AYON SA PINAKAHULING SURVEY NG SWS: ‘CHINESE WORKERS A SECURITY THREAT’

CHINESE WORKERS

(PeryodikoFilipino Reportorial Team) SUMASANG-AYON ang mga Filipino na banta sa pangkalahatang seguridad ang dumaraming Chinese nationals na nagtatrabaho sa Pilipinas. Batay sa pinakahuling nationwide poll ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Setyembre 27-30 sa may 1,800 adults, 27% ang mariing sumasang-ayon at 25% ang bahagyang sumasang-ayon na ang dumaraming Chinese nationals na nagtatrabaho sa bansa ay banta sa pangkalahatang seguridad. Naitala rin na karamihan sa mga Pinoy ay naaalarma sa dumaraming bilang, kung saan nasa 31% ang nagsabi na labis silang nag-aalala, 39% ang medyo nababahala, 19% ang…

Read More

PAKIKIISA SA DIGMA

FOR THE FLAG

ANG Filipino League of Advocates for Good ­Governance o FLAGG, na pinamumunuan ng inyong lingkod ay nananawagan sa ating mga kababayan na magkaisa sa likod ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nahaharap sa isang napakalaking hamon sa kanyang administrasyon. Ang hamon ay dulot ng kanyang pag-review sa kontrata ng mga water concessionaire na nadiskubre n’yang dispa­linghado, mapagsamantala, mapang-api at lubos na nagpapahirap sa ating mga kababayan. Ang Maynilad at Manila Water, na pag-aari ng pamilyang Ayala at Manny V. Pangilinan, ay nagkakamal ng daan-daang bilyong piso sa kabila ng kanilang palpak na serbisyo sa pagdi-distribute…

Read More

YORME ISKO, DAPAT TULARAN

Sa Ganang Akin

Noong isang linggo ay naanyayahan akong du­malo sa Pilipinas Conference at ang kanilang paksa para sa araw na iyon ay Environmental Stewardship. Marami ang dumalo sa nasabing forum na isinagawa ng Stratbase, at marami rin ang mga iba’t ibang paksang napag-usapan, kasama na rin dito ang tungkol sa sustainability. Isa sa mga dumalo rito ay ang kalihim ng DENR na si Roy Cimatu na siyang nagbukas ng programa at nagdala ng usapan para sa okasyon. Laking tuwa ko nang makita ko si Manila “Yorme” Isko Moreno na siyang nagsalita sa…

Read More

BAKIT MADALAS BINABAGYO ANG PILIPINAS?

BAGYO-5

Ganitong kahit papasara ang taong 2019, hindi pa rin tayo nililisan ng pagbisita ng mga bagyo gaya ng pagpasok kamakailan ng Bagyong Tisoy. Hindi lahat sa atin ay naiintindihan kung anu-ano ang mga bagay na may kinalaman sa bagyo. Bilang aming mambabasa, para sa inyo ay tutuklasin natin kung ano ang bagay na ito upang lubos nating maunawaan kung bakit madalas tayong binibisita ng bagyo. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), natural na pasukin ng bagyo ang Pilipinas dahil na rin sa napaliligiran tayo ng tubig.…

Read More

PROYEKTO PARA SA BULACAN, ‘WAG HARANGIN NI SEC. DOMINGUEZ

PUNA

LINAWIN po natin kung bakit lumalakas ang panawagan ng mga taga Bulacan kay Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III na ‘wag harangin ang international airport na itatayo sa lugar nila. Ang kalihim daw kasi ang dahilan kung bakit hindi matuluy-tuloy ang itatayong New Manila International Airport (NMIA) sa Bulakan, Bulacan. Ang groundbreaking ng 15 bilyong dolyares na NMIA project ay dapat isinagawa na nitong pagpasok ng buwan ng Disyembre subalit hindi ito natuloy. Noong nakaraang linggo sinabi ni Department of Transportation Sec. Art Tugade na nakabinbin pa sa…

Read More

MAGKAISA NA!

FOR THE FLAG

Ang 30th Southeast Asian Games (SEA Games) ay magandang oportunidad upang magkaisa na ang taumbayan, wala na ‘yang mga kulay-kulay, ideyolohiya at relihiyon. Iisang tinubuang bansa lamang naman tayo. Bakit kailangang magkawatak-watak? Upang humina, upang mamanipula. Panahon na ng digmaan para sa pagbabago. Digmaan laban sa droga, nandiyan na ‘yan. Digmaan kontra korapsyon nandiyan na rin ‘yan. Kailangangang makipagdigma laban sa kahirapan, laban sa mal-edukasyon, laban sa malnutrisyon at laban sa mataas na halaga ng mga basic utility. Wasakin na ‘yang mga nakasanayang nagpapahirap sa taumbayan. Buksan na ang mga…

Read More

DOMINGUEZ PINAKAKASTIGO KAY DIGONG

DUTERTE-DOMINGUEZ

‘Wag hayaang linlangin ang Filipino – Bulacan LGUs (PFI REPORTORIAL TEAM) Nananawagan kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang hanay ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Bulacan na agarang aksyunan ang pagkakabinbin ng itatayong inter­national airport sa kani­lang lugar, kasabay ng kahi­lingang kastiguhin si Department of Finance Sec. Carlos Dominguez III sa patuloy na pagharang umano nito sa proyekto. Ito ay matapos magsunud-sunod ang pagkakabunyag sa media ng patuloy na pagsilip ni Dominguez sa P735-B New Manila Inter­national Airport project na inaasahang reresolba sa pagluwag ng Ninoy Aquino International Airport…

Read More

HOLIDAY STRESS: PAANO MAIIWASAN?

Holiday stress

Dahil ilang araw na lamang ang bibilangin bago ang mismong araw ng Pasko, pihadong marami sa atin na sa ngayon pa lamang ay stressed na para sa paghahanda sa naturang okasyon. Totoo, “It’s the most wonderful time of the year,” pero sa ganitong sitwasyon ay dapat na maging kalmado pa rin tayo. HOLIDAY STRESS Alam ninyo ba’ng sa ganitong panahon din ay marami talaga ang nagkakasakit dahil sa stress? At bakit ba tayo nakararanas ng stress? Nagkakaroon ng stress dahil sa kawalan ng sapat na oras, pera o budget, at…

Read More

SIYENSA AT MATEMATIKA DAPAT ITURO SA FILIPINO, HINDI INGLES

DPA

HINDI na ako nagtaka sa resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA) na ang mga kabataan natin na pag-asa pa man din ng bayan ay nangulelat sa reading comprehension, science at matematika sa 79 bansang sumali. Papaanong hindi ito nakapagtataka, hirap ang teachers na turuan ang mga napakaraming estudyante sa isang silid-aralan. Noong panahon namin, marami na ang 25 estudyante sa isang klase pero ngayon 40 hanggang 50. Kahit ano’ng galing ng isang guro ay hindi nito matutukan ang ganitong napakaraming estudyante at bukod pa d’yan ay ipinapagawa sa…

Read More