Nag-organisa ang Bureau of Customs-Manila International Container Port (BOC-MICP) sa pamamagitan ng kanilang External Affairs Office ng 4-day workshop na kung saan nakasentro ito sa Time Release Study (TRS) 2019 na siyang magiging daan upang mapabilis pa ang proseso at paghahatid-serbisyo nito.
Sa tulong na rin ito ng Planning and Policy Research Division (PPRD) ng kanilang tanggapan sa Port Area, Manila bilang testing port.
Ang nasabing workshop ay pinangasiwaan ni WCO TRS Accredited Expert Mr. Sompasong Alphaengphai, Deputy Director Legislation Division mula Lao Customs Department at suportado ng Asian Development Bank (ADB).
Ang TRS ay isang pag-aaral upang matiyak ang sukat ng oras sa proseso ng goods sa buong supply chain at iba pa.
Layunin din nito na malaman kung saan nagpapabagal na nakaaapekto sa proseso ng Customs release processes at malaman ang oportunidad para sa trade facilitation improvement.
Isinagawa ito ng TRS base sa ASEAN Minimum Scope of Implementation at World Customs Organization (WCO) standards.
Dahil dito, inaasahan na lalo pang gaganda at mapapabilis ang proseso at serbisyo ng BOC sa lahat ng mga negosyante na may transaksyon sa kanila at maging sa publiko. (Jo Calim)
