PALASYO ‘HUGAS-KAMAY’ SA PETISYON NG OSG VS ABS-CBN

spokesperson Panelo-ABS-CBN

MISTULANG naghugas-kamay ang Malakanyang nang itangging may basbas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nakatakdang paghahain umano ng petisyon ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema na naglalayong hilingin na bawiin ang legislative franchise ng ABS-CBN media network. Ang katwiran ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, trabaho ng SolGen ang ganitong mga usapin. Sa ngayon ani Sec. Panelo ay hindi pa niya nakikita ang draft ng petisyon kung mayroon man. Hindi naman naniniwala si Sec. Panelo na may koneksyon ang paggalaw na ito ng Solgen sa mga naunang…

Read More

DOH IGINIIT ANG PAGGAMIT NG FACE MASK

FACE MASK-2

MULING pinaalalahanan ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang mga taong may sakit sa baga at respiratory conditions na malapit sa mga lugar na apektado ng ashfall na patuloy na magsuot ng protective masks upang maiwasang lumala ang kanilang kondisyon. Partikular ding tinukoy ni Duque na dapat maprotektahan laban sa ashfall ang matatanda na dumaranas ng bronchitis, pneumonia, asthma at iba pang lung conditions. Habang ipinapayo ang patuloy na pagsusuot ng face mask sa Quezon at Laguna, ang mga nasa Metro Manila ay maari aniyang hindi na…

Read More

EVAC CENTER BILL 9-TAONG TINULUGAN SA KONGRESO

kongreso12

NATENGGA ng siyam (9) na taon sa dalawang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na naglalayong magtatag ng evacuation centers sa buong bansa upang may matuluyan ang mga biktima ng kalamidad. Sa pagsasaliksik ng Saksi Ngayon, unang ipinanukala ni Quezon Rep. Angelina Tan sa pamamagitan ng House Bill 3372 noong Nobyembre 25, 2013 para magtayo ang gobyerno ng mga evacuation center subalit hindi inaksyunan ng House committee on national defense and security. Ganito rin ang mga hiwalay na panukala nina dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares, dating Gabriela party-list…

Read More

INC IKINASA ANG BIG AID EVENT SA CEBU

KABAYAN KO KAPATID KO-2

MULING nagsagawa kamakailan ang Iglesia Ni Cristo (INC) ng matagumpay na Kabayan Ko, Kapatid Ko aid and assistance event sa Queen City of the South na ginanap sa Cebu Coliseum nitong Enero 12, 2019. Ang Kabayan Ko, Kapatid Ko program ay pangunahing inisyatibo ng INC Executive Minister Brother Eduardo V. Manalo, na naglalayong mapabuti at positibong makaapekto sa buhay ng mga kapwa miyembro at hindi miyembro ng INC sa pamamagitan ng mas malawak na paghahatid ng tulong. “Ang Kabayan Ko, Kapatid Ko ay isa sa pangunahing proyekto na isinusulong ni…

Read More

DOJ KINASUHAN  SI ALBAYALDE AT 12 IBA PA

PINAKAKASUHAN ng graft ng Department of Justice (DOJ) si dating Philippine National Police chief Oscar Albayalde kaugnay ng umano’y recycling ng 200 kilong shabu sa Pampanga raid noong 2013. Mahaharap naman ang labindalawang pulis at PNP personnel sa kasong misappropriation/misapplication of seized drugs, planting of evidence, delay in prosecution of drug charges, qualified bribery, at graft. Inirekomenda ng DOJ na kasuhan si Albayalde dahil sa ‘pag-impluwensya’ umano nito sa ibang opisyal upang hindi maipatupad ang parusa laban sa kanyang mga dating tauhan. Labindalawa lamang sa labing apat na respondents na…

Read More

IKA-12 TITULO SA PBA IUUWI NG GINEBRA

GINEBRA-9

TAPUSIN ang serye at iuwi ang ika-12 pangkalahatang titulo ang target ng Barangay Ginebra kontra Meralco Bolts sa Game 5 ng 2019 PBa Govenror’s Cup Finals sa MOA Arena. Kung mananalo ngayong alas-7 ng gabi ay ito na ang magiging ika-apat na third conference crown ng Gin Kings. Mismong si Ginebra veteran guard LA Tenorio ang nagsabing tatapusin na nila ang serye matapos itala ang 3-1 abante noong Miyerkoles sa Araneta Coliseum. Sinabi ni Tenorio na iaalay niya ang kampeonato sa mga kababayang nasalanta ng pagsabog ng bulking Taal sa…

Read More

BALIK-TANAW SA DENGVAXIA

FOR THE FLAG

PANAHON pa ng mga Kastila ay ganoon na lang kung maliitin ang mga Pilipino dahilan kung kaya’t noon pa lang ay nagnais na ang ating mga ninuno na makaalpas sa pang-iinsulto ng mga Kastila at maka-tabla sa kanila sa edukasyon at propesyon. Minana ng oligarkiyang nakabase sa bansa ang kaugaliang iyan, ang masa ay mistulang ipis ngunit kung tutuusin ay ang masa ang bumubuhay sa pinakamalalaking negosyo sa bansa. Nanatiling tungtungan na nga lamang ng mga paa ng oligarkiya ang mamamayan. Nagpasalin-salin ang kaugaliang iyan hanggang umabot sa panahon ni…

Read More

CAYETANO, DRILON PUMAPEL?

MAYNILAD-MANILA WATER-3

Kita ng Maynilad, Manila Water tiniyak sa water deal (Ni: NELSON S. BADILLA) LUMUTANG ang posibilidad na may kinalaman sina Senador Franklin Drilon at dating presidential legal adviser Renato “Rene” Cayetano sa palpak na kontrata sa mga water concessionaire. Ito ay base sa mga nakalap na impormasyon ng Saksi Ngayon. Ngayon ay pinabago na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrata ng pamahalaan sa Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc. upang matanggal ang mga probisyong “onerous” sa kontrata na nagbigay ng kapangyarihan sa dalawang kumpanya na kumabig nang…

Read More

P1.77-T INFRA PROJECTS DELIKADO

INFRA-3

Sa patuloy na paghagupit sa water concession deals (SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NANGANGANIB na maapektuhan ang P1.77-T infrastructure projects ng pamahalaan na popondohan sa pamamagitan ng private-public partnership deals sa patuloy na pagbatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa  water concession agreements ng Manila Water Co. Inc. at ng Maynilad Water Services Inc., gayundin sa pagbabanta niya na hindi ire-renew ang prangkisa ng ABS-CBN. Ito ang babala ni Romeo L. Bernardo ng Global Source Partners, country analyst for the Philippines, sa isang emailed report na ipinadala kamakailan. “The continuing rants cannot…

Read More