Ang mga nangyayaring kaguluhan sa Mindanao ay matagal nang problema ng bansa. Hindi na iyan bago sa ating mga Filipino dahil maraming administrasyon na rin ang humawak sa Pilipinas pero ang hidwaan sa Mindanao ay hindi pa rin maalis-alis. Ilang mga engkwentro na rin ang nangyari pero hindi nauubos ang kalaban ng pamahalaan doon. Pinostehan na rin ng Martial Law ang lugar pero ganoon pa rin. Nakalulungkot mang sabihin pero parang naisumpa ang Mindanao sa kagulugan. Nakapako lagi sa ganoong pamumuhay ang mga tao roon. Buhay na buhay ang karahasan…
Read MoreAuthor: admin
‘DAPAT MAGBAYAD NG BUWIS ANG CHINESE WORKERS SA POGO’
TAMA lang ang sinasabi ni Quezon City Councilor Winston “Winnie” Castelo na masiguro ng awtoridad kung may maayos na working permit ang mga Chinese na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa lalo sa QC ay nagbabayad ng tamang buwis. Sa panayam ng Quezon City Press Club members, mahalagang mabigyan ito ng atensyon ng concerned agencies dahil kung totoong hindi sila nagbabayad ng buwis ay malaking kawalan ito lalo sa kung saan may ilang POGO rito, ayon sa comebacking councilor na naging three-termer congressman. Kanyang nilinaw na OK…
Read MoreDOFW, PINAGHAHANDAAN NA RIN NG OFWs
Mistulang piyesta ang mamamayan sa iba’t ibang grupo ng Overseas Filipino Workers, dahil sa magandang kaganapan na kung saan ay marami na ngayong senador at kongresista ang nagsusulong ng pagkakaroon ng Department of Overseas Filipino Workers (DOFW). Sa nakaraang Araw ng Pasasalamat sa OFW noong Hulyo12 ay ipinahayag ni Presidente Rodrigo Roa Duterte na kanyang ipinangako na bago matapos ang taon ay maitatatag na ang bagong Department of OFW na muli niyang binanggit nitong nakaraang SONA. Kahapon ay inihayag naman ni House Speaker Alan Peter Cayetano na kanyang ipinasok na…
Read MorePPO NAGPAMALAS NG HUSAY SA ANTIQUEÑOS SA SAN JOSE AT PANDAN
Sa kabila ng mga paulit-ulit na mga pag-ulan, ang lively performance ng Philippine Philharmonic Orchestra (PPO), sa ilalim ng baton ni Maestro Herminigildo Ranera ay nagbigay kulay at buhay sa mga residente ng mga bayan ng San Jose Buenavista at Pandan sa Antique. Ginanap noong Hunyo 30 at Hulyo 1, ang outreach concerts ng PPO ay naging makabuluhan sa pakikipagtulungan ng Cultural Center of the Philippines president na si Arsenio “Nick” Lizaso. Ang concerts na ito ng PPO ay naging matagumpay sa suporta ni Antique Congresswoman Loren Legarda, na dumalo…
Read MorePROPOSALS KAILANGAN PARA SA CCP 2020 EXHIBITION VENUE GRANT
Ang Cultural Center ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Visual Arts at Museo ng Division nito ay tumatanggap ng mga proposal o panukala para sa 2020 Venue Grant Program. Ang VAMD ay nag-aalok ng mga venue ng exhibition kung saan ang kasalukuyang visual art expression ay maaaring i-mount, itampok, pag-aralan at inalisa. Sa pagsuporta nito, ang VAMD ay nagbibigay ng mga gawad sa anyo ng libreng paggamit ng exhibit space at curatorial assistance para makaengganyo, pasimulan, suportahan at imantina ang pagkamalikhain at artistikong kahusayan sa visual arts. Nagsasagawa rin ito ng…
Read MorePARAISO SA CAGBALETE ISLAND
Marami sa mga Pinoy na mahilig mag-travel na lagi nilang target na maging budget friendly ang getaway ng mga ito. Sa hindi nais malayo masyado sa Maynila pero adventurous, isa sa mga isla na dinarayo ngayon ay ang matatagpuan sa munisipalidad ng Mauban sa lalawigan ng Quezon – ang Cagbalete Island. Ang Cagbalete Island ay isang natatagong paraiso dahil sa mga unspoiled beach na naririto. Popular ang lugar na ito tuwing summer. At kung panahon naman ng tag-ulan ay marami sa mga biyahero o mga turista ang itinataon ang kanilang…
Read MorePURO PALUSOT, WALANG SOLUSYON ANG SONA 2019
Nagdaan na naman ang State of the Nation Address ni Pangulong Duterte nito lamang Lunes, July 22. Ngunit, nasagot ba ng mahabang pahayag ng pangulo ang mga isyu na bumubulabog sa taumbayan? Unang-una na usapin pa rin ang laganap na kahirapan. Malaki ang bilang ng walang trabahong regular. Kung may trabaho man, kulang ang sahod ng manggagawa para makaagapay sa nagtataasang bayarin at presyo ng bilihin. Wala ring sinabi ang pangulo sa lumalalang mga paglabag sa karapatang pantao, tulad ng mga pagpatay kaugnay ng madugong kampanya laban sa droga, na…
Read MorePARUSANG KAMATAYAN SA DRUG LORDS AT PLUNDERER
Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Fidel V. Ramos naging ganap na batas ang pagbabalik ng Death Penalty sa mga tinatawag noon na heinous crimes gaya ng kidnapping-for-ransom, drug trafficking, rape, murder at carnapping with homicide. 1993 naging batas ang Republic Act 7659 na nagpanumbalik sa capital punishment bilang tugon sa lumalalang kriminalidad sa bansa partikular ang mga kaso ng kidnapping, bank robbery at rape with murder. Hindi agad naipatupad ang RA 7659 dahil naghintay pa ito ng panibagong batas noong 1996 na tinawag na RA 8177 o ang batas…
Read MoreTRAPIKO PINASOSOLUSYUNAN
Sa nakaraang SONA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay malinaw ang kanyang kautusan na nararapat na ang mga pampublikong lansangan ay ibalik nang magamit ng publiko upang mapaluwag ang trapiko sa Metro Manila. Inatasan niya hindi lamang ang MMDA kundi pati ang DILG na tutukan ang mga siyudad na sundin ito o mahaharap ang mga respective mayor ng mga ito sa suspensyon. Nasa P2.4 bilyon kada araw ng pinagsamang pondo ng bawat mamamayan at pamahalaan ang nasasayang dahil lamang sa mabigat na trapiko sa bansa, ayon sa pag-aaral ng Japan…
Read More