KUNG mayroon kayong reklamo sa mga abusadong justice, judge o prosecutor, maaari n’yo na itong iparating sa tanggapan ng Judiciary Public Assistance Section (JPAS) sa Korte Suprema (KS). Bubuuin ang JPAS alinsunod sa Memorandum Circular 02-2019 na nilagdaan ni Chief Justice Diosdado Peralta noong Nobyembre 29 na ang layunin ay tiyakin ang “exigency of service and to address the needs of the general public” ng KS. Direktang nasa ilalim ng kapangyarihan ng tanggapan ng punong mahistrado ang JPAS. Binubuo ito ng Helpdesk Unit, Hotline Unit at Email Messaging Unit kung…
Read MoreAuthor: admin
MGA EHERSISYONG MAGPAPASIGLA SA UMAGA
MAGANDANG simulan ang umaga ng ehersisyo na gigising talaga sa daloy ng iyong dugo. Marami nang pag-aaral ang nakapagpatunay sa mga benepisyong hatid ng regular na pag-eehersisyo sa ating kalusugan, lalo na sa ating puso, baga, at mga buto at kalamnan. Kaya naman mainam talaga na ito ang pinakaunang gawin sa umaga. Narito ang ilan sa mga simpleng ehersisyo na talaga namang manggigising ng buong araw mo: JOGGING Ang simpleng paglalakad o pagtakbo o jogging sa umaga ay mabuti para sa kalusugan ng puso. Ayos ito gawin sa mga mapupunong…
Read MoreMARIJUANA GAMOT SA ECZEMA AT PSORIASIS
PARAMI na nang parami ang mga nagpapatunay na nakagagamot ng iba’t ibang klase ng sakit ang marijuana o ang cannabis, gaya ng eczema at psoriasis. Sinabi ng researchers sa University of Colorado na may isang compound sa nasabing droga na nakatutulong upang mapagaling ang mga karaniwang kondisyon sa ating balat. Nagsagawa ang scientists ng trials sa anti-inflammatory compound na ang tawag ay CBD (cannabidiol) na makikita sa cannabis. Sabi sa pag-aaral, hindi umano ito mapanganib o nakaka-high. Sinabi ni Dr. Robert Dellavalle, ang nanguna sa research na, “There’s a large…
Read MoreREGISTRATION NG SIM CARD SAGOT SA FAKE NEWS
PINUNA ng mambabasa ng Puna ang sobrang luwag ng social media sa ‘Pinas. Kaya naman puro fake news ang lumalabas. Sinasakyan naman ito ng mga tao na may personal agenda. Tulad ng isyu sa kikiam na ipinakain daw sa mga kasali sa SEA Games. Hindi naman pala kikiam ‘yun, sa halip ay manok pala. Itinaon pa ang paglabas ng mga isyung negatibo laban sa sarili nating bansa ay ang pagtitipon ng iba’t ibang mga bansa na nagmula pa sa Southeast Asia kasama sa naturang okasyon. Tanong tuloy ng mga mambabasa ng Puna, nakatulong ba sa Inang Bayan…
Read MoreSAKMAL NG OLIGARKIYA
Patuloy pa rin tayong umaasa at nangangarap na magkaroon ng kalayaan, sa ating pagda¬rasal at pananampalataya. Umaasa tayong isang araw ay magiging totoong malaya tayo mula sa pagkaalipin sa kahirapan, korapsyon, pang-aabuso at kaapihan. Ngunit wala pa rin tayong kalayaan magpahanggang ngayon. Sakmal ng oligarkiya ang ating mga hapag-kainan. Noong panahon ng mga Kastila, gamit ang relihiyon ay nakolonisa tayo, sinunog ang ating mga katutubong alaala hanggang sa loob ng 300 taon ang naiwang alaala na lamang ay ang ating pagiging masunurin sa dikta ng banyaga. Hinayaan nating buwisan tayo ng 50% ng mga banyaga sa ating mga sinasaka, alagang mga hayop…
Read MoreDELAY SA NMIA PROJECT PINALAGAN
Bulacan LGUs duda sa motibo nang pagharang ni Dominguez (PeryodikoFilipino Reportorial Team) UMALMA ang hanay ng local government units (LGUs) sa lalawigan ng Bulacan sa pagkakaantala ng groundbreaking ng $15-B New Manila International Airport project na nakatakda sana ngayong buwan dahil sa panibagong isyu umano na inilutang ni Department of Finance (DOF) Sec. Carlos Dominguez III. Ayon sa mga LGU, malaking tulong ang pagbubukas ng itatayong international airport sa bahagi ng kanilang turismo, trabaho at kabuhayan kung kaya huwag sana itong harangin ni Dominguez. Sa panayam ng PeryodikoFilipino sa ilang…
Read MoreIBAT’T IBANG PANALONG SARAP SA FRIULI TRATTORIA
(ANN ESTERNON) Tayong mga Pinoy na mahilig kumain ay palaging naghahanap hanggang maaari ng mga pagkaing masasarap kahit ang presyo nito ay may kamahalaan. Pero iba pa rin naman na makahanap tayo ng mga pagkain na sobra sa sarap pero ang presyo ay sasakto sa ating mga budget para kahit makarami ng kain ay uulit at uulit lamang dahil sulit na sulit ito. Dito lamang sa UP Village sa Quezon City ay may isang pizza parlor na talaga namang dinarayo ng marami. Ang kuwento, mura at masarap ang mga pagkain…
Read MoreTAGUMPAY NI SENADOR ZUBIRI ANG 14 NA GINTO SA ARNIS
Pinakamaraming nahakot na medalyang ginto ang Arnis na umabot sa 14 bukod pa sa apat na silver at dalawang bronze para sa kabuuang 20 medalya na isa ng record sa kasaysayan ng Southeast Asian Games. At ang tagumpay ng Arnis sa 30th SEA Games ay dahil na rin sa todong suportang ibinigay ni Senador Miguel Zubiri na siyang tumatayong presidente at chairman ng Philippine Eskrima Kali Arnis Federation (PEKAF) na siyang humalili sa Arnis Philippines bilang national sports association o NSA. Kinailangan ng isang senador gaya ni Zubiri na pag-isahin…
Read MorePANANATILI NI CAYETANO SA PAGIGING SPEAKER AGAD ANG ISYU
HINDI pa man natatapos ang anim na buwan sa pagiging speaker, pananatili agad sa pinakamataas na posisyon sa Kamara del Representantes ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang itinatambol ng kampo nito sa media. Naipasa lang sa Kamara noong Oktubre ang hinihingi ng Malakanyang na P4.1 trilyong pambansang badyet para sa 2020 ay pananatili ni Cayetano sa pagiging speaker ng Kamara hanggang Hunyo 30, 2022 agad ang itinutulak ng mga kadikit ni Cayetano, samantalang mayroong mga usapin sa ipinasang badyet na maaaring pagmulan ng korapsyon ng ilang opisyal at miyembro…
Read More