MALAKING hamon ngayon sa Department of Education (DepEd) ang pagbawas sa kanilang pondo para sa Basic Education Inputs program sa inaprubhang General Appropriations Act (GAA) 2020, partikular sa pagpapatayo ng mga bagong gusali nito na tiyak na makaaapekto nang malaki sa bilang ng mga estudyante sa bawat classroom sa mga darating na taon. Gayunman, ikinagalak ni DepEd Secretary Leonor Briones na nakapaloob sa inaprubahang GAA ang salary increase para sa teaching at non-teaching na kawani ng ahensiya epektibo ngayong January 2020 na aniya ay malaking inspirasyon sa halos isang milyong…
Read MoreAuthor: admin
RIZAL MEMORIAL COLISEUM: BAGONG TAHANAN NG UAAP, NCAA, PBA?
MATAPOS ang 30th Southeast Asian Games sa bansa, aktibo na muli ang bagong-bihis na Rizal Memorial Coliseum. Katunayan, ilang importanteng events ang nakatakdang mapanood dito ngayong taon kabilang na ang UAAP at NCAA. “We are very optimistic. There are a lot of events lined up in our calendar and we are excited to host them here inside this historical coliseum,” saad ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez sa isang press release. Maging ang PBA ay hindi malayong mapanood na rin sa makasaysayang coliseum. Ang Rizal Memorial Coliseum ay…
Read MoreLEGALIDAD NG ANGKAS NAUNGKAT
Solon nilinaw na wala pang batas para sa motor taxis WALA pang batas na nagbibigay ng karapatan sa mga motorcycle taxi tulad ng ino-operate ng Angkas na mamasada. Ito ang napag-alaman kay PBA party-list Rep. Jericho Nograles matapos hindi aksyunan ng Senado ang kanilang counterpart bill na magbibigay ng kaparatan na gawing public utility vehicle (PUV) ang mga motorsiklo. “Ang legal status ng motorcycle for hire ay wala pa talaga silang totoong prangkisa at nasa test mode pa sila,” ani Nograles. Ngayong 18th Congress ay may 14 panukalang batas na…
Read MoreGIRIAN SA CLEARING OPS
Winalis na sagabal sa Traslacion, nagbalikan MUNTIK mauwi sa gulo ang clearing operations ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at Manila City Hall sa ilang lugar na daraanan ng Traslacion ngayong Huwebes nang pumalag ang ilang residente. Kahapon ng umaga ay muling nilinis ng mga tauhan ng city hall at pulisya ang ilang kalsada matapos magbalikan ang mga binaklas na obstructions kamakailan kabilang ang mga vendor. Unang sinuyod ng mga miyembro ng Hawkers ng Manila City Hall ang paligid ng Quiapo Church kung saan nasita ang mga bumalik…
Read MoreDEPENSA NG MERALCO ‘DI UMUBRA SA GINEBRA
IT takes two to tango. Ganito rin sa basketball kung saan pinatunayan ng Barangay Ginebra na hindi sila mapipigilan ng depensa lang ng Meralco Bolts. “Ginebra does a good job clogging the paint defensively. They want you to shoot from the outside. Normally, we do a very good job of shooting at the high percentage. But today, we did not,” wika ni Meralco coach Norman Black makaraan ang Game 1 nila ng Ginebra. “I thought that hurt us a great deal. Even if we had some open looks, we just…
Read MorePANIWALA NG MAYORYANG PINOY, AYON SA SWS: PNP TOTOONG MAY NINJA COPS
MARAMI pa rin sa mga Filipino o 78% ang naniniwalang mayroong tinatawag na “ninja cops” sa Philippine National Police (PNP). Bahagi ito ng resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) simula noong Disyembre 13 hanggang 16 ng nakaraang taon. Ang ninja cops ay ang mga pulis na sinasabing nagbebenta ng mga nasamsam na ilegal na droga mula sa mga nakumpiska sa bawat operasyon nito. Sa nasabing survey, pitong porsyento ang hindi naniniwala sa akusasyon habang 15 na porsyento naman ang “undecided” o walang maisagot sa usapin. Samantala, aabot…
Read More160 PEDOPHILES BLACKLISTED SA PINAS
HINDI na pinahihintulutang makapasok sa bansa ang 160 foreign sex offenders, ayon sa kautusan ng Bureau of Immigration (BI). Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni BI port operations division chief Grifton Medina, sinabi niya na ang nasabing bilang ng registered sex offenders (RSOs) ay blacklisted na sa bansa mula noong isang taon. Ayon sa opisyal, bahagyang mas mataas ang bilang nito kumpara noong 2018 na may 145 aliens lamang. Ang RSO ay ang mga dayuhan na nasentensiyahan ng sex crime sa kanilang bansa o nakalabas lamang sa kulungan…
Read MoreSHARON SA PELIKULA, MARYA SA TV
Una na nating naibalita rito na gagawa ang megastar Sharon Cuneta ng apat hanggang limang pelikula raw. Hindi naman siguro isiisiksik lahat ito sa iisang taon. Basta ang unang pelikula ay tampok silang mag-ina ni Frankie Pangilinan ay nakatakdang ipalabas sa Mothers’ Day. Kung ang Megastar ay tutok sa pelikula, ang Diamond Star naman ay sa TV magcoconcentrate. Nabalitaan natin na kasama siya sa bagong teleserye na papalit sa “Kadenang Bulaklak” na nakatakdang magtapos sa February. Nakaka-excite ito dahil nakatakdang makasama ng Diamond Star ang pawang magagaling at premyadong mga…
Read MoreREP. VELASCO APRUB SA DRUG WAR NI DUTERTE
Ama isinabit ni De Lima sa ilegal na droga (PFI Reportorial Team) IPINAGTANGGOL ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang anti-drug campaign ng Duterte Administration sa harap ng pagbatikos dito ni Vice President Leni Robredo. Katwiran ni Velasco, 79% ng Pinoy ang satisfied sa anti-drug campaign batay na rin sa Social Weather Station (SWS) survey. Banggit pa ng kongresista, mula nang ilunsad ang drug war noong 2016 ay naging mas ligtas ang mga kalsada at mas nararamdaman ng mga Filipino ang sense of security. Sa MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan)…
Read More