PANIBAGONG tagumpay na naman para sa Bureau of Customs (BOC) ang pagkakadoble halos ng target collection ng Port of Dadiangas noong nakaraang Disyembre. Sa ulat ni Dadiangas Port Collector Elenita Abaño, mayroon silang kabuang revenue collection na P337, 522, 691 hanggang Disyembre 27, 2019. Ayon pa kay Abaño, noong 2018 ay may koleksyon na P114,566,584 ang Port of Dadiangas kung kaya ang target collection para sa 2019 sa P222,956,107 subalit nalagpasan pa ito kung kaya naitala sa 149% ang itinaas ng kanilang nakalap na buwis sa nasabing port na subport…
Read MoreAuthor: admin
ADAMSON’S JOHN FIGUEROA UNA SA UAAP 82 MVP RACE
SORPRESANG nangunguna si Adamson High School’s do-it-all swingman John Figueroa sa MVP race matapos ang first round ng UAAP UAAP Season 82 High School Boys’ basketball tournament. Ang 6’2” at Grade 11 na si Figueroa ay nakaipon ng 68.86 statistical points (SPs) buhat sa 12.14 points, 14.29 rebounds, 1.86 assists, 1.43 steals at 1.43 blocks kada laro. Inakay din ni Figueroa, tubong Pampanga, ang Baby Falcons sa 4-3 record, katabla ang Ateneo High School sa ikatlong pwesto. Nasa likuran niya si National University-Nazareth School big man Kevin Quiambao na may…
Read MoreP5-B KOLEKSIYON SA 2019
Hamon nalampasan ng BOC Subport of Dumaguete MAHIGIT P5 bilyon ang nakolekta sa duties and taxes ng Bureau of Customs (BOC) Sub-port of Dumaguete sa taong 2019. Ayon kay Dumaguete Customs Collector Fe Lluelyn G. Toring, ang kanilang actual collection ay P5.061 bilyon na maituturing na 15.78% mas mataas sa adjusted target collection na P4.371 bilyon. “At the start of the year, the Customs Office in Dumaguete was assigned a challenging P3.8 billion target collection. However, by the second semester of Calendar Year 2019, it was adjusted to P4.371 billion-plus,”…
Read MoreWATER SERVICE KAY VILLAR MAS LALALA
(BERNARD TAGUINOD) HINDI lang mas mahal, lalong lalala ang serbisyo kapag ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kaalyadong si dating Senate President Manny Villar ang water distribution service sa Metro Manila. Ito ang babala ni dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao na tutol na ipasa sa pribadong kumpanya ang water service distribution kapag hindi kinagat ng Manila Water at Maynilad ang bagong water contract na binuo ng mga economic manager ni Duterte. Hindi isinasantabi ng dating mambabatas ang posibilidad na ibibigay ni Duterte sa Prime Water Infrastructure Corp., na…
Read MoreLENI PANG-FAKE NEWS
Para kay Leni Robredo ay 1% lamang umano ang epekto ng war on drugs ng pamahalaan. Ngayon sino naman ang maniniwala sa kanya? Anong nangyari sa milyon-milyong sumuko sa pamahalaan? Ano na ang libo-libong naka-graduate sa mga rehabilitation center? Ano na ang bilyon-bilyong pisong nakumpiskang ilegal na droga? Ano na ang mga druglord, drug pusher at drug user na napaghuhuli ng awtoridad? Ano na ang bumukas na kooperasyon ng iba’t ibang bansa ukol sa mga international syndicate ng droga? Mukhang naging bulag at bingi na ang bise presidente. Sa katunayan,…
Read MoreTATLONG BAYAN MAGMIMISTULANG ‘GHOST TOWN’ SA PAGPUTOK NG BULKANG TAAL
POSIBLENG maging ‘ghost town’ ang tatlong bayan sa paligid ng bulkang Taal sa Batangas kasunod ng pagsabog nito kahapon ng tanghali matapos ang sunud-sunod na paglindol at pagbuga ng usok. Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, dakong alas-11 ng umaga nang dumami ang naitalang volcanic earthquakes kasabay ng pagtaas ng tinatawag na steaming activities sa crater nito. Umabot aniya ng isang kilometro ang taas ng pagsabog o phreatic eruption kaya’t minabuti nang itaas ang Alert Level 3 sa bulkang Taal. Inirekomenda rin ng Phivolcs ang paglilikas sa mga residente sa…
Read MorePAGLABAN SA NAGBABADYANG KRISIS SA SUPPLY NG TUBIG
HABANG ang lahat ay nakatutok sa kontrobersiyang dala ng mga Concession Agreement (CA) ng Maynilad Water Services, Inc. at ng Manila Water Co., isang matinding krisis naman ang pinaghahandaan ng dalawang nasabing kumpanya. Bunsod nang nananati¬ling kritikal na lebel ng Angat Dam ay nanganganib na makaranas ng malubhang kakulangan sa supply ng tubig ang Metro Manila kasama ang ilang mga lugar sa Rizal, Laguna, Cavite, at Bulacan. Tinatayang nasa bilang na 16.5 milyong konsyumer ang maaaring tamaan ng nakaambang na krisis sa supply ng tubig sa bansa. Sa kasalukuyan, 97%…
Read MoreCARDINAL TAGLE GAMIT SA SCAM
GINAGAMIT umano ng sindikato sa kanilang multi-million donation scam ang pangalan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle para makapangalap ng pera sa pamamagitan ng text messaging. Nabulgar sa publiko ang modus operandi ng sindikato matapos na maglabas ng babala ang ilang telecommunication company sa bansa na nagsasabing huwag maniwala sa text na nanghihingi ng donasyon para kay Cardinal Tagle sapagkat iyon ay ‘scam’. Sa mensahe ng Globe at TM sa milyon-milyon nilang subscriber, nilinaw nito na modus at peke ang donation drive na kumakalat sa pamamagitan ng text message.…
Read MoreSERENA WILLIAMS KAMPEON ULIT
IBINIGAY ni Australian Open champion Serena Williams ang napanalunang prize money sa Australian bushfire victims. Maliban sa $NZ65,000, dinoneyt din ni Williams sa auction para pa rin sa Australian bushfire relief ang may signature na damit na isinuot niya sa unang round ng WTA Auckland Classic. Matapos ang tatlong taon na paghihintay ay muling nagkampeon sa WTA si Williams nang talunin sa Auckland finals si Jessica Pegula 6-3, 6-4. Target ng 38-anyos na tournament top seed na mapantayan ang record ni Margaret Court na 24 Grand Slam titles sa Melbourne…
Read More