TUWING may kalamidad na nangyayari sa ating bansa, ang laging kabuntot na problema ng mga biktima ay ang pagsasamantala ng mga tiwali at gahamang negosyante. Laging nagkakaroon ng overpricing sa mga produktong kailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagsasamantalang ginawa ng mga nagtitinda ng N95 face masks makaraang pumutok noong Linggo ang Bulkang Taal. Wala tayong ideya kung magkano talaga ang retail price ng isang N95 face mask pero mismo ang Department of Trade and Industry (DTI) ang nagsasabi na mayroong overpricing sa kanilang isinagawang test buy. Alam…
Read MoreAuthor: admin
LEGENDARY ANG PAGIGING CHARITABLE NINA DINGDONG, LUIS AT ALDEN
Kung minsan talaga, hindi mo masisisi ang mga artistang napipikon sa mga basher. Lahat ng gawin nila hinahanapan ng mali. Ilan sa mga artista na tutoong matulungin at aware sa mga nagaganap ay sila Dingdong Dantes, Luis Manzano at Alden Richards. Tunay at galing sa puso ang pagtulong nila, hindi nila ipinag-iingay, hindi sinasabi sa media pero alam mo na kumikilos sila para tumulong. Mula’t sapul sa umpisa pa lang ng career nila, nandun na sa puso nila ang pagmamahal sa less fortunate. Mababalitaan mo na lang na may natulungan…
Read MoreALEX ENGAGED NA KAY MIKEE
Bukod sa pagsabog ng Bulkang Taal, masasabing big news ang recent engagement ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga, ang social media star, singer-actress-comedienne at celebrity endorser na si Alex Gonzaga at ng fiancé na nito ngayon, ang businessman-politician na si Mikee Morada. Inihayag nina Alex at Mikee ang kanilang engagement sa ika-32nd birthday mismo ni Alex last Thursday, January 16 sa get-together ng kanilang respective families and close friends na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza Hotel. Bukod sa engaged couple and their respective families, nag-aabot din ng pagbati sa dalawa ang…
Read MoreYAM: ‘MAY NANGYARING NAPAKASAKIT SA BUHAY KO!’
Ipalalabas na sa mga sinehan simula January 22 ang pelikulang ‘Night Shift’ na pinagbibidahan ni Yam Concepcion. Masayang-masaya ang aktres dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makapagbida sa naturang horror film na ginawa ni Yam Laranas. “Ngayon ko lang nalaman na ako ‘yung first and only choice, so wow! Thank you so much because I’ve always been a fan of Direk Yam’s work. Of course he is known for his beautiful cinematography, ‘yung story telling niya, ang galing talaga. May mga friends ako na super fan ng movie niyang ‘Sigaw’…
Read MorePHIVOLCS GIGISAHIN
PREROGATIVE at pribilehiyo ng isang mambabatas ang hilingin nito na imbestigahan ang isang usapin ‘in aid of legislation”. Tugon ito ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa panawagan ni Cavite Representative Elpidio Barzaga na imbestigahan ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) dahil hindi umano naipabatid sa publiko ang napipintong pagsabog ng bulkang Taal. Na kay Cong. Barzaga na aniya kung itutuloy nga ito na imbestigahan ang Phivolcs dahil hindi naman maaawat ng Malakanyang ang sinoman na gawin ang gusto nila sabing “that is their call”. Sinabi ni Cong. Barzaga…
Read More‘WAG MAGING KAMPANTE SA PANANAHIMIK NG TAAL – PHIVOLCS
ITO ang babala kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mamamayan kaugnay sa pananahimik ng Bulkang Taal. Inihayag ng Philvocs na nagpakita ng bahagyang pagkalma ang nag-aalborotong Bulkang Taal ngunit nanatiling mataas ang posibilidad ng isang malakas na pagsabog kaya nagbabala ang nasabing tanggapan na huwag munang magpabalik ang evacuees. “We are analyzing what this seeming calm of the volcano means,” ani Maria Antonia Bornas, chief science research specialist ng Phivolcs. Samantala, patuloy na pinag-aaralan ng Philvocs ang mga pahiwatig sa likod nang pagkatuyo ng tubig sa…
Read MoreBLU GIRLS ANGAT SA WORLD RANKINGS
UMAKYAT ang Philippine Blu Girls sa world rankings sa pagpasok ng 2020. Nakalikom ang national women’s softball team ng 2,110 points at umakyat ng dalawang pwesto – – no. 11 mula sa dating no. 13 spot. Sa nakaraang 30th SEA Games, inangkin ng Blu Girls ang ikasampung sunod nitong gold medal na nagkaloob sa kanila ng 30 puntos. Naging malaking ambag sa ranking points ang 4th place finish ng Pilipinas sa Asian Women’s Softball Championship 2019. Nakakuha ang youth team ng 55 points sa 4th place finish sa 2019 Under-17…
Read MoreMAINTENANCE MEDS ILILIBRE SA MAHIHIRAP
ISINULONG sa lungsod ng Quezon ang programang pangkalusugan na kinapapalooban ng regular na pamamahagi ng ‘maintenance medicines’ sa mga karapat-dapat na mamamayan ng lungsod. Tugon ito ni Quezon City Councilor Imee Rillo matapos malaman na maraming pamilya na may mga sakit na high blood at diabetes ang hindi nakabibili ng kanilang mga gamot. Ayon sa konsehal, una nang nagsagawa ang kanyang tanggapan ng survey sa kanilang mahihirap na ‘constituents’ na may mga sakit o may iniinom na maintenance medicine, ar nalaman nila na karamihan sa mga ito ay hindi na…
Read MoreBICOL VOLCANOES PINATAHIMIK
PINIGIL ng Bataan Risers ang paulit-ulit na pag-aalburoto ng Bicol Volcanoes para itala ang 76-72 win at panatilihin ang tsansang tumapos sa top four ng elimination round ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season noong Miyerkules sa People’s Center sa Balanga, Bataan. Sa huling 26 segundo, humabol pa ang Volcanoes, 72-74, pero nagpakatatag ang Risers at nagdagdag ng puntos nang ma-split nina Archie Ingo at Ryan Batino ang kanilang charities at angkinin ang ikatlong sunod nitong panalo tungo sa 17-9 win-loss card sa North division. Tumapos si Batino na may 18 points at…
Read More