PINIGIL kahapon ni Defense Secretary Delfin N. Lorenzana ang plano ng gobyerno na mag-deploy ng dala-wang batalyon ng sundalo sa Middle East kaugnay ng repatriation ng Overseas Filipino Workers bunsod ng US –Iran tension. Ayon kay Lorenzana, ito ay bunsod ng posibleng peligro sa sitwasyon sa mga bansang pupuntahan bukod pa sa makasisikip ang mga sundalo sa barkong pagsasakyan ng mga ililikas na OFWs. Pahayag pa ni Lorenzana na siya ring chairman ng committee on the repatriation of Filipinos in the Middle East, iminungkahi nila kay Pangulong Duterte na huwag…
Read MoreAuthor: admin
GEN. CASCOLAN, NAGPALAYA KAY PAROJINOG?
(Ni: NELSON S. BADILLA) SI Lt. Gen. Camilo Prancatius Cascolan ba ang dapat managot sa Quezon City – Regional Trial Court (QC-RTC) hinggil sa pagpapalaya kay Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog noong Nobyembre 2018 nang walang pahintulot ang korte? Biglang naging mainit na paksa sa Camp Crame ang posibleng papel ni Cascolan sa anomalya hinggil sa pagpapalabas kay Parojinog noong Nobyembre 12, 2018 mula sa Philippine National Police-Custodial Center (PNP-CC) sa Camp Crame dahil si Cascolan ay The Chief Directorial Staff (TCDS) ng pambansang pulisya sa nasabing petsa.…
Read MoreFACE MASK, NAGKAUBUSAN
PAHIRAPAN sa pagbili ng face mask ang publiko kahapon kasunod ng makapal na abong ibinuga ng Bulkang Taal. Bukod sa nagkaubusan umano, pumalo rin ang presyo ng face mask mula sa dating P90 ay naging P200 partikular ang N95 na sinasabing naaangkop gamitin sa sitwasyon. Bunsod ng mga reklamo, nagpakalat ng team ang Department of Trade and Industry (DTI) para bantayan ang presyuhan ng face mask sa merkado. Sa abiso ng DTI, nakatangap sila ng sumbong na biglang nagmahal ang presyo ng N95 masks at gas masks sa mga tindahan.…
Read MoreKULONG, MULTA SA ABUSADONG NEGOSYANTE
NAGBABALA si ACT-CIS Party-list Representative Nina Taduran sa mga negosyante na huwag samantalahin ang sitwasyon sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal dahil maaari silang makulong at magmulta. Inabisuhan ng mambabatas ang mga may-ari ng pharmacies, groceries, hardwares, tindahan at iba pa na huwag magsamantala sa pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng Bulkang Taal sa Batanggas. Bukod sa babala ni House Asst. Majority Foorleader Rep. Taduran ay nanawagan din ito sa mga water conces-sionaire na tiyaking walang water shortage sa gitna ng sitwasyon. Ayon kay Rep. Taduran, nakarating sa kanyang kaalaman na…
Read MoreALMAZAN MALABO SA GAME 4? MERALCO DELIKADO
WALA pang resulta ang isinagawang test kay Meralco big man Raymond Almazan, na na-injured ilang minuto pa lang sa unang bahagi ng Game 3 konta Ginebra noong Linggo. Kaya wala pang katiyakan kung makapaglalaro ang 6-foot-8 center bukas (Miyerkoles) sa Araneta Coli-seum. Ang sigurado, delikado ang Meralco kung hindi makababalik sa Game 4 at 5 ang ka-nilang alas na si Almazan sa 2019 Governors’ Cup Finals. Alanganing bumagsak si Almazan anim na minuto pa lamang sa first quarter ng Game 3 sa pagitan ng Bolts at Gin Kings. Agad siyang…
Read MoreAKTIBIDAD NI PDUTERTE IPINAGPALIBAN
BUNSOD ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal ay kinansela kahapon ng Malakanyang ang official schedule ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nakatakda sana ngayon, Enero 14. Nakatakda sanang pangunahan mamayang hapon ni Pangulong Duterte ang event na Distribution of Benefits to Rebel Returnees sa San Isidro Civic Center (SICC), San Isidro, Leyte. Layunin naman ng pagkansela at muling pagtatakda sa ibang araw ng nasabing event ay ang tiyakin na ligtas ang pagbyahe at maayos ang preparasyon ng mga opisyal na may kinalaman sa engagement na ito ng Pangulo sa…
Read More30TH SEAG FACILITIES NATABUNAN NG ASHFALL
MAGING ilang pasilidad na pinagdausan ng 2019 Southeast Asian Games ay hindi nakaligtas sa galit ng bulkang Taal. Natabunan ng ashfall ang Tagaytay Skatepark na katatayo pa lamang at ginamit sa nakaraang SEA Games. “As of 8am of January 13, Tagaytay Skatepark is now filled with ash from the Taal volcano’s eruption,” ulat ni Skateboarding and Rollerskate Association of the Philippines (SRAP) president Monty Mendegoria. Base sa ipinadalang larawan ni Mondegoria kay woment’s cycling coach Marties Bitbit at nai-post ni Philippine Sports Commission Deputy Executive Director Atty. Guillero Iroy Jr.…
Read MoreBATAS SA PAUPAHAN (RA No. 9653)
KAILANGANG muling talakayin ang isyu ng Republic Act 9653 o “Rent Control Act of 2009” dahil sa dami nang nagpadala ng e-mail sa inyong lingkod upang magtanong. Para sa kaalaman ng milyon-milyong Filipino lalo na ang mga nangungupahan (rent-er) at maging nagpapaupa (landlord/lessor) ang RA 9653 ay naisabatas matapos lag-daan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Hulyo 14, 2009. Ang tinutukoy na paupahan ay residential unit tulad ng apartment, bahay at tirahan tulad boarding houses, dormitories, rooms at bed spaces at iba pa lang espasyo na ini-aalok na maging…
Read MoreGRABE KA BT
NABIGLA lahat sa pag-alburuto ni BT as in Bulkang Taal dahil walang nag-aakala na sasabog ang bulkang ito ng ganoong kabilis na pumuwerhuwisyo, hindi lamang sa lalawigan ng Batangas kundi sa mga karatig lugar kasama na ang Metro Manila. Sana walang magsisihan dahil sa tingin naman nating lahat ay biglaan ang pagsabog ni BT na ayon nga sa mga Batangueno ay parang bata na hindi alam kung kailan su-sumpungin. Kahit ang Local Governent Units (LUGs) sa Batangas ay nagulat sa biglang pagsab-og ni BT dahil maging ang Philvocs ay mistulang…
Read More