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P2,944,536 halaga. Nauna rito, nagsagawa ng surveillance operation at test buy ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni Percival Cariño, sa ilalim ng liderato ni P/Cpt. …

Read More

2 PULIS SINIBAK SA ‘OPLAN X-MEN’

SINIBAK sa kanilang puwesto ang dalawang miyembro ng Makati City Police makaraang mahuli sa video na nag-imbita sa mga ‘transwoman’ sa kanilang himpilan para sa umano’y ‘Profiling’. Ayon kay Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, ang mga sinibak na sina Pat. Timmy Paez at P/Cpl. Juliet Atal ay isasailalim sa retraining at workshop ukol sa ‘gender sensitivity’. Wala namang naibigay na paliwanag ang mga sinibak na opisyal kung bakit nila inimbitahan sa kanilang himpilan ang transwoman na si Anne Pelos noong Valentine’s Day, Pebrero 14. Sa Facebook video…

Read More

CRIMINOLOGY STUDENT PATAY SA HAZING

SORSOGON – Patay ang isang Criminology student dahil umano sa hazing. Kinilala ng mga pulis ang biktimang si Omer Despabiladeras. Si Despabiladeras ay isang First Year Criminology student ng Solis Institute of Technology sa bayan ng Bulan. Ayon sa imbestigasyon, sa gitna initiation rites ng Tau Gamma Phi Fraternity ay nawalan ng malay si Despabiladeras kaya dinala sa ospital kung saan siya idineklarang dead on arrival. Sa unang health report, nagka-hematoma o pamumuo ng dugo sa kanyang hita, likuran at iba pang bahagi ng katawan si Despabiladeras. Kasama niya sa…

Read More

NANUMBAT SA UTOL NA JOBLESS KINATAY

LANAO del Norte – Patay ang isang babae makaraang gilitan at tadtarin ng bala ng kanyang kapatid na ex-convict nang sabihan ng biktima na siya ay palamunin dahil walang trabaho. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Evelyn dela Peña Doiller habang nadakip sa follow-up operation ng pulisya ang suspek na si Pachito dela Peña, kapwa ng Purok 3, Labuay, Maigo, Lanao del Norte. Ayon sa imbestigasyon ng Maigo Municipal Police Station nakitira ang suspek at biktima sa bahay ng kanilang ina. Noong Disyembre ng 2019, nakalaya ang suspek matapos ang…

Read More