Nitong nakaraan Huwebes ay ginanap ang regular na pagpupulong ng OWWA Board of Trustees upang talakayin ang pagpapalakas ng mga programang may kinalaman sa paghahanda sa pagbabalik ng Pilipinas ng ating OFWs o ang mas kilala sa tawag na Reintegration Program. Sa tuwing magsisimula ang pagpupulong ay inilalahad sa aming mga miyembro ng Board of Trustees ang mga kasalakukuyan at mga magaganap na programa. Kabilang na rito an statistics o numero ng mga nabiyayaan ng mga programa ng OWWA. Isa sa nakatawag ng pansin sa akin ay ang lumalaking bilang…
Read MoreAuthor: admin
HALITOSIS HINDI DAPAT PABAYAAN
Nakaka-turn off sa tao na mayroon itong mabahong hininga. Hindi ito basta masamang amoy ng hininga dahil sa hindi ka lang nagsipilyo matapos mong kumain kanina ng agahan kundi isang malalang kondisyon na ang tawag ay halitosis dala ng pagpapabaya at walang maayos na oral hygiene. Ang halitosis na tinatawag ding bad breath (o fetor oris) ay nangyayari sa 25 porsyento ng tao sa mundo o isa sa bawat apat na tao ang mayroon nito. Siguro ay karaniwan pero dapat ito ay iniiwasang mangyari dahil nakahihiya sa katabi o kausap.…
Read More7-ANYOS MAY 526 NGIPIN
Matinding pananakit sa bandang ibabang bagang at namamaga pa ito. Kalaunan ay mas sumakit pa ang panga ng isang batang pasyente sa India na kanya nang idinadaing. Ito pala ay dahil sa 526 niyang ngipin. Na-admit ang 7-anyos na bata sa ospital noong nakaraang buwan dahil nasuri ng mga doktor nito sa pamamagitan ng scan at x-ray ang kanyang bibig. Dito nakita na ang bata ay may tinatawag na “abnormal teeth” sa kanyang dental sac o dental follicle. Ayon kay Dr. Prathiba Ramani, head ng Oral and Maxillofacial Pathology sa…
Read MoreMINALTRATO NG 2 AMO
Unang dumating ang kabayani nating OFW na si Alecia sa Saudi Arabia noong Agosto 2018 nang paalisin ng agency na JTC International Manpower services Inc. dito sa Pilipinas. Subalit wala pa itong isang buwan na helper ay dumanas agad ng pagmamaltrato sa poder ng employer na si Hoda Saleh Mohammad Al-Sahrani. Ibinubuhos sa kanya ang mainit na kanin at kumpiskado rin ang cellphone niya. May sandaling hindi rin siya pinapakain. Mula 5 am hanggang 2 am ng susunod na araw kung siya’y magtrabaho. Nakalipat man ng ikalawang employer sa A…
Read MoreITIGIL NA ANG MGA LAND CONVERSION
Isa sa mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ay itong patuloy na pagkaubos ng mga lupaing pansakahan sa ating bansa. Walang pakundangan ang mga ginagawang land conversion ng mga lupaing pang-agrikultura upang ito ay maging mga subdivision at industrial zone. Idagdag mo pa rito ang ang patuloy na pananamlay ng ating mga kababayan upang sakahin at linangin ang kanilang lupaing pansaka dahil sa naging desisyon ng pamahalaan na alisin ang quantitative restriction sa pag-angkat ng mga bigas na galing sa ibang bansa. Unti-unting namamatay ang ating sektor…
Read MorePHILIPPINE CORRUPTION AND SWITEK OFFICE?
Ipinatigil ni Pangulong Duterte ang operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos pumutok ang issue ng korapsyon. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang opisinang ito ang isa sa takbuhan ng mga Filipino kung kakailanganin ang tulong na medikal. Hindi naman na siguro bagong problema rito sa bansa na para tayong ginigisa sa sarili nating mga mantika? Ang perang sana ay magsasagip ng mga buhay, ginawang ilegal na hanapbuhay. Nakalulungkot na ang opisinang kilala sa salitang “charity” ay naging matunog kamakailan sa isyu ng korapsyon. Mahirap man sikmurain,…
Read MoreSIMPLENG MGA EHERSISYO SA SENIORS
Nakababahala ngayon ang ating mga senior citizen dahil marami sa kanila na kapag tumuntong na ng 60-anyos ay iba’t iba na ang nararamdaman sa katawan at sa kanilang kalusugan. Ang mas nakalulungkot pa rito ay kahit wala sa edad na nabanggit ay marami na sa atin ang mahihina na ang katawan dahil lantad din tayo sa iba’t ibang mga bagay na nakasisira sa ating mga kalusugan. Para sa mga nasa edad 50 pataas o sa ating senior citizens lalo pa’t kung may malakas pa silang pangangatawan at matibay-tibay pa ang…
Read MoreDELIKADO SA KALUSUGAN: MAPWERSANG PAGBAHING
Uso ang sipon ngayong tag-ulan at dahil virus ito ay madali rin itong kumalat. Ang pagbahing ay kadalasang nangyayari kapag may foreign particles na nakaiirita sa nasal mucosa. Kailangan nating bumahing dahil beneficial ito upang mailabas ang mucus na mayroong irritants mula sa nasal cavity. Nangyayari ang pagbahing nang biglaan o walang kontrol. May pagkakataon naman na maaaring makontrol ito at ito ang mas dapat na bantayan. Sa pagbahing iwasan ang magkaroon ito ng matinding pu¬wersa o lakas upang hindi naman maging peligroso ito o mag-iwan ng masamang epekto sa…
Read MoreNAVOTOURS NG NAVOTAS, BAB’YAHE NA
Maliit na lokalidad na maituturing ang Lungsod ng Navotas bukod sa ‘di kalakihang pondo pero ‘di ito naging balakid sa magkapatid na sina Mayor Toby Tiangco at Rep. John Rey Tiangco dahil hindi sila naubusan ng programa at proyekto na t’yak na pakikinabangan ng mga residente. Kamakailan lang, kanilang inilunsad ang Navotours bus para sa mga pampublikong elementarya at hayskul ng lungsod. Ito’y magagamit sa city-funded student field trips sa mga museums, universities at colleges, pampubliko at pribadong institusyon, at iba pa. Gagamitin din ng mga estudyante at guro na…
Read More