SUPORTA SA PRESS FREEDOM MULING PINATUNAYAN NG MALACAÑANG — CAYETANO

BINIGYANG-DIIN ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Lino Cayetano ang suporta ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa malayang pamamahayag, kasabay ng pagkilala sa kahalagahan ng mga boses ng mga kaalyado ng gobyerno at mga kritiko nito.

Ayon kay Cayetano, malinaw ang direktiba ng Pangulo na pakinggan ang iba’t ibang pananaw dahil mahalaga ang mga ito sa isang demokratikong lipunan.

“Ang malinaw para sa akin, dito sa amin sa PCO, malinaw ang utos ng Pangulo na napakahalaga ng boses ng mga kasamahan, kakampi, kritiko. Important ‘yun sa isang demokrasya. And our president firmly believes that a critical media helps government become better,” pahayag ni Cayetano sa isang panayam.

Tiniyak din ng kalihim na patuloy na ipaglalaban ng PCO ang malayang pamamahayag.

“That’s something we will continue to fight for,” aniya.

Sinabi ni Cayetano na nais ng PCO na makipagtulungan sa mga mamamahayag upang maipabatid sa publiko ang mga programa at hakbang ng pamahalaan, nang sa gayon ay mas maunawaan ng mga mamamayan ang mga ito at makalahok sa mga usaping pambansa.

(CHRISTIAN DALE)

64

Related posts

Leave a Comment