FAN PINATULAN NI MAINE

Maine Mendoza-10

Grabe na talaga ang epekto ng social media ngayon ano? Sa Instagram, sa Twitter o Facebook na sila nag-aaway, at nagpapalitan ng opinyon. Eto na nga. Pinatulan na ni Maine Mendoza ang ipina-trending ng ibang fans na hashtag na #NoToArjoTheUser. Ewan ko naman kasi, bakit ayaw pa nilang mag-move on at tanggapin na karapatan naman ni Maine mahalin ang taong gusto niyang mahalin di ba? Kaya bilib din naman ako sa Eat Bulaga Dabarkad dahil sinagot niya talaga ito sa Twitter. Sino ba naman ang dapat na magtanggol sa taong…

Read More

MAS MARAMING AYAW KAY JULIE ANNE; GUSTO NILA SI CATRIONA KAY ALDEN

Main hosts sina Alden Richards at Julie Anne San Jose ng All-Out Stars, (AOS), ang bagong Sunday musikomedya ng GMA Network. Sa Twitter, merong pa-hashtag ang fans na #YesToJulie sa tambalan nila ni Alden, pero meron ding ayaw at nagpakulo ng #NoToJulie. Sa ratings game, wagi ang AOS sa NUTAM/AGB Nielsen, pero sa Kantar Media ay ASAP Natin ‘To (na nag-umpisa ng month-long celebration of its 25th celebration) ang panalo. Kapagkuwan ay merong #NoToArjoTheUser na tweets, pero mas trending ang pasiklab ni Maine Mendoza na #YesToArjo Naku, Tito KC! Ano…

Read More

3 MOUNTAINEERS MISSING SA MT. BALATUKAN

MT BALATUKAN

BUTUAN CITY – Nagkasa ng search and rescue operation ang City Disaster Risk Reduction and Management Office at Philippine Army kaugnay sa tatlong nawalang mountaineers na taga Nasipit, Agusan del Norte. Sa imbestigasyon ng Gingoog PNP, noong Enero 3 nang umakyat sa Mount Balatukan ang 13 mountaineers ngunit sampu na lamang ang nakababa sa Gingoog City noong Lunes. Naniniwala ang mga kasama nila na naligaw ang tatlo nang makaranas ng masamang panahon sa nasabing bundok. Dagdag ng PNP, walang koordinasyon sa pulisya at sa LGU ang grupo nang sila’y umakyat…

Read More

MAXINE: ‘DATI PIGIL NA PIGIL AKO, HINDI PWEDENG MAGING MALANDI!’

Kabado si Maxine Medina dahil sa online series na Beauty Queens. Makakasama ng dalaga sa proyektong ito na mapapanood sa iWant sina Gloria Diaz, Maris Racal at Winwyn Marquez. “Nagulat ako at the same time kinakabahan ako kasi nga si Ms. Gloria Diaz ‘to, na beauty queen pa. Tapos ako naman, feeling ko parang bumabalik na naman ako sa pageant, ‘yung kaba nang gano’n. Another role na naman ito na pwede kong gawing perfect this time. Pwede kong ma-feel at ma-confirm sa sarili ko na kaya ko naman palang gawin.…

Read More

ESKWELA, TRABAHO SUSPENDIDO SA MAYNILA SA ARAW NG TRASLACION

Traslacion by Kin Lucas

PANSAMANTALANG sinuspinde ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang klase sa lahat ng antas gayundin ang pasok ng mga empleyado ng gobyerno sa lungsod sa Enero 9 kaugnay sa Traslacion 2020, na dinadaluhan ng milyun-milyong deboto ng Itim na Nazareno. Sa Executive Order No. 2 na nilagdaan ng alkalde, sinuspinde rin ang trabaho sa lahat ng departamento, tanggapan at kawanihan sa Manila City government. Hindi naman kasama rito ang mga empleyado na ang trabaho ay may kinalaman sa peace and order, public services, traffic enforcement, disaster risk reduction and…

Read More

OVERTIME PAY AALISAN NG BUWIS

Senate President Pro-Tempore Ralph Recto

HINDI na kakaltasan ng buwis ang overtime pay sakaling maipasa ang panukala ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto sa  lahat ng empleyado sa gobyerno at pribadong sector. Sa pahayag, sinabi ni Recto na unang inihain ang panukala noong 15th Congress na may layunin na amyendahan ang tax code upang maisama ang ‘overtime pay’ sa mga tax-exempt item. Kahit inamin ni Recto na malaking kita ang mawawala sa gobyerno, pero kanyang ikinatwiran na kapag maraming pera ang manggagawa, mas sisigla ang consumer spending na kailangan ng ekonomiya. “This, in turn, would…

Read More

ANGKAS NILABAG ANG LTFRB CHARTER

(Nina NELSON S. BADILLA at BERNARD TAGUINOD) IPINAALALA kahapon ng Partido Manggagawa (PM) ang mismong itinakda at ipinag-utos ng charter ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bawal ang monopolyo sa pampublikong sasakyan, kabilang ang transportasyong motor taxi para sa mga mananakay. Ito ang tugon ng grupo sa maliwanag na paglabag ng ride-hailing app company na Angkas dahil sa nais nitong masolo ang negosyo sa nasabing uri ng transportasyon. Idiniin ni Wilson Fortaleza, tagapagsalita ng PM, na “ang charter mismo ng LTFRB grants no monopoly to public transportation.”…

Read More

PNP KINALAMPAG SA PAMAMASLANG SA MAGSASAKA

Rep Argel Cabatbat

NAIS ipasiguro sa pulisya ng isang mambabatas ang kapakanan at kaligtasan ng maliliit na magsasaka kasunod ng pamamaslang sa 35-anyos na si Andy Rivera sa Guimba, Nueva Ecija nitong bagong taon. Kilala umanong mabuting residente sa kanilang barangay si Rivera na isang small time farmer at walang criminal records kaya malaking palaisipan para kay Magsasaka Party-list Rep. Argel Cabatbat kung bakit ito pinatay. Ayon kay Rep. Cabatbat, nakaaalarma ang mga nangyayaring pagpatay sa hanay ng mga magsasaka partikular iyong maliliit na halos sa kanilang sinasaka umaasa ng ikabubuhay. Idinagdag ng…

Read More

P20-B CCTV NG DILG BUSISIIN

DILG-CCTV

(Ni Estong Reyes) NAGHAIN ng isang resolusyon si Senador Leila De Lima upang paimbestigahan sa Senado ang implementasyon ng Phase 1 ng Chinese-funded “Safe Philippines Project” na maglalagay ng mahigit 10,000 closed-circuit television (CCTV) security camera sa mga pampublikong lugar sa Metro Manila at Davao City. Sa paghahain ng Senate Resolution No. 275, hiniling ni De Lima sa kasamahan na imbestigahan ang inisyal na implementasyon ng kasunduan sa pagitan ng Department of Interior and Local Government at China International Communications and Construction Corp. upang matiyak na protektado ang pambansang seguridad…

Read More