Inilahad na datos sinalungat ng PNP (Nina JESSE KABEL at BERNARD TAGUINOD) MAITUTURING na ‘kuryente’ ang impormasyon na isiniwalat ni Vice President Leni Robredo kamakalawa hinggil sa war on drugs ng pamahalaan matapos itong salungatin ng Philippine National Police (PNP). Kasabay nito ay inamin ni PNP Officer in charge Archie Gamboa na lubha silang nasaktan sa pahayag ni Robredo na nabigo ang pamahalaan sa kanilang war on drugs. Kinuwestyon din ni Gamboa ang hawak na datos ni Robredo. “With all due respect, I beg to disagree with the public relations…
Read MoreAuthor: admin
KONTRATA O DEMANDA?
Maynilad at Manila Water ginisa ni Digong sa sariling mantika MISTULANG ginisa sa sariling mantika ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Maynilad at Manila Water makaraang bigyan ang mga ito ng opsyon para mapanatiling hawak ang operasyon ng suplay ng tubig sa bansa. Ani Presidential spokesperson Salvador Panelo, kabilang sa opsyon ng Pangulo ay ang tanggapin ng mga water concessionaire ang bagong kontrata na walang garantiya na hindi sila kakasuhan kasama ang iba pang kasabwat sa paggawa ng onerous contracts na para sa pamahalaan ay “void ab initio” dahil sa…
Read MoreNAPAKASAYANG PASKO NG SMP (DAGUPAN)
IPINAGDIRIWANG namin bawat taon ang pagsasara ng taon at pagsalubong sa bagong taon sa Pangasinan (lalawigan ng aking maybahay). Syempre, napakasaya na magkita-kita, magsasamang muli at magdiwang ang angkan ng Toledo (apelyido ng maybahay ko noong dalaga pa siya) sa pagsasara ng 2019 at pagsalubong sa 2020. Sa pagpunta ng pamilya ko sa Pangasinan, nasaksihan ko rin ang pagdiriwang ng Pasko ng mga mangingisda sa lungsod ng Dagupan. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng Christmas party ang mga mangingisdang kasapi ng Samahan ng Mangingisdang Pantal (SMP). Matagal na ang mga maliliit…
Read More2020 – DOJ CASES REPORT!
Dahil po siguro sa pangungulit ng inyong kabalat mga ka-Saksi, mahigit sa apat na libong mga kaso po mula sa mahigit labing apat na libong mga kaso na naka-apila sa Department of Justice ang naresolba na ng ahensiyang ito ng pamahalaan. Ito po ang nakuhang impormasyon ng inyong kabalat mula kay DOJ Assistant Secretary Neal Vincent M. Bainto na nagsabi na ang mga naturang kaso ay ang pinagsamang petition for review at motion for reconsideration na inihain sa Kagawaran ng Katarungan mula Luzon, Visayas at Mindanao. Bagaman mayroong nagawa o…
Read More4 DURUGISTA NALAMBAT
KALABOSO ang apat na drug personalities na nabulagang nakikipagtransaksyon at bumabatak ng ilegal na droga makaraang inguso sila sa Caloocan City. Kinilala ang mga dinakip na sina Khay Taule, 31; Arnold Nuevo, 36; Jomel Bawag, 32, at Carlito Ocampo, 40, pawang ng Libis Baesa, Brgy. 160. Ayon sa ulat ng pulisya, alas-4:30 ng hapon nang may magnguso sa mga parak hinggil sa nagaganap na transaksyon ng ilegal na droga sa 700 Libis Baesa, Brgy. 160. Pagpunta ng mga parak sa naturang lugar, nakita ang dalawa sa mga suspek sa harap…
Read MoreHOLDAPER NG BANK TELLER BUMULAGTA SA PARAK
BUMULAGTANG walang buhay ang isang hinihinalang holdaper habang nakatakas naman ang kasamahan nito matapos na manlaban sa mga awtoridad kaninang madaling araw sa lungsod ng Quezon. Inilarawan ni Quezon City Police District (QCPD) director, P/Brig. Gen. Ronnie Montejo, ang napatay na holdaper na may taas na 5’1″, slim built, fair complexioned, may tattoo na “RAD somo”, “VICTOR, Ely Roy”, at “Sputnik” sa iba’t ibang bahagi ng katawan, nakasuot ng itim na t-shirt, grey pants, red slippers, itim na mask at arm sleeves. Base sa ulat, dakong alas-12:45 ng madaling araw…
Read More4 PRESO NAKAPUGA, 2 PULIS ISINELDA
BACOLOD – Swak sa selda ang dalawang kawani ng Philippine National Police (PNP) matapos matakasan ang mga ito ng apat na preso sa kanilang binabantayang police station, habang pinagpapaliwanag naman ang kanilang hepe, iniulat kahapon ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang mga pulis na sina Police Corporal Orweyn Jade Nadado, desk officer, at Police Staff Sergeant Eric Olverio, mga tauhan ni Police Major Ruel Culanag, hepe ng Bacolod City Police Station 3. Batay sa report, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang makapuga ang mga inmate na kinilalang sina Sunny…
Read More1 PATAY, 4 SUGATAN SA AWAY SA TIANGGE
PATAY ang isang lalaki habang apat na iba pang vendors ang sugatan matapos mauwi sa pananaksak ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa sa limang sangkot na tindero sa gulo kaugnay sa renta sa kanilang pwesto sa isang tiangge sa Barangay Sto. Niño sa Marikina City, noong Lunes ng madaling araw. Sa paunang ulat ng Marikina City Police Station, kinilala ang namatay na si Kiram Olama Jabbar, 28, ng Mindanao Street, Maharlika Village, Taguig City, habang sugatan naman ang mga kasamahang vendor na sina Mohammad Yassin Arimao, 22, ng San Roque, Quezon…
Read MoreALL-OUT SUNDAY MATAAS ANG RATING
SWAK: Tuwang-tuwa ang mga taga-GMA 7 sa mataas na rating ng All-Out Sundays na nagsimula noong nakaraang Linggo. Ayon sa AGB-NUTAM naka-6.1 percent ito at 5.7 percent ang katapat na ASAP Natin ‘To. Pero ang claim naman ng ABS-CBN 2, ang ASAP naman daw ang nag-rate nang mataas. Ayon sa kanilang survey group na Kantar Media, nakapagtala ng 11.7 percent ang ASAP at 9.7 daw ang AOS. Nasa mga tao na ‘yan kung alin ang gusto nilang panoorin. Ang mahalaga, nag-enjoy ang mga televiewers sa mga magagandang panoorin sa TV…
Read More