CAMARINES Norte – Balot ng putik ang katawan ng isang babae makaraang mag-dive umano sa putikan sa isang sakahan habang nagmamaneho ng motorsiklo, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Angelica Sorio, 28-anyos, residente ng Holiday Homes Subdivision, Daet, Camarines Norte. Batay sa report ng Camarines Norte-PNP, natagpuan ang bangkay ng biktima habang nakalublob sa putikan kasama ang kanyang motorsiklo sa isang sakahan sa Maharlika Highway, Brgy. Lag-On, Daet, Camarines Norte. Paniwala ng pulisya, posibleng habang binabaybay ng biktima ang nasabing lugar nang biglang mawalan…
Read MoreAuthor: admin
BUS DRIVER NAG-SIDELINE NG SHABU ARESTADO
ARESTADO ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Coastal Mall, Barangay Tambo, Parañaque City dakong alas-4:45 ng hapon noong Martes. Ayon kay Police Senior Master Sgt. Ellan Sagario, ikinasa ng Parañaque Police Drug Enforcement Unit ang buy-bust operation sa Coastal Mall, target ang suspek na si Roderick Dumpi, driver ng Rainbow Express bus, taga-Blk. 267, Lot 7, Purok 6, Area D, Sapang Palay, Bulacan. Napag-alaman, suma-sideline umano ang suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga dahil mas malaki ang kita rito at pansariling gamit. Agad namang…
Read MoreDELIVERY VAN NASALISIHAN
DALAWANG kahon ng lotion na aabot sa halagang P17,000, ang natangay ng hindi kilalang kawatan makaraang masalisihan ang driver ng delivery van sa harap ng isang drug store sa Sta. Ana, Manila nitong Martes ng umaga. Batay sa inihaing reklamo ni Orlando Marbella, 29-anyos, empleyado ng DVP Logistic Services, sa Manila Police District-Police Station 6, bandang alas-9:46 ng umaga nang mangyari ang insidente sa harap ng Mercury Drug Store sa #1909 Augusto Francisco St., Brgy. 791, Zone 86, Sta. Ana. Napag-alaman, nahagip ng CCTV ang suspek na tinatayang 40-anyos ang…
Read MoreTIRADOR NG KABLE TIMBOG
TINANGKANG nakawin ng isang 24-anyos na tambay ang mga kable ng kuryente sa Harrison Plaza mall sa Apolinario Mabini St., Malate, Manila nitong Martes ng gabi. Sinampahan ng kasong theft ang suspek na kinilalang si Renato Cayubit, ng MTPB Impounding Area, A. Mabini St., Malate. Ayon sa ulat ng Manila Police District-Malate Police Station 9, naaktuhan ang suspek habang pinuputol ang mga kable ng kuryente sa roof deck ng mall. Bunsod nito, inaresto ang suspek ni Al-Naguib Alpasain, security guard ng Shopwise Supermarket sa Harrison Plaza mall. Nabawi mula sa…
Read MoreEUROTEL HOTEL SUPPORTS ANGELS WALK FOR AUTISM 2020
“We should provide a healthy and supportive environment for persons with autism. Inclusion, awareness, and appreciation – all of those, start at home.” – Edmundo Las, Managing Director of Eurotel Hotels. As part of this year’s celebration of the Philippine National Autism Consciousness Week, Eurotel Hotel joined the almost 25,000 attendees of the annual Angels Walk for Autism 2020, held last January 26 at the Mall of Asia Arena, Pasay City. Employees both from the Eurotel Corporate office and its hotel branches were gathered together along with various sectors of…
Read More10th Ronda Pilipinas Oranza, Morales unahan sa titulo
PANGUNGUNAHAN ng dalawang kampeon na sina Ronald Oranza at Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance ang pagsikad ng LBC Ronda Pilipinas sa Pebrero 23 sa Sorsogon at magtatapos sa Marso 4 sa Vigan, Ilocos Sur. Inaasahang mahigpit na maglalaban sa titulo sina Oranza at Morales na kapwa nagkampeon na sa mga nakalipas na edisyon ng Ronda. Naghari si Oranza noong 2018 habang back-to-back winner naman si Morales noong 2016 at 2017. Kaya optimistko ang Navy men na hindi makakawala ang titulo sa kanila sa karerang sasalihan din nina El Joshua…
Read MoreSmash Pilipinas babawi vs Indonesia
TATANGKAIN ng Smash Pilipinas na makabawi ngayong umaga kontra Indonesia mula sa kanilang masaklap na pagkatalo sa world rank Thailand kahapon sa 2020 Badminton Asia Manila Team Championships sa Rizal Memorial Coliseum. Sunod-sunod na natalo sa tatlong individual match up sina Airah Mae Nicole Albo, Maria Bianca Ysabel Carlos at Sarah Joy Barredo laban sa Thais kaya’t kailangan nilang manalo ngayong alas-10 ng umaga upang makaiwas na mabokya sa torneo. “Masaya naman kami sa coaching staff sa resulta ng mga player natin,” sabi ni Philippine Badminton Association (PBA) women’s head…
Read MoreDAVAO, MAY BEST RECORD SA 2020 MPBL LAKAN CUP
ITINAKAS ni Emman Calo ang Davao Occidental Tigers sa huling 8.8 seconds nang talunin ang Marikina Shoemasters, 85-83 at tinapos ang elimination round ng Chooks-to-Go MPBL Lakan Season South division na may pinakamagandang record na 26-4 sa South division. Habang ang Manila Stars ay sumandal naman kina Chris Bitoon at Aris Dionisio para talunin ang Zamboanga Family’s Brand Sardines, 74-71. Tinapos ng Manila ang elims bilang second seed sa North division (25-5). Umakyat naman ang General Santos Warriors sa 17-12 record sa South, matapos ilampaso ang Sarangani Marlins, 103-87. Tinapos…
Read MoreVIDEO CHALLENGE SA UAAP SEASON 82
HINDI na mahihirapan ang mga reperi sa kanilang officiating dahil simula sa Season 82 ng men’s at women’s volleyball tournament, ipatutupad na rin ng UAAP ang ‘video challenge system.’ Sa press conference kahapon sa SM Mall of Asia Arena, para sa pagsisimula ng second semester events, inihayag ni league president Em Fernandez ang implementasyon ng nasabing teknolohiya na tutulong sa mga reperi sa kanilang ‘decision-making process.’ “During the SEA Games we also saw the challenges that were implemented, we will also implement the challenge system during this year,” lahad ni…
Read More