Misyon Aksyon, pakikalampag naman po at pakiimbestigahan ang ilang mga stall owner sa mga mall ng SM dahil walang ibinibigay na official receipt (OR) sa halip ay resibong ‘Recto’ ang ibinibigay sa kanilang mga kustomer. Ito ang naranasan ko nang bumili ako ng cellphone, binigyan ako ng ‘hao shiao’ na resibo na walang pangalan ng may-ari at ito ang kanilang resibo, na wala kang mababakas na dumaan sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa kabila ng paghihigpit ng gobyerno. May business permit sila at DTI ngunit wala silang opisyal na…
Read MoreAuthor: admin
PAGBANGON KAILANGAN NG ITBAYAT, BATANES
Noong isang araw lamang ay may ulat na aabot sa P282 milyon ang halaga ng mga napinsalang gusali sa Itbayat, Batanes dahil sa magkakasunod na mga lindol na nangyari rito noong nakaraang Sabado. Iniulat din na nasa 185 mga bahay ang tuluyang gumuho at hindi na magagamit pa dahil sa trahedya. Sa pinakabagong ulat kahapon ay inihayag ni Batanes Province Governor Marilou Cayco na kailangan ng kanilang lalawigan ang P886 milyon para sa rehabilitasyon. Malaking pondo ang kailangan na iyan at hindi kakayanin ng lokal na pamahalaan na muling maibalik…
Read More50 TAON NG PHILIPPINE FILM HISTORY SA CCP KASABAY NG ANIBERSARYO NG CINEMALAYA
Ipinagmamalaking ihandog ng Cultural Center of the Philippines ang isang ekstensibong exhibition ng Philippine film history na magsisimula sa Sabado, Agosto 3 sa ganap na alas-3:30 ng hapon sa CCP Bulwagang Juan Luna (Main Gallery). Pinamagatang Scenes Reclaimed: CCP 50 x Cinemalaya 15, ang naturang exhibiting ay muling kikilala sa historical participation ng CCP sa paglago ng Philippine Cinema sa loob ng 50 taong serbisyo, na nagtatapos sa pagtatatag ng unang nationwide independent film festival, ang Cinemalaya, na sa ngayon ay nagdiriwang ng ika-15 taong anibersaryo. Ang Scenes Reclaimed ay…
Read MoreMT. BATULAO: CHALLENGING AKYATIN SA GANDA!
Kung trip na trip mong umakyat ng bundok pero beginner ka pa lang, isa ang Mount Batulao sa pwede mong piliin at simulang akyatin. Ang Mt. Batulao ay matatagpuan sa Nasugbu sa lalawigan ng Batangas. Ito ay may taas na 811-m o 2,660ft above sea level. Isa ang bundok na ito sa mga paborito para sa trekking at climbing. Paborito ito dahil may pagpipilian dito ang mga hiker mula sa dalawang trails nito: ang luma at ang bagong daan. Sa pag-akyat mas maiging magdala ng trekking poles o kaya pwedeng…
Read MoreILEGAL AT ‘DI MAKATARUNGAN ANG PAGSASARA SA PCSO
Korapsyon ng appointees ni Presidente Rodrigo Duterte ang dahilan kung bakit biglang inutos niya ang pagpapasara ng operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office. Imbes na parusahan ang mga tinalaga niyang opisyal ay naapektuhan pa ang maraming mamamayan, kabilang ang mga pasyenteng umaasa sa mga medikal na tulong na ibinibigay ng PCSO. Hindi ba’t hindi ito makatarungan? Ang malaking tanong ay kung anu-anong mga anomalya ang tinutukoy ni Pangulong Duterte na dahilan sa kanyang pag-uutos na ipasara ito. Mula pa 2011 ay itinutulak na ng Bayan Muna ang mga imbestigasyon hinggil…
Read MoreTERORISMO GAWING OBSOLETE
Maaaring mas makatutulong sa buong mundo, maging sa mga terorista kung mamarapatin nilang tigilan na ang pag-iisip at pagsunod sa dikta ng terorismo. Wala naman talagang buting maidudulot ang terorismo sa mundo. Oo nga’t kumikita ang mga terorista dahil ang nasa likod ng terorismo ay bilyun-bilyong dolyar na budget, subalit maaaring mas mainam ang kapayapaan na lamang ang pagtuunan na makakatulong pa sa kalusugan, kapahingahan at kaaliwan ng bawat isa, maging ng mga terorista. Maaaring hindi rin naman talaga natutuwa ang mga terorista sa pinaggagagawa nila, na pera-pera lamang naman…
Read MoreSTL AT JUETENG
Pwede na muling tumaya sa lotto matapos muling pabuksan ang may 30,284 lotto outlets ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kasunod ng kautusang pag-alis ng Malacañang sa naunang suspension order nito sa operasyon ng lotto sa bansa. Nananatili namang suspendido ang operasyon ng Small Town Lottery (STL), Peryahan ng Bayan at Keno habang iniimbestigahan ito ng Department of Justice dahil sa mga ulat na hindi nakukuha ng PCSO ang tamang kubransa sa mga operator ng STL. Base sa 2017 at 2018 report ng Commission on Audit, lumilitaw na ang STL…
Read MorePAGBABANTAY SA MGA BORDER HINIGPITAN PA NG BOC-NAIA
(Ni Jomar Operario) Hinigpitan pa ng Bureau of Customs Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang kanilang pagbabantay sa hangganan upang maharang ang mga ilegal na kontrabando na pumapasok sa nasabing paliparan. Kaugnay nito, si District Collector ng BOC-NAIA Mimel Talusan ay nagpaalala sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) in relation to RA 10863 (The Customs Modernization Tariff Act) ang pag-import at export ng illegal drugs. Matatandaan, nitong nakaraang Hulyo 26, 2019 muling nakasabat ang Customs-NAIA ng P5.5 milyon…
Read MoreTARGET COLLECTION NG SUB-PORT NG DUMAGUETE NALAGPASAN
Nalagpasan ng sub-port ng Dumaguete ang kanilang monthly collection target. Mula sa P353.325 milyon collection target, nakapagtala sila ng actual collection na P451.075 milyon. Ang tagumpay na ito ng puwerto ay ipinaabot ni Sub-Port Collector Fe Lluelyn Toring kay Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu Acting District Collector Atty. Charlito Martin R. Mendoza sa pagdalaw nito kamakailan sa naturang puwerto. Ang Sub-Port of Dumaguete ay nasa ilalim pa rin ng pangangasiwa ni Mendoza. Ipinaabot pa rin ni Toring ang mahigpit nilang pagmamatyag laban sa pagpasok ng illegal goods. Sinabi…
Read More