SASANDIGAN ng bansa sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol sa darating na 2020 Fiba 3×3 Olympic Qualifying Tournament. Ang dalawa ang nangungunang 3×3 Filipino players, na inaasahang magbibitbit sa national team patungo sa pinaparangap ng lahat na Olympic gold. Kabilang din sa national pool sina Dylan Ababou, Karl Dehesa, Leonard Santillan, Chris De Chavez, Gab Banal, Jaypee Belencion, Leo De Vera, at Ryan Monteclaro. Base sa Fiba 3×3 rules, apat lamang sa anim na players ang magiging parte ng koponan na dapat nakatipon ng sapat na puntos mula sa mga…
Read MoreAuthor: admin
PALASYO SA MGA KAWANI NG GOBYERNO: DAGDAG-SAHOD TUMBASAN NG SIPAG
POSITIBO ang Malakanyang na magsisilbing panghikayat ang panibagong adjustment sa suweldo ng mga kawani ng pamahalaan para doblehin pa nila ang kanilang sipag at mas maging dedikado sa kanilang pagtatrabaho sa ngalan ng serbisyo publiko. Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo kasunod ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Salary Standardization Law of 2019 na una nang sinertipikahan ng Presidente na urgent. Kung tutuusin aniya ay hindi na rin nagpapahuli ang tinatanggap na kompensasyon ng mga taga-gobyerno sa sinusuweldo ng mga nasa pribadong sektor. Aniya, ito ang…
Read MoreGINEBRA, DOUBLE-EFFORT SA GAME 2
KAHIT pa may bentahe bilang crowd-favorite, tanggap ni Barangay Ginebra coach Time Cone na kailangang kumayod ng husto ang kanyang players upang makuha ang pangalawang sunod na panalo sa kanilang PBA Governor’s Cup Finals best-of-seven series ng Meralco Bolts. Tatangkain ng Gin Kings na makaungos ng dalawang laro laban sa Bolts sa Game 2 na gaganapin alas-7 ng gabi sa Quezon Convention Center sa Lucena, Quezon. Aminado si Cone na parang ping-pong ang magiging takbo ng laro ng dalawang koponan at tanging sa huling tagpo na lang magkakaaalaman ng magiging…
Read MoreSHARON KAY KC: I MISS YOUR PRESENCE IN MY LIFE
Para sa mga malalapit sa Megastar Sharon Cuneta, mabigat sa puso ang pinagdadaanan nila ng kanyang anak na si KC Concepcion. Idinaan ni KC ang pagbati sa birthday ng ina sa social media post nito – kaya habang nagpasalamat si Sharon sa gesture na ito ng panganay niyang anak, nasabi niyang “I would have loved it most if I could have had a tight huh and heard a “Happy Birthday, my Mama, I love you.” Or a beautiful heartfelt card like those you used to write me. Or a phone…
Read MoreNA-MISS KO SI KISSES
Naku hindi ako makaka-attend ng presscon ng D’Ninangs nila AiAi delas Alas at Kisses Delavin. Sayang, sana nagkita uli kami ni Kisses at mother niya para malaman ng fans na hindi kami magkaaway. Isang misunderstanding lang iyong naganap, na ewan ko bakit binigyan ng malisya ng iba, alaga ni Rams David si Kisses. Love ko si Rams kaya imposible na magkaroon kami ng gap ni Kisses. Hay naku, nakatutuwa naman na meron siyang pelikula na si Aiai pa ang kasama kaya sana maging successful ang D’Ninangs na sabi ni Mother…
Read MoreAGA: ‘HINDI KO PINAGBABAWALAN ANG ASAWA KO!’
Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto na raw muling magbalik ni Charlene Gonzalez-Muhlach sa telebisyon ayon sa asawang si Aga Muhlach. Matatandaan na huli naming nakasama si Charlene bilang co-cost sa The Buzz noong 2013. “Oo nga, sana nga eh. Nananawagan ako, sinasabi ko lang lahat sa inyo na hindi ko pinagbabawalan ang asawa ko. May feeling kasi sila na pinapatigil ko siya. Hindi, hindi ko siya pinapatigil. Talagang kusa na lang ‘yon na nangyari, sa pagkakaroon ng family and she was having fun. Nami-miss niya rin kayong lahat. I…
Read MorePALASYO NAKIISA SA MGA DEBOTO NG NAZARENO
NAKIISA ang Malakanyang sa sambayanang Filipino lalo na sa mga sagrado katoliko at deboto ng Mahal na Poong Itim na Nazareno sa madamdamin at debosyonal na pagdiriwang mg Kapistahan ng Black Nazarene. Ang taunang selebrasyon na ito ay matibay at patuloy na pagpapaalala sa malalim at pangmatagalang relasyon ng sambayanang Filipino sa Poong Maykapal. Ani Presidential spokesperson Salvador Panelo, isa itong magandang oportunidad para patatagin ang Christian ties ng isa’t isa. “And move us to a spiritual awakening and rebirth that will contribute enormously to having a peaceful Philippines,” ayon…
Read MoreDOE AT DOF SINISI SA MAHAL NA KURYENTE
NANINIWALA si Senador Sherwin Gatchalian na kasalanan ng Department of Energy (DOE) at Department of Finance (DOF) kung bakit hanggang ngayong Enero ay mataas ang babayarang kuryente ng bawat pamilyang Filipino. Tinumbok ni Gatchalian, pinuno ng Senate Committee on Energy, ang “Murang Kuryente Act” ay dapat nagsimula ang epekto simula Disyembre sa nakalipas na taon “if only an IRR had been issued [by] the Department of Energy (DOE) and the Department of Finance (DOF) [on] November 27 last year or 90 days after the effectivity of the law.” Ang IRR…
Read MoreLAKERS LALAYASAN DIN NI DAVIS
WALANG plano si Anthony Davis ng Los Angeles Lakers na magtagal sa nasabing koponan. Ito ay kung pagbabasehan ang pagtanggi niya sa $146 million maximum extension offers ng Lakers. Nabatid na nais ni Davis na maging unrestricted free agency pagdating ng Hulyo. Mayroong $28.7 million player option sa 2020-21 NBA season ang bagong superstar ng Lakers. Ngayong season ay naga-average siya ng 27 points, 9 rebounds, 3 assists at 2 blocks. Samantala, nagkaroon ng bruised sacrum si Davis makaraang patihayang bumagsak matapos niyang tangkaing i-block si Julius Randle ng New…
Read More