Pinalalim pa ang ugnayan sa pagitan ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Cebu at Korean tourists na patuloy ang pagdagsa sa lungsod. Ito´y kasunod na rin sa isinagawang pakikipagpulong ni Cebu District Collector Atty. Martin Mendoza sa Consulate ng Republic of China kamakailan na pangunahing tinalakay ay ang kapakanan ng mga Korean tourist na pumupunta sa naturang lungsod. Partikular na nakipagpulong kay Atty. Mendoza ay si Korean Consul General UHM Wonjae at Consul and Police Attache OH Young Hun ng Consulate of Korea. Nangyari ang pagpupulong noong Setyembre 11, 2019.…
Read MoreAuthor: admin
DEATH PENALTY VS. HEINOUS CRIMES AT ILLEGAL DRUGS DAPAT IBALIK
Sa kabila ng mas pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad at ilegal na droga, may naitatala pa ring brutal na pagpatay, panggagahasa at paglabag sa paggamit at pagbebenta ng illegal drugs. Aminado ang mga awtoridad na lalong lumala ang operasyon ng ilegal na droga sa Pilipinas sa kabila ng kanilang pagsisikap na labanan at sugpuin ang paglaganap nito. Naniniwala tayong hindi tumitigil sa pag-aksyon ang PDEA at hanay ng PNP upang sugpuin ang krimen at operasyon ng ilegal na droga sa bansa, subalit mukhang hindi ito sapat upang…
Read MoreTAGUMPAY NG CSP, TAGUMPAY NG KONSYUMER
Kung maaalala, nagkaroon ng kautusan ang Korte Suprema na nagsasabi na ang lahat ng power supply agreement (PSA) na isinumite pagkaraan ng ika-30 ng Hunyo 2015 ay kinakailangang sumailalim sa isang competitive selection process (CSP). Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga supplier ng kuryente na mag-bid para sa kontrata sa distribyutor ng kuryente gaya ng Meralco at upang masiguro na makukuha ng mga konsyumer ang kasunduan na makabubuti sa mga ito. Alinsunod sa kautusang ito, isinagawa sa unang pagkakataon ang CSP para sa 1,200 MW na kontrata na…
Read MoreHOSPITAL PASS FOR SALE SA BUCOR!
Sobra na ang kabalbalan at kalokohan ang pinaggagawa ng mga tauhan at opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) kung saan lahat na lang ng maaaring pagkakitaan ay ginagawa ng mga walanghiyang mga tauhan nito. Sa hearing ng Senado kung saan ipinatawag ang mga opisyal ng BuCor, natuklasan ng mga mambabatas na hindi lamang pala sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) kumikita ang mga lintik kundi maging sa dalaw ng bisita, pagpasok ng alak, sigarilyo, conjugal visit, konsiyerto, magagarang kubol, pagpapasok ng mga bayarang babae na tinatawag nilang “Tilapia” at “Hospital…
Read MoreDUTDUTAN 19
Pagta-tattoo, pagtatanghal ng iba’t ibang banda, at fashion show ang muling aasahan ng tattoo enthusiasts sa gaganaping Dutdutan 19: Philippine Tattoo Expo. Ang Dutdutan ay proyekto rin ng Philippine Tattoo Artists Guild, Inc. o Philtag sa pangunguna nina Ricky Sta. Ana at Alfred Gueverra. Ang kauna-unahang “Dutdutan Philippine Tattoo Convention” ay ginanap noong Marso 2005 sa Garahe Bar sa Ermita, Maynila. Sa paglipas ng panahon ay parami nang parami ang sumusuporta at dumadalo sa taunang okasyong ito. Maging ang foreign tattoo artists at fans ay dumadayo na rin bilang pagkilala…
Read MoreTATTOO LEGEND: RICKY STA. ANA
(Ni Ann Esternon) Sa paglipas ng maraming taon, naiiba na rin ang imahe sa pagkilala natin sa kung ano ang tattoo hindi tulad dati na sinasabing ang dekorasyong ito sa katawan ay tanging sa mga bilanggo lamang at mga taong may negatibong pag-uugali. Ngayon ay mas nagiging positibo na sa nakararami ang tattoo at iba na ang pagtingin natin dito. Ang pagta-tattoo ay nasa katergoyang symbolic, pictorial o purely decorative. Siyempre ang pagmamarka ay depende rin sa nagpapa-tattoo kung ano ito sa kanya. Pero sa tattoo artists, mas malalim ang…
Read MoreMAGTULUNGAN TAYO KONTRA EPIDEMYANG ASF VIRUS
Dumating na sa Pilipinas ang matagal nang kinakatakutan sakit na mula sa ibang bansa — ang epidemyang African swine fever (ASF) virus na umaatake sa mga alagang baboy na nakasisira sa ating hog industry sa kasalukuyan. Sa pangyayaring ito, ang Pilipinas na ngayon ang itinuturing na pinakabagong bansa na makakabilang sa mga bansang dinapuan ng ASF virus na umaatake sa piggeries. Ito ay matapos na kumpirmahin ng laboratory results mula sa United Kingdom na ang sanhi ng pagkamatay ng mga alagang baboy sa Bulacan at Rizal ay positibo sa ASF…
Read MoreBRGY. OFFICIALS, DAPAT MANAGOT SA PAGDAMI NG BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITERS
Kapansin-pansin ang biglang paglobo ng bilang ng mga nabibiktima ng illegal recruiters mula sa mga probinsiya patungo sa Dubai o Abu Dhabi sa U.A.E. Karamihan sa aming natatanggap na sumbong o paghingi ng saklolo ay ang mga nagmumula sa probinsiya na hinikayat na magturista sa U.A.E. na ang tunay na pakay ay ang magtrabaho. Mahigpit kasi itong ipinagbabawal dahil sa umiiral na deployment ban sa bansang U.A.E. Ang sistema na ginagawa ng illegal recruiters ay humihikayat sila ng mga OFW o dating OFW sa pamamagitan ng pag-post sa Social Media…
Read MoreANG MASALIMUOT NA USAPIN SA BIGAS
(ikaapat na bahagi) Para sa mga Juan at Juana na nasa laylayan ng lipunan, mahalaga ang bigas. Ang pagkakaroon nito o kawalan nito ang sukatan nang nakakaagapay pa sa kahirapan o ang ganap na karukhaan. Kasi nga naman, kung may naisasaing ka pa, may maihahain pa sa hapag kahit isang bandehadong kanin, may pagsasaluhan pa ang mag-anak na kapos. Madali na lang gawan ng paraan ang ipapares dito: asin, toyo, mantika, o sitsirya–mairaraos ang isang kainan. Pihado nang may pantawid-gutom, at magkakaroon ng patuloy na lakas ang katawan kahit paano…
Read More