KIDNAPPING NG MGA CHINESE

SIDEBAR

Sa paglaki ng bilang ng Chinese nationals na nagpupunta sa Pilipinas para maglaro sa mga casino, dumarami rin ang bilang ng mga Chinese na nababaon sa utang sa mga tinatawag na loan sharks sa mga casino. At kapag hindi makabayad ang mga naturang Chinese, sila ay dinudukot at dinedetine ng kanilang mga kababayan mula sa Peoples Republic of China (PRC) para ipatubos sa kanilang mga pamilya at kamag-anak kapalit ng kanilang kalayaan. Base sa datos ng Anti-Kidnapping Group ng Philippine National Police, mula 2017 hanggang sa kasalukuyan ay umaabot na…

Read More

MGA BUMILI NG GCTA SA BILIBID WALA NANG PAG-ASANG MAKALAYA

PRO HAC VICE

Sa oras na mapatunayan sa isasagawang imbestigasyon ng DOJ-NBI na kaya lamang napadali ang paglaya ng isang preso o person deprived of liberty (PDL) ay dahil sa pagbili o binayarang Good Conduct Time Allowance (GCTA) ay malabo na itong magbenepisyo pa sa Republic Act 10592 o GCTA law. Tiniyak ni Justice Sec. Menardo Guevarra na hindi na mabibigyan ng credits sa ilalim ng bina­langkas na IRR ng R.A. 10592 o GCTA law ang PDLs na sangkot sa mga paulit ulit na mga paglabag sa loob ng NBP kabilang ang nakagawa…

Read More

RAZOR BURNS, PAANO MAIIWASAN?

RAZOR BURNS

Lahat ng balat natin ay sensitive pero may lebel din ito kung gaano ito kasensitibo. Ito rin ang dahilan kung bakit ang ilan sa atin ay madaling tamaan ng pimples, rashes, allergies at kung anu-ano pa. Bigyang focus natin ngayon kung bakit matapos na mag-ahit ay nagkakaroon ng bumps o pag-umbok, pag-angat ng balat na namumula, at minsan ay masakit. Ang tawag sa bumps na ito ay razor burns o razor bumps. Ang bumps na ito ay nasa bahagi ng katawan o mukha kung saan nag-ahit. Maaari itong nasa dibdib,…

Read More

ANG MASALIMUOT NA USAPIN SA BIGAS

Psychtalk

(Ikalimang bahagi) Sadyang maraming pwedeng itahi sa usapin ng bigas. Ito ay dahil isa ito sa pinakamasasalimuot na usapin sa panahon natin. Kung ang isang bagay ay masalimuot ay dahil marami pang ibang usapin ang nakakabit dito. At marami ring interes na madalas ay magkakasalungat ang nakapaloob dito. Kaya’t mahabang diskusyon ito kung tutuusin. Kung ikakabit ito sa mundo ng politika sa ating bansa, masasabing ilan na ring politiko ang sumadsad ang karera dahil sa bigas. Literal na usapin ito ng buhay at kamatayan ng maraming Filipinong nasa laylayan. At…

Read More

NO SA CITIRA!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Bumoto ng NO sa TRAIN Package 2 o CITIRA ang Bayan Muna dahil naniniwala ito na hindi para sa interes ng mamamayang Filipino ang pagbababa ng Corporate Income Tax mula sa kasalukuyang 30% pababang 20%. Hindi maitatanggi na sa TRAIN 1, mas binuwisan ang mga mahihirap at binabaan ang buwis ng mga mayayaman. Ang mga mahihirap na dati nang hindi nagbabayad ng personal income tax dahil sa sobrang liit ng kanilang kinikita ay napahamak lang dahil sa TRAIN 1, dahil ang tanging natanggap nila rito ay mas mataas na buwis…

Read More

MAS MARAMING NARI-RECRUIT MAGING KOMUNISTA SA CAMANAVA AREA – GEN. ELEAZAR

EARLY WARNING

Ibinunyag mismo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Maj. Gen. Guillermo Lorenzo T. Eleazar na mas paboritong mag-recruit ng communist group na maging miyembro sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area. “Sa usaping mass base, nariyan talaga sa Camanava area kasi mas maraming urban poor doon kaya doon sila (Communist Party of the Philippines at New People’s Army) mas aktibo sa pagkalap ng bago nilang mga mi­yembro.” Ang sistema, pupunta sila sa congested areas sa Camanava at doon kukumbinsihin nila ang mga inosenteng tao na sumama sa kanila,…

Read More

TAMANG TAX COLLECTION PAGBUBUTIHIN PA

TAX-3

(Ni Jo Calim) Upang higit pang mapagbuti ang tamang pangongolekta ng buwis, nagsagawa ng  Annual Assessment Summit ang Bureau of Customs (BOC)  kamakailan sa Diamond Hotel, Manila. Pangunahing tinalakay sa naturang pagtitipon ang may kaugnayan  sa ‘assessment methods’ na gamit sa pagdetermina ng tamang valuation and classification ng goods at pangongolekta ng tamang duties at taxes sa mga kargamentong pumapasok sa bansa. Kasama rin sa tinalakay ang special permits mula sa concerned government agencies para matiyak ang seguridad ng consuming public at protektahan na rin ang local industries. Matatandaang maraming…

Read More

TAPAT NA CUSTOMS EXAMINER PINARANGALAN

HONEST

Pinarangalan ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eddie Monreal ang isang frontliner na si Innah Angela Castillo, Customs examiner matapos na i-turnover nito ang napulot  na electronic gadget sa tamang awtoridad noong Hulyo 11, 2019 para maibalik sa tunay na may-ari. Sa sulat ni Monreal kay Ms. Carmelita Talusan, District Collector ng Bureau of Customs NAIA, Old Mia Road, NAIA Cmpd., Pasay City na may petsang Agosto 28, 2019 pinuri nito ang ipinakitang pagiging tapat ni Castillo. Si Castillo ay nakatalaga sa NAIA Terminal 2 . Nabatid  na…

Read More

P53-M MISDECLARED AGRI PRODUCTS NASABAT NG POM

AGRICULTURAL PRODUCTS

Aabot  sa P53 milyon halaga ng misdeclared agricultural products ang nasabat ng Port of Manila (POM) kamakailan. Ang nasabing mga produkto na nakalagay sa labing-anim na container ay misdeclared agricultural products na dumating sa POM noong nakaraang Agosto 8, 2019 na nagmula umano sa bansang China at naka-consign sa Shinerise Trading Services. Ang inisyung kaukulang alert order ay dahilan upang isailalim ito sa  pagsusuri ng  POM examiners  at dito napatunayang may pagkakaiba ang deklarasyon ng duties at taxes ng nabanggit na mga kargamento. Naunang idineklara ang shipments bilang fishball, subalit…

Read More