MAYNILAD, MANILA WATER LUMAMBOT KAY PRES. DIGONG

PUNA

HINDI na raw sisingilin ng dalawang concessionaires na Maynilad at Manila Water ang bilyun-bilyong pisong kanilang napanalunan laban sa gobyerno ng ‘Pinas na nadesisyunan sa Singapore court. Siyempre, alam na ng taumbayan kung bakit. Nagalit kasi si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanila dahil wala silang inisip kundi pagkakaperahan. Sabi nga ng mga mambabasa ng Puna, dapat lang gamitan ng kamay na bakal ni Pangulong Digong ang mga negos­yante na nagpapatakbo ng tubig dahil pangunahing pangangailangan iyan ng taumbayan. Kaya sa galit ng pa­ngulo sa Maynilad at Manila Water ay hindi na sila pinayagan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na mag-extend ng kanilang kontrata hanggang 2037. Na ang…

Read More

ANG KATURUAN

FOR THE FLAG

Kapag may balitang may mga pari na nang-abuso ng mananampalatayang Katoliko e namumuhi ang mga tao. Normal na reaksyon po ‘yan. May mga kakilala akong tao na namolestya ng pari. May isa akong estudyante rin noon na namolestya ng pari. Maaaring nakakalimutan po natin na mga tao rin po sila, katulad natin sila rin po ay may pakiramdam. Ako po ay matagal nang hindi Katoliko ngunit palagay ko ay lubhang na-overestimate kasi ng taumbayan ang mga pari kung kaya’t kapag nagkamali sila ay ganu’n na lamang ang muhi ng mamamayan…

Read More

GUN BAN SA MGA LUGAR NA PINAGDAUSAN NG SEA GAMES HANGGANG SABADO PA

gunban

Mananatili ang pagpapatupad ng gun ban hanggang Sabado (December 14), kaya naman nagpaalala ang PNP sa mga gun owners na mananatiling suspendido ang Permits to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) sa Central Luzon, CALABARZON, Metro Manila, at lalawigan ng La Union. Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson Pol. B. Gen. Bernard Banac, anya ang hakbang ay bahagi ng security protocol na pinairal ng PNP sa pagdaraos ng SEA games, na opisyal nang nagtapos. Inihayag naman ni PNP OIC PLt. Gen. Archie Francisco Gamboa, na kahit natapos na ang palaro…

Read More

NAGBABAGANG SARAP SA CAMPFIRE SA KYUSI

CAMPFIRE

Maiba naman! Iyan ang dalawang salita na binibigkas natin sa tuwing naghahanap tayo ng makakain at makakainan kaya’t susundan naman ito ng mga salitang, “Doon tayo sa bago.” Kamakailan lamang ay sinadya namin ang bago sa aming mga mata at sa aming panlasa, ang Campfire na isang burger restaurant. Ito ay matatagpuan sa 23 Scout Limbaga St., Brgy. Laging Handa sa Quezon City. Bukas ito mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi kaya talaga namang tinatambayan ng marami. Homey ang feeling ng restaurant na ito dahil sa labas pa…

Read More

PEACE TALKS ULIT SA CPP-NDF

SIDEBAR

TAMA ang desisyon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na muling buhayin ang naudlot na usapang pangkapayaan ng pamahalaan sa National Democratic Front of the Philippines at sa Communist Party of the Philippines na siyang namumunong organisasyon sa NDFP. Disyembre 5 nang utusan ni Pangulong Duterte si Labor Secretary Silvestre Bello III na makipagkita muli kay CPP Founding Chairman Jose Ma. Sison sa The Netherlands para pag-usapan ang pagpapatuloy ng natigil na peace talks. Pinatigil ni Pangulong Duterte ang peace talks sa CPP-NDF sa gitna ng mga opensiba ng New People’s Army laban sa mga tropa ng…

Read More

SOBRA-SOBRANG GANID NAMAN NINYO!

BADILLA NGAYON

NAPAKARAMING probisyon sa kontrata ng Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc. sa pamahalaan nang isapribado ang distribusyon ng tubig sa mga residente ng Metro Manila at mga karatig lalawigan noong 1997 na siguradong makukuha ng mga ito ang bilyun-bilyong tubo. Sa talumpati ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go nitong Disyembre 9, idiniin nitong “Wala na ngang binabayarang corporate income tax ang concessionaires na ito dahil pinapasa na sa mga consumer, pagbabayarin pa nila ngayon ang taumbayan at ang gobyerno (P7.39 bilyon sa Manila Water at P3.4 bilyon…

Read More

ISO TRAINING SA SUBPORTS OF MACTAN, DUMAGUETE IKINASA

ISO TRAINING-2

DUMALO ang subports ng Mactan at Dumaguete sa isinagawang International Standard Organization (ISO) Workplace Management Training: 5s Workshop noong nakaraang Disyembre 2 hanggang 3. Layunin ng dalawang araw na pagsasanay na isinagawa ng Internal Qua­lity Management System Office (IQMSO) na maunawaan ng personnel ng subports ng Mactan at Dumaguete na i-apply ang mga hakbangin sa workplace management sa pamamagitan ng 5S Metho­dology. Sa nasabing training ay kabilang ang sunud-sunod na workshops ng Bureau na ibinigay para sa nasabing dalawang subports para sa kani-kanilang ISO Certification. Samantala, ang subport of Dumaguete ay nagsagawa ng kanilang annual Christmas outreach program na may temang,…

Read More

P7.4-M PEKENG YOSI NASABAT NG BOC PORT OF TACLOBAN

PEKENG YOSI

(Ni JOEL O. AMONGO) AABOT ng P7.4 milyong halaga ng pekeng sigaril­yo ang nasabat ng Bureau of Customs Port of Tacloban mula sa dalawang Chinese national sa Brgy. Nula-Tula ng nasabing siyudad noong Disyembre 8. Ang mga sigarilyong may kabuuang 369 kahon na may tatak na Mighty Cigarettes ay nasabat sa bayan ng San Miguel sa lalawigan ng Leyte at lulan ng sasakyang minamaneho ng isang Filipino driver. Dumaan umano ang minamanehong sasakyan ni Jorge Poraza Mantoa, 24-anyos, may-asawa, nakatira sa Brgy. Utap, Tacloban City, sa isang checkpoint sa nasabing lugar at nang masitang walang driver’s license ay natuklasan ang kargang mga sigarilyo ng kanyang sasakyan. Kinilala naman ang dalawang Chinese na­tional na sina…

Read More

SEAPORT INTERDICTION TRAINING ISINAGAWA

SEAPORT INTERDICTION TRAINING

BILANG bahagi ng The Bureau of Customs sa pagtutulak ng palitan ng impormasyon at mapahusay ang kakayanan ng Port of Limay, nagsagawa ng Seaport Interdiction Training of the Authority  sa Freeport Area of Bataan (AFAB) Administration Building, Mariveles, Bataan noong nakaraang Nobyembre 21. Pinangunahan ni Port of Limay District Collector Michael Angelo DC Vargas, kasama ng Special Agents mula sa Enforcement Security Service (ESS) ang mga dumalo sa naturang okasyon. Ang pagsasanay ay dinaluhan ng AFAB personnel maging ng mga kinatawan mula sa enforcement agencies, kasama si AFAB District Collector Michael Angelo DC Vargas na nagbigay ng maigsing mensahe sa mga dumalo rin…

Read More