PORT OF CEBU NAG-INSPECTION SA ABANDONADONG CONTAINERS

PORT OF CEBU

Ininspeksyon ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Cebu sa pangunguna  ni Acting District Collector Atty. Charlito Martin Mendoza ang apat na abandonadong containers na naglalaman ng undeclared goods nitong nakaraang Oktubre 21, 2019. Kasama ni Mendoza ang mga kinatawan mula sa Plan Quarantine Service at Philippine Coast Guard (PCG) sa ginawang inspeksyon sa apat na abandonadong container vans na idineklarang oranges at naka-consign sa RAS Bacolod, Inc. Ayon sa report, sa kabila ng abiso, ang claimants/consignee ay hindi naghain ng ‘requisite import entry declaration’ dahilan upang ideklarang abandonado ang nasabing…

Read More

MGA DAPAT NA ITALAGANG SUSUNOD NA MAHISTRADO NG SC

PRO HAC VICE

Ano kaya ang kailangan upang mapagtanto o makita ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya napapansin ang kapakanan ng mga minority partikular na ang kanilang representasyon sa go-vernment agencies? Isa na rito ay ang sa hudikatura, kasi naman po napakahaba na ng panahon at ilang pangulo na rin ang nagdaan subalit ‘di pa rin nila nakikita o maisakatuparan ang isinasaad sa Tripoli Agreement, Bangsamoro Organic Law at iba pang mga kasunduan na nagsasaad na dapat mayroong karapat-dapat na kinatawan sa Supreme Court (SC) ang minorities. Hindi ko pinapangunahan ang pangulo…

Read More

KARMA SA MGA ‘PAMPANGA NINJA’

SIDEBAR

Kinailangan ng anim na taon bago dumating ang karma sa 13 dating miyembro ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force ng Pampanga Provincial Police Office kung saan dati ring provincial director ang nagbitiw na Philippine National Police chief PGen Oscar Albayalde. Si PMaj Rodney Baloyo IV ang dating hepe ng PAID-SOTF na ka¬makailan ay naging resource person sa Senate Blue Ribbon Committee kung saan nakita nina Senador Richard Gordon at Panfilo Lacson ang pagsisinungaling ng lider ng Pampanga “ninja cops” hinggil sa Nov. 29, 2013 operation sa Mexico, Pampanga.…

Read More

HAMON KAY GUINTO NG LTO

FOR THE FLAG

Pinupuri natin si Land Transportation Office (LTO) Law Enforcement Service Acting Director Clarence Guinto sa pagsakote sa may 12 mga umano’y fixer. Ngunit maliliit na mga isda po ito, boss. Bakit hindi sipatin ang tunay na malaking isda na matagal nang namamayagpag sa LTO? Ginoong Guinto, sa kabila ng matinding gigil ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa korapsyon ay hindi niya alintana sa LTO San Juan kung saan patuloy ang pamamayagpag ng sindikato sa loob. Isang nagngangalang Bong ng LTO San Juan ang kumikita ng minimum P100,000 kada araw at…

Read More

PNEUMONIA, GAANO KADELIKADO?

Pneumonia-1

Ang pneumonia ay isang uri ng lung infection na may antas mula sa pagiging mild hanggang sa maging malala ito na kinakailangan ng agarang pakikipag-usap sa doktor para agad na maagapan. Nangyayari ito kapag ang impeksyon ay nagiging sanhi upang ang air sacs sa inyong baga (alveoli ang itatawag dito ng inyong doktor) ay nagkakaroon ng fluid o nana. Ang kondisyon na ito ay masusundan ng dahilan para ang isang pasyente ay mahirapan nang huminga. Ito ay dahil kulang sa tamang hangin ang umaabot sa inyong bloodstream. Kahit sino sa…

Read More

ANG JEEPNEY BILANG MUKHA NG PINOY

Psychtalk

(Huling bahagi) Napagtanto ko, kahit naman siguro araw-araw mag-transport strike ay hindi na mapipigil ang paparating na pagbabago at nakatakdang kapalaran ng Pinoy jeepney. Kailangan na rin kasing umangkop sa malawakan at mabilis na mga pagbabago sa iba’t ibang antas at aspeto ng buhay Pinoy. Anupaman ang kahihinatnan ng usapin ng jeepney, mayroong isang matingkad na alaala o kaisipang lagi at lagi ay maiuugnay ko rito – ang katatagan ng ordinaryong Pinoy. Masasalamin sa mga imaheng may kaugnayan sa jeepney  ang mga pagsisikap ng mga Pinoy na umangkop at humarap…

Read More

SA LIBU-LIBONG PATAYAN SA WAR ON DRUGS PULIS NA IN-INQUEST, IILAN LANG

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Habang pinuputakte ng samu’t saring isyu ng anomalya ang Philippine National Police tulad ng raket sa Good Conduct Time Allowance o GCTA at sa recycling ng droga ng ninja cops ay sumulpot naman ang isyu ng kawalan ng inquest proceedings sa mga pulis na nakapatay sa madugong giyera laban sa droga ng rehimeng Duterte. Mahalaga ang inquest proceedings sa mga kaso ng pagpatay sa tokhang, dahil dito malalaman kung ang pagpatay ay makatarungan at hindi lamang simpleng pagpatay o brutalidad ng pulisya. Nalaman ng Bayan Muna na sa inaming 5,793…

Read More

FUEL MARKING PROGRAM UMARANGKADA

FUEL MARKING SYSTEM

(Ni Joel O. Amongo) Sinimulan na ng Department of Finance-Bureau of Customs (DOF-BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang  ‘first live marking’ ng petroleum products sa Seaoil Bulk Terminal sa Mabini, Batangas na bahagi ng implementasyon ng  Fuel Marking Program ng pamahalaan. Isinagawa ito noong  Agosto 2, alin­sunod  na rin sa inisyung Joint Circular No. 001-2019 na naging epektibo matapos ang publikasyon sa pahayagan noong Hulyo 5. Sa pamamagitan ng binuong Fuel Marking Task Force, anim na buwan ang paunang marking sa lahat ng petroleum products na makikita sa  domestic market…

Read More

P74,500 SMUGGLED CIGARETTES NASABAT NG BOC-PORT OF ZAMBO

SMUGGLED CIGARETTES-6

(Ni BOY ANACTA) Muling nakasabat ang Bureau of Customs (BOC)-Port of Zamboanga, kasama ang iba pang law enforcement agencies, ng  149 reams ng smuggled Cannon Menthol Cigarettes na may katumbas  na halagang P74,500 sa isinagawang anti-smuggling operation kamakailan. Ayon sa report nakasakay sa  MV Lady Mary Joy 1, isang pampasaherong bangka mula sa Jolo, Sulu ang naturang kontrabando na nasabat nitong Oktubre 17. Isang Warrant of Seizure and Detention (WSD) ang inisyu laban sa nasabing smuggled cigarettes dahil sa paglabag sa Executive Order No. 245, “Amended Rules & Regulations Governing…

Read More