Marami ang nag-iintriga sa magkapartner at magkasanggang-dikit na sina Bulacan Governor Daniel Fernando at Vice Governor Wilhelmino Sy-Alvarado na maghihiwalay daw ang dalawa, kesyo maglalaban daw ang mga ito sa mga hinaharap na panahon. Makailang beses nang ipinaliwanag ni Fernando na maganda ang kanilang samahan ng kanyang partner na si Alvarado at wala sa kanilang bukabularyo na sila ay mag-aaway at maghihiwalay. Pinabulaanan din ni Fernando ang mga intriga na si Alvarado umano ang nagpapatakbo ng Kapitolyo. “Uulitin ko, maayos ang aming pag-uusap ni Willy, nagkakasundo kami at nag-uusap kami…
Read MoreAuthor: admin
PAGHARAP SA PROBLEMA NG PRODUKTONG PLASTIK
Jerusalem, Israel – Paghahambingin ko ngayon ang pagharap ng Pilipinas at ng Israel sa mga problema nito na sanhi ng mga produktong plastik. Patuloy na tumataas ang paggamit ng mga taga-Israel ng mga produktong plastic na maituturing single-use plastic o SUP gaya ng mga plastik na kutsara’t tinidor, mga plato, baso at iba pang produktong gawa sa plastik na minsan mo lamang magagamit. Ngunit dalawa sa 16 na lungsod nito ay nagsusulong ng kanilang inisyatiba na solusyunan ang lumalaking problema ng Israel ukol sa mga produktong plastik. Ito ay ang…
Read MorePINAY BOXER, SUMUNTOK NG GINTO
(VT ROMANO) BINALEWALA ni Nesthy Petecio ang pro-Russian crowd para talunin ang hometown bet na si Liudmila Vorontsove at ibulsa ang gold medal sa AIBA World Women’s Championships, Linggo sa UIan-Ude, Russia. Nagtala si Petecio ng split decision win (3-2) sa kanilang featherweight class encounter at maging ikalawang Filipino athlete na naging world champion sa magkasunod na araw. Narito ang iskor ng mga huradong pumabor kay Petecio: Australia (30-27), Korea (30-27), at Ireland (29-28). Habang ang Japan (30-27) at Argentina (29-28) naman ang pumabor sa Russian boxer. “Nesthy deserved the…
Read MoreMGA PAMAHIIN NG MGA PINOY
Natural sa mga Pinoy ang pagiging mapamahiin. Ayon sa obserbasyon, napakarami natin mga pamahiin kumpara sa ibang mga lahi. Ang nakatutuwa pa rito – na para sa iba ay nakamamangha rin – ang mga pamahiing ito ay bahagi ng pang-araw-araw nating pamumuhay mula sa ating pagtulog hanggang sa paggising. May iba rin sa atin na sige lang sa pagsunod sa mga pamahiing ito kahit hindi naman talaga sampalataya pero nananaig ang takot na hindi ito masunod. PAGTULOG Samu’t sari rin ang paniniwala natin na may kaugnayan sa pagtulog. * Sinasabi…
Read MoreJEEPNEY AT ANG KULTURANG PINOY SA PAGBABAGO
(Unang bahagi) MAY mga pagtutol sa pagpapanukala ng modernisasyon ng jeepney sa Pilipinas dahil sa mga hindi katanggap-tanggap na implikasyon nito sa pangkalahatang kalagayan at kabuhayan lalo na ng mga maliliit. Partikular yaong mga pamilyang nais sanang magkaroon ng sariling kabuhayan na hindi na kailangang mag-empleyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling isa o dalawang jeep na pampasada. Pero sa bagong panukala, tila mawawalan na sila ng karapatang makapamasada. Hindi ko na masisilayan malamang sa mga kalsada ang ilang jeepney na ipinagmamalaking “Katas ng Saudi” ng ilang kababayang pagkatapos makaipon…
Read MoreGOOD LUCK SA TRAPIK!
HINDI na talaga biro at nakakapraning na ang nararanasan nating trapik araw-araw sa Metro Manila at sa mga kalapit na lugar na labis nang nakaaapekto sa ating ekonomiya at sa pamumuhay ng mga mamayan. Halos araw-araw na lamang ay nai-stress ang commuters, at motorista dahil sa mahabang oras na ginugugol sa trapik sa kanilang pagpasok sa trabaho, schools at iba pang pupuntahang lugar at pag-uwi sa kanilang mga bahay. Ang usapan nga ngayon tungkol sa pupuntahang meeting, family gatherings, o anumang lakad sa Metro Manila, ang karaniwang maririnig mo sa…
Read MoreOFW TINAKOT NA PUPUTULAN NG DALIRI; DREAM BUILDERS INT’L MANPOWER TINATAWAGAN NG PANSIN
LABIS-LABIS na takot ang nadarama ngayon ng isang OFW na nasa Kuwait dahil sa banta ng kanyang employer na puputulin ang kanyang daliri at pupunitin ang kanyang passport sa oras na siya ay magreklamo at magsumbong. Ito ang ang ipinarating sa Ako OFW ng kabayani natin na itago natin sa pangalan na “Em-em Pie” na kasalukuyang nasa bansang Kuwait. Siya ay nakarating sa Kuwait sa pamamagitan ng Dream Builders Int’l Manpower Corp. noong Nobyembre 19, 2018. Ang lahat ng gastusin kasama ang kanyang uniporme at pagkain ay sa kanyang suweldo…
Read MorePAANO MAWAWALA ANG SUROT SA BAHAY?
Masakit, makati at namumula. Ito ang mararanasan nating resulta sa balat matapos na makagat ng mga surot. Ang mga surot ay isang uri ng insekto na bagama’t maliit ay masasabing peste sa ating bahay. Ang itsura nito ay maliliit, bilohaba ang hugis, kulay brown at nabubuhay sila sa dugo ng hayop o ng tao. Ang mga insektong ito ay nangangagat at karaniwan din na ang pagkagat ng mga ito ay hindi nararamdaman lalo na kung natutulog ang isang hayop o tao. Delikado ang mga surot dahil mas aktibo sila sa…
Read MoreMMDA: ITIGIL ANG PAGTUTURUAN SA LUMALALANG PROBLEMA SA MASS TRANSPORTATION SYSTEM
(Ni LYSSA VILLAROMAN) Nanawagan si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Asssitant Secretary at spokesperson Celine Pialago na ihinto ang pagtuturuan sa lumalalang prob-lema sa mass transportation system sa bansa. Sinabi ni Pialago na ihinto na ang pagtuturuan at dapat ay magtulungan na lamang ang lahat para matugunan ang transportation issues. “Can we stop the hate? Please, let’s stop the hate and let’s help each other para matugunan ho natin itong lahat,” ani Pialago. Ayon kay Pialago sa kanyang palagay ay masyadong ‘mabigat’ ang pagtawag na ‘krisis’ sa nararanasan sa transportasyon.…
Read More