JUSTICE SYSTEM MUNA ANG AYUSIN BAGO DEATH PENALTY

POINT OF VIEW

Pursigido talaga si Pangulong Rodrigo Duterte na pagtibayin ng18th Congress ang panukala na ibalik ang parusang bitay sa loob ng nalalabi nitong tatlong taong panunungkulan. Isa ito sa naging pangunahing hiling ng Pa­ngulo sa harap ng mga mambabatas mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso sa inilahad sa kanyang State of the Nation Address (SONA). Inamin ni Duterte na ang katiwalian sa gobyerno at ang illegal drugs ang pangunahin pa ring problema at banta sa bansa. Sa problema sa illegal drugs, noong manalo at maupo ang pangulo ipinangako niya na ang…

Read More

BAGONG PAG-ASA… SANA!

Psychtalk

Una akong nakabalik ulit sa puso ng Maynila kahapon: Binondo at Divisoria area – para katagpuin ang ilang kaibigan sa isang mall sa area. May halong antisipasyon sa kung ano ang magandang makikita ko dulot ng bagong puno ng lungsod. Nakakaengganyo kasi ang hype ngayon sa social media at balita. ‘Di naman ako gaanong naaliw sa nakita bagamat may naobserbahang positibong pagbabago. Medyo mas lumuwag nga ang trapiko kaysa dati. Maalwan nang kaunti ang pakiramdam para sa mga motorista. Kung mayroon kasing pagbabago sa pisikal na kapaligiran, lohikal na kasunod…

Read More

KORAPSYON SA PCSO MALALA; LOTTO, STL ITINIGIL NI DU30

DUTERTE-PCSO-2

Dahil sa malalang korapsyon sa loob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) hindi na napigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkainis at iniutos ang pagpapahinto ngayong araw ng operasyon ng Lotto at iba pang sugal sa bansa. Sinabi ni Duterte, sa isang video message, na maliban sa Lotto, ipinahihinto rin ang operasyon ng iba pang lisensiyado at may prangkisa na mga sugal, gaya ng STL, Peryahan ng Bayan at Keno. Ang Philippine National Police (PNP) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang inatasan ni Duterte upang tiyaking  maipatutupad…

Read More

MGA PARAAN PARA MABAWASAN ANG MGA KALAT SA BAHAY

KALAT SA BAHAY

Mataas ang posibilidad na kapag maraming mga gamit ay marami rin ang pwedeng ma­ging kalat sa bahay. May iba naman na kahit ma­raming mga gamit ay maayos o naayos naman ito agad. May iba rin na hindi na maayos pa ito kaya nagiging santambak ang ligpitin kabilang pa rito ang mga bagay na hindi naman talaga nagagamit at mga kalat nang matatawag. Paano ba mababawasan ang mga kalat na ganito? 1. Alamin ang clutter perso­nalities. Para mapanatiling maayos ang bahay o anumang lugar dito dapat masuri kung ano talaga ang…

Read More

SAGIP KANLUNGAN

MAGING WAIS KA

Nakatatakot isipin na ang Pilipinas ay pangatlo sa talaan sa buong mundo na nahaharap sa sakuna o panganib. Ito ay dulot ng iba’t ibang natural na kalamidad tulad ng bagyo, ba-ha, lindol, landslides, at pagputok ng mga bulkan. Sa mga ganitong sitwasyon, mas nakatatakot na marami sa atin ang maaaring mamatay, da-hil sa kakulangan ng kaalaman, kawalan ng paghahanda, at pondo, at mga emergency healthcare facilities. Kayang lumpuhin ng kalamidad at sakuna ang ating mga kabuhayan, ekonomiya, at imprastraktura sa isang iglap. Nakatawag pansin sa akin ang isang grupo ng…

Read More

PSA BULOK ANG SISTEMA; ANNOTATION SA BC TAON BAGO MAKUHA

Misyon Aksyon

Dapat sigurong i-seminar o palitan ang mga empleyado ng Philippine Statistics Authority (PSA) na dating census upang maging angkop sila sa kanilang mga trabaho. Makasisira ang mga ito sa kampanya at panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mada-liin at huwag patagalin ang serbisyong ibinibigay sa publiko. Kamakailan ay nagsagawa ang Misyon Aksyon upang patunayan kung totoo na nabigyan na ng aksyon ang mga reklamo ng publiko sa PSA sa kanilang sistema na matagal na pagpoproseso ng mga dokumento. Ito po ang mga nangyari. Nagsadya po ang Misyon Aksyon sa tanggapan…

Read More

MAG-INGAT SA BINIBILING ELECTRONIC GOODS SA LAZADA AT SHOPEE

BAGWIS

Gaya ng napakarami nating mga kababayan ay nakakagawian ng inyong lingkod ang pamimili ng mga gamit at kung anu-ano sa online selling mobile apps gaya ng Lazada at Shopee. Napakalaking ginhawa naman kasi ang online shopping dahil ‘di mo na kailangang mabalahura sa traffic at ‘di ka gagastos sa gasolina kaya nawiwili tayo na mag-bargain hunt sa online portals na ito. Okay pa naman noong una dahil may kalidad naman ang ating mga nabibiling produkto ngunit nitong mga nakalipas na buwan ay tila dinagsa na ng mga mandarambong na third-party…

Read More

MAY EPEKTO BA ANG PANONOOD NG TV SA MGA BATA?

WATCHING TC

May magandang dulot ang panonood ng television o TV dahil ito ay pwedeng maging entertaining, educational, at magbukas sa panibagong mundo para sa mga bata. Makakakuha rin sila ng iba pang impormasyon o ideas na hindi nila basta mae-encounter sa kanilang komunidad. Kung walang limitasyon ang mga bata sa panonood ng TV ay may masama ring epekto ito sa kanila. Maraming mga magulang o guardians ang nag-aakalang sa panonood ng mga bata sa TV ay naiiwas sila sa mga masasamang elemento sa pakikipaglaro sa labas at sa kung anu-ano pang…

Read More

MGA DAPAT GAWIN PARA MAGKAINTERES ANG MGA BATA SA PAG-AARAL

PAG-AARAL

(Ni ANN ESTERNON) Ang bata kapag interesado sa pag-aaral ay nakikita mong aktibo siya sa mga bagay-bagay tungkol sa school para ma-develop pa ang kanyang talino at interes na mag-aral pa. Pero para sa ibang mga nanay, masakit sa loob nila na makita ang kanilang mga anak na walang gana sa pag-aaral. Ngunit may mga bagay naman na makatutulong para masolusyunan ang ganitong uri ng problema sa mga bata. – Isa sa mga best incentive para matuto ang bata at maengganyo na mag-aral ay purihin ito o i-congratulate sa mga…

Read More