Pagkawala ni Fajardo, Slaughter PABOR SA LAHAT–RAVENA

SA pagkawala ng mga sentro ng sister teams Ginebra at San Miguel Beer, ang NorthPort ang kinukunsidera ngayong “team to watch” sa darating na 45th PBA Filipino Cup. Ito ang personal na pananaw ni TNT coach Bong Ravena kaugnay sa pagkawala ng Ginebra at SMB bigs na sina Greg Slaughter at June Mar Fajardo, ayon sa pagkakasunod.” Actually, NorthPort ‘yung team to watch, eh. Intact sila and with (Christian) Standhardinger. In fact, Number one center ngayon is Christian so hindi sila mahina,” sabi ni Ravena. “Without Fajardo, pabor sa lahat.…

Read More

HONASAN, SA LOOB NG ILANG BUWAN SA DICT, MAY P300-M SCANDAL

Badilla Ngayon

NAPAKASAMA naman nang nangyayari sa Department of Information and Communication Technology (DICT) sapagkat sa ikaapat na buwan ni dating Senador Gregorio “Gringo” Honasan bilang kalihim ng nasabing kagawaran ay pinuntirya agad niya ang multi-milyong pondo para sa “confidential expen­ses” ng DICT. Batay sa dokumento ng Commission on Audit (COA), Nobyembre 22 hi­ningi ni Honasan ang unang P100 milyon na gagamitin daw sa confidential expenses ng DICT. Pagkatapos, dalawang beses muling humingi ng tig-P100 milyon noong Disyembre. Kaya, P300 milyon lahat ang nakuha niya mula sa Department of Budget and Management…

Read More

KATOTOHANAN SA PARATANG SA ABS-CBN

PRO HAC VICE

NAHAHARAP ngayon sa isang  malaking isyu ang number one television station sa bansa – ang kapamilya network/ABS-CBN. Totoo ba ang ang tinuran ng office of the solicitor general na mayroong mga paglabag ang ABS-CBN sa ipinagkaloob sa kanilang pribilehiyo ng estado nang maglunsad ito ng pay per view channel sa ABS-CBN TV Plus at  KBO Channel nang walang pahintulot o permiso mula sa National Telecommunications Commission (NTC)? Malalaman po natin yan mga ka-SAKSI dahil sa Supreme Court  En Banc session kahapon ay inaktuhan na ng Korte Suprema  ang “Very Urgent…

Read More

Gamboa sa ‘ninja cops’ MAGRETIRO O MAPAHIYA?

BINIGYAN kahapon ng magandang option ni Philippine National Police chief Archie Gamboa ang may 357 pulis na sinasabing sangkot sa illegal drug trade na magbitiw na lamang sa kanilang tungkulin kaysa maharap sa matinding kahihiyan. Hinimok ni Gamboa ang mga pulis na kabilang sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-early retirement na lamang bago pasimulan  ng PNP ang adjudication at validation sa 357 pulis na kasama sa naturang listahan para malaman kung sino talaga sa mga ito ang sangkot sa ilegal na droga. Ayon kay Gamboa, “If you don’t…

Read More

Gen. Montejo ipinangongolekta sa illegal; SUGAL, DROGA, PROSTI SA QC HINDI MATIGIL

MAHINA ang kampanya ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamumuno ni Director, Police Brigadier General Ronnie S. Montejo laban sa mga ilegal na gawain sa lungsod. Ito ang puna ng ilang residenteng nakapanayam ng Saksi Ngayon dahil patuloy umanong nakapag-o-operate ang mga ilegal na gawain sa lungsod ng Quezon. Sa pag-upo ni Montejo, bilang acting QCPD Director kapalit ni BGen. Joselito Equivel noong Setyembre 2019, sinabi niyang walang puwang sa kanya ang mga pulis na nasasangkot sa mga katiwalian. Kaya naman sa simula ng kanyang pag-upo ay masigasig ang…

Read More

11K ABS-CBN WORKERS JOBLESS NA SA MARSO?

MAWAWALAN na ng trabaho sa susunod na buwan ang may 11,000 empleyado at talent  ng ABS-CBN dahil patuloy na inuupuan ng House franchise committee ang prangkisa ng nasabing TV Network. Ito ang kinatatakutan ni Laguna Rep. Sol Aragones dahil habang hindi kumikilos ang Kamara ay inaaksyunan na ng Korte Suprema ang Quo Warranto petition na isinampa ni Solicitor General Jose Calida laban sa ABS CBN. Hindi lamang aniya ang mga nasa Pilipinas ang maaapektuhang empleyado ng TV network kundi ang mga naka-deploy sa North America, Europe, Middle East at mga…

Read More

Loyalty check ikakasa? PARTIDO NI PDU30 NILALAYASAN

DUTERTE-31

MAGDARAOS ng general assembly ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte na PDP-Laban sa susunod na buwan matapos ang magkakasunod na pagkalas ng ilang miyembro nito. Hindi direktang sinabi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na magkakaroon ang mga ito ng loyalty check subalit inamin na isa sa kanilang pag-uusapan ay patatagin ang partido matapos silang malagasan ng 12 miyembro sa loob ng isang taon. “We wil have a general assembly meeting on March 4 to be attended by Sen. Manny Pacquiao and Cong. Lord Velasco,” ani Pimentel. Si Pacquiao…

Read More

TERMINATION NG VFA IPINARATING NA SA US

PORMAL nang naabisuhan ng Pilipinas ang Estados Unidos kaugnay sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na i-terminate  ang Visiting Forces Agreement (VFA) na nilagdaan noong 1998. Kinumpirma ni  Presidential spokesperson Salvador Panelo na ipinag-utos ni Pangulong Duterte kay Executive Secretary Salvador Medialdea nitong Lunes, Pebrero 10, na sabihin kay Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin na ipadala na ang  notice of termination ng VFA sa gobyerno ng Estados Unidos. Iniulat kahapon ni Sec. Locsin na “Deputy Chief of Mission of the Embassy of the United States has received the…

Read More

P2-B MULTA NG MLA WATER, MAYNILAD Huwag kalimutan – Solon

MAYNILAD-MANILA WATER-3

HINDI lang mga advance collection ng water concessionaires ang dapat iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ito na bayaran bago ang negosasyon sa bagong kontrata kundi ang P2 Billion multa na ipinataw sa kanila ng Korte Suprema. Ito ang iginiit ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza kay Pangulong Duterte kasunod ng panibagong banat nito sa Maynilad at Manila Water na ibalik sa tao ang kanilang nakolektang sewage fees para sa pagpapagawa ng water treatment facilities na hindi pa rin naitatayo sa nakalipas na 22 taon. “President Rodrigo Duterte should…

Read More