Hunyo 2018 nang unang inilunsad ng Advocates and Keepers Organization of OFW (AKOOFW) Inc. ang Bantay OFW mobile application na libreng maida-download mula sa Android Playstore ng mga OFW o ng mga papaalis pa lamang ng bansa. Layunin ng Bantay OFW Mobile application na makumusta ang lahat ng mga OFW na nakapag-download nito kada-linggo upang maiparating ng mga OFW ang kanilang kalagayan o sitwasyon sa ibang bansa. Tuwing araw ng Biyernes, ay may matatanggap na mensaheng “Kumusta Kabayan?” ang sinumang mayroong Bantay OFW Mobile app na maaaring sagutin ng “Mabuti” o…
Read MoreAuthor: admin
PANUKALANG BUWANANG P10-K SA MGA NANAY, PAGTUTURO NG KATAMARAN?
Nakatawag pansin sa akin ang panukalang batas na inihain sa Kamara ni Star for All Season at kasalukuyang Batangas Rep. Vilma Santos-Recto na naglalayon na pagkalooban ang mga nanay ng tig-P10,000 buwanang financial allowance. Sakaling maging batas na ito, maraming mamamayang Filipino ang matutuwa lalo na ang mga kababaihan dahil maging nanay ka lang, tatanggap ka na ng P10, 000 monthly allowance mula sa gobyerno. Parang ang saya-saya ng buhay. Ito ay nasa ilalim ng House Bill (HB) 4070 o “Providing for Compensation for Stay-at-Home Housewives and Homemakers” na iniakda ni…
Read MoreANG MASALIMUOT NA USAPIN SA BIGAS
(Ikaanim na bahagi) Hindi matapus-tapos ang usapin natin sa kontrobersiya na puting butil sa bigas. Sa iba, ito’y kaibigan. Sa iba, ito nama’y parang kaaway. Para sa mga naghihikahos, ito ang laging sentro ng hain sa hapag. Mawala na ang iba, huwag lang ito. Masarap ang ulam ng Filipino, mula sa pinakapayak hanggang sa mga pinakamagarbo basta may kanin. Oo, sa maraming Filipino, walang saysay at hindi maaaprubahan ang lasa o sarap ng isang putahe hanggang hindi ito naisasama sa mainit at magandang pagkakaluto na sinaing. Ngunit para sa ilang…
Read MoreGREEN LIVING: DISINFECTANTS NA SAFE SA TAO, KALIKASAN
Dahil samu’t sari ngayon ang mga sakit, mas dapat nating maging prayoridad ang paglilinis ng bahay at kapaligiran. Sa paglilinis, siyempre mas kailangan din ngayon na i-level up ang paglilinis sa pagpuksa ng germs, bacteria na nagdadala ng iba’t ibang sakit. Sa pagdi-disinfect, hindi rin tama na basta-basta ang cleaning agents para rito. Mas magandang maiwasan ang chlorine bleach para mas manatiling ligtas ang inyong mga pamilya. Bilang katunayan, ang chlorine bleach ay numero uno sa listahan ng mga delikadong household cleaning chemical. Sa halip, piliin ang mga natural at…
Read MoreCHIKOS AT ZH&K MOBILE PHONE SIRAIN?
Misyon Aksyon, bumili po ako ng cellphone na may tatak na ZH&K, natuwa ako dahil mura. Ngunit wala pang isang linggo ay nasira agad kaya’t bumalik ako sa binilhan ko dahil pasok pa ito sa ibinigay na warranty period. Pinalitan naman agad ng kanilang tindera. Nang buksan ko uli ang ipinalit na cellphone ay baterya naman ang naging problema dahil madaling mag-lowbat. Matapos ang dalawang linggo sira na naman ang unit na binili ko kaya ibinalik ko uli sa binilhan kong mall. Ang sabi ko, “Bakit ganyan ang unit ninyo…
Read MoreYES TO ANIMAL DISEASE ACT
Limamput-walong baboy na suspetyang may African Swine Fever (ASF) ang nakitang lumulutang sa ilog na Marikina. Ito raw ay itinapon mula sa mataas na bayan ng lalawigan ng Rizal partikular sa Pililia. Sa paglitaw ng problemang ito, lumitaw rin na limitado ang ating batas o mga polisiya na angkop sa paglutas ng mga ganitong problema. Inihahanda na raw ng lungsod ng Marikina ang pagsasampa ng iba’t ibang klaseng demanda laban sa mga may pananagutan sa pagtatapon ng mga patay na baboy. P200,000 ang inilaan na pabuya ni Mayor Marcelino Teodoro…
Read MoreASF, HINDI BANTA SA KALUSUGAN NG PUBLIKO
Nag-aalala ngayon ang publiko na sa kinakaharap na isyu ngayon ng bansa tungkol sa African Swine Fever (ASF) virus. Concerned ang mamamayan kung ligtas bang kumain ngayon ng karne ng baboy sa kabila ng hindi lang naman sa Pilipinas umatake ang virus na ito. Duda rin kasi ang mga tao dahil bumagsak ang presyo ngayon ng karne ng baboy sa merkado. Ang pag-aalalang ito ay binigyang-linaw ng Department of Health noong nakaraang linggo. Ayon sa naturang ahensya, ang ASF ay hindi banta sa kalusugan ng mga tao kahit pa sinabi…
Read MoreDEPARTMENT OF OFW, MATUTUPAD NA SA DISYEMBRE
Kahapon ay isa ako sa naimbitahan para dumalo sa Congress Meeting ng Committee Secretary ng Committee on Government Reorganization at Committee on Overseas Workers Affairs. Kasama sa mga naimbitahan ay ang mga kinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamumuno ni Secretary Silvestre Bello, POEA, OWWA, CFO at ang DFA-OUMWA at ang ilang piling mga non-government organizations (NGOs) na kung saan nabibilang ang AKO OFW Inc. Sa takbo ng pag-uusap ay malinaw na ang lahat ng dumalo ay nagpahiwatig ng kanilang pagsuporta upang maisabatas ang pagkakaroon ng DOFW.…
Read MorePUMIRMA LANG NAMAN PALA, BA’T SISISIHIN SA GCTA MESS?
Kayo talaga mga katoto ang dudumi ng isip n’yo. Bakit nga ba naman sinisisi itong si Sen. Bato dela Rosa, ex-Bureau of Corrections (Bucor) chief, sa kaguluhan tungkol sa good conduct time allowance (GCTA) sa New Bilibid Prisons eh wala naman s’yang ginawang masama. Bilang BuCor chief, pumirma lang naman siya ng release papers kaya marami noong panahon n’ya ang nakalaya tapos sisisihin n’yo na siya sa kontrobers’ya sa GCTA. Kayo talaga, krimen na ba na matatawag ang pagpirma? ‘Yan ang sabi ni Senador Bato, hehe! Abusadong computer shops, isara…
Read More