ISASAGAWA ang taunang 2020 Philippine National Games (PNG) sa Mayo, limang buwan matapos ang 30th Southeast Asian Games kung saan tinanghal na overall champion ang bansa. Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fatima Celia Hicarte Kiram, ang “national open” ay bukas sa lahat ng national sports associations (NSAs), upang mapanatiling nasa tamang kondisyon ang mga atleta. Ang PNG, na inorganisa ng PSC, ay isang daan din upang maipakita ng mga atleta na karapat-dapat silang mapabilang sa training pool ng pambanang koponan. “It has been our policy that all national…
Read MoreAuthor: admin
ISDA LALASUNIN NG SULFURIC ASHFALL
NANAWAGAN si Magsasaka Party-list Representative Argel Cabatbat sa Batangas Provincial Goverment at sa Department of Agriculture na agad maibigay ang ilang porsiyento ng calamity funds at Quick Response Funds para sa agarang tulong sa mga magsasakang biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal. Sa ngayon, ayon kay Rep. Cabatbat, umaabot na sa 200,000 ng mga kababayan natin sa Batangas ang apektado at kailangang lumikas. Pero ilan doon ang magsasaka na iniwan hindi lang ang bahay kundi ang kabuhayan nila. “Masaya tayo sa report ng DA na walang malaking perwisyo ang naidulot…
Read MoreSUNOG SUMIKLAB SA KAPUSO NETWORK
NASUNOG ang bahagi ng compound sa loob ng GMA 7 Network sa Kamuning sa lungsod ng Quezon nitong Martes. Sa report ng Quezon City Fire Bureau, unang sumiklab ang sunog sa loob ng isang canteen sa Kapuso compound. Alas-11:31 ng umaga nang magsimula ang apoy na agad itinaas sa unang alarma. Ngunit agad namang itong naapula alas-11:45 ng umaga. Inaalam pa kung ano ang naging dahilan nang pagsiklab ng apoy sa canteen. Pinalabas ang mga empleyado ng GMA network habang inaapula ng sunog. (JG TUMBADO) 534
Read MoreALMAZAN PAHULAAN SA GAME 4
NA-DIAGNOSE si Meralco big man Raymond Almazan na may lateral meniscal tear sa kaliwang tuhod. Ito ang lumabas sa isinagawang MRI sa kaniya matapos matamo ang injury anim na minuto sa unang bahagi ng Game 3 ng Governors’ Cup Finals na pinagwagian ng Barangay Ginebra, 94-82. Sa isang rebound play ay nag-agawan at nagkabanggaan sina Almazan at Ginebra guard LA Tenorio na ikinabagsak ng una, na tuluyang hindi na nakabalik sa laro. Ayon kay Meralco team manager Paolo Trillo, hindi pa nila nakakausap si Almazan, kung kaya nitong maglaro…
Read MoreJULIA AT GERALD IWAS NEGATRONS
Last month pa na-pralala na Enero 2020 ipalalabas ang zombie movie nina Julia Barretto at Joshua Garcia na Block Z, at ang teleseryeng A Soldier’s Heart ni Gerald Anderson. Of course, crucial kay Julia ang pelikulang iyan, matapos na so-so ang rating ng recent MMK episode na iyan. Kung saan man pulutin ang Block Z, may career pa rin si Joshua at mabango pa rin sa advertisers. Chance na rin ni Gerald na patunayan ang hatak niya sa advertisers at televiewers ang showing ng kanyang teleserye. Kaya expectorant tayo na…
Read MoreMYRTLE ENDORSER NG BAGONG PRODUCT
Meron na palang perfume na ini-endorse si Myrtle Sarrosa. Kaya tuwang-tuwa si Rose dahil mahal na mahal niya si Myrtle na alaga nila Aileen Go ng MegaSoft at Budingding na lola ni Sandara Park. Mabait na bata at nakatapos pa ng pag-aaral kahit busy sa showbiz, bagay daw sa personality niya ang Nouve Eau de Toilette perfume/cologne na bago niyang endorsement. Myrtle Sarrosa is a good model dahil nagawa niya pagsabayin ang trabaho at pag-aaral. Kaya una si Rose sa natuwa nang kuning endorser ng bagong product si Myrtle. Go…
Read MorePOPS: ‘I WANTED THE BOYS TO GET ALONG TOGETHER!’
Mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas nang magkahiwalay sina Pops Fernandez at Martin Nievera. Nabiyayaan ng dalawang anak na lalaki ang dating mag-asawa, sina Robin at Ram. Labingdalawang taong gulang na rin ngayon ang anak ni Martin kay Katrina Ojeda na si Santino. Ayon kay Pops ay nahirapan siyang tanggapin noon ang kalagayan nila ni Martin kaya umabot nang matagal na panahon bago nanumbalik ang pagiging magkaibigan ng dalawa. “Siyempre it took a long time. I don’t think I’m gonna be a normal human being if gano’n kadali. Time heals…
Read More‘WORST CASE SCENARIO’ SA BULKANG TAAL PINAGHAHANDAAN NG NDRRMC
ISANG ga-higanteng “volcanic tsunami” ang labis na pinangangambahang maganap sakaling umabot na sa alert level 5 ang status ng pag-aalburoto ng bulkang Taal sa Batangas. Ito ang ibinabala ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) dahil sa nakikitang mga indikasyon sa nabanggit na bulkan. “Yung volcanic tsunami po, pwede po natin i-expect sa panahon na mag-intesify pa po lalo ‘yung pinapakita ng Taal ngayon sa alert level 5,” pahayag ni Phivolcs Supervising Science Research Specialist Winchelle Sevilla makaraan ang emergency meeting ng Taal Volcano inter-agency coordination sa Tagaytay.…
Read MorePINAS ‘LULUSUBIN’ NG CHINESE FISHERMEN
PINANGANGAMBAHAN na lalo pang dadami ang mga mangingisdang Chinese sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea matapos silang mapalayas sa kanilang fishing ground sa Vietnam at Indonesia. Ayon kina dating Anakpawis party-list Reps, Ariel Casilao at Fernando Hicap, walang ibang pupuntahan ang mga dayuhang mangingisdang ito kundi sa WPS kaya lalo silang kinakabahan na mabilis mauubos ang isda sa ating territorial water. Sinabi ni Casilao na nagkakaisa na ang Vietnam, Indonesia at Malaysia laban sa Chinese fishermen na ilegal na nangingisda sa kanilang territorial water habang ang Pilipinas ay…
Read More